Chapter 24 ' SG '

2.4K 69 4
                                    

Di ko alam pero bigla ko nalang gustong makita yung kwintas na may SG pagdating ko nang bahay. Umiiyak parin akong tinititigan ito. Nahiga ako sa kama ko sa sobrang pagod. Ang lalim na nang gabi at wala akong ibang iniisip kundi ang kalagayan parin ni Shino.

Bakit ang sakit sakit nang lahat. Lahat ng mga nangyari sa buhay ko. Lahat ba nang mamahalin ko ay mawawala? Bakit lagi nalang akong nasasaktan? Do i really deserve this pain?

Iniangat ko ang kwintas. Kumikinang ito.

"Rian..bakit?" Humagulhol lang ako.

Wala akong kasama sa bahay. Wala na ang mga magulang ko. Wala na si Rian. Huwag na si Shino, oh God!

Nagising ako nang tumunog ang phone ko. It's nearly 12noon nang tingnan ko ang wall clock.

Ang sakit nang ulo ko habang nakatingin lang sa cellphone ko na patuloy parin ang pag ring.

"Hellow.." namaos pa ang boses ko mapagpasyahang sagutin ito.

(My sweet Johanna...)

Namulat ulit ako ng mata saka tiningnan ang screen. Ang tanga ko. Si Shino ang tumatawag.

"Oh my god kumsta kana? Pupuntahan kita. Mga 20 minutes. Okey bye."

Mabilis pa sa alas kwatrong naligo ako at nagbihis. Kinuha ko ang phone ko at ang katabi nito kwintas. Sa pagmamadali ko ay nabitbit ko na rin yung kwintas. Isinout ko nalang ito nang mapansin ko. Dumaan nalang din ako nang cafe at kumuha nang cake.

"Jo-Johanna.." si Azi agad ang bumungad sakin pagkatok ko.

Ngumiti ako ng pilit saka iniangat ang dala kong cake. Alam kong hindi sya galit pero di sya nakangiting pinapasok ako.

Niyakap ko agad si Shino nang makita ko sya.

"Aw--" daing nya.

"Oh i'm sorry.." i brushed my tears with my hand and i give him a smak.

Si Azi lang pala ang kasama ni Shino sa kwarto nya.

"Kumusta kana? Nag aalala ako, Shino. Ano ba kasi ang nangyari?" Sabi ko habang hinihiwa ko ang cake na dala ko kanina.

"Wait, isa isa lang sweetie. I'm not gonna die---yet." Sinabayan nya ito nang pagtawa habang sinulyapan si Azi na nakaharap na ngayon sa glass window.

Sinusubuan ko si Shino dahil na sling pa ang kamay nito.

"Humm..sarap..anyway, may nanloob kasi sa bahay ko kaya ito ang inabot ko. But don't worry im fine , now."

Napatingin ulit ako kay Azi na nananatiling nakatayong nakapamulsa pero nakatalikod sa amin.

Naagaw ang atensyon namin nang walang katok na pumasok ang mga kaibigan ni Shino.

"Shit!" Sabi pa nung isa.

Parang natahimik sila nang makita ako.

"Men, meet Johanna. My girl." Napatingin ako sa kanya. Nakangiti sya.

Samantalang ni di makatingin ang mga kaibigan nya. Kaya ako na ang lumapit sa kanila at makiki shake hands. Gustong kong magpakilala ng pormal.

Puro naman sila gwapo at desente. Kaso para namang hindi sila interesado sakin kaya di na ako nagsalitang bumalik sa tabi ni Shino.

"Johanna?---" tawag pa ni shino.

Napangiti nalang akong hinarap sya pero parang nakatingin lang ito sa may dibdib ko. I mean sa kwintas ko. Napahawak tuloy ako dito. Na sinundan nang kamay ni Shino.

"Fuck!" It was Azi na tumingin din sa kwintas ko.

What's wrong?

Frustrated syang lumapit samin at muling tinignan ang kwintas.

"B-bakit?"

"I told you, Jude!" Someone hissed.

Pero rinig na rinig ko parin sila.

Nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Shino.

"It was'nt mine, Shino. It's fro-----"

"I've been looking for this one."

I heard them gasp and cussing.

May kung anong gustong sabihin ng isip ko. Nagtataka akong palipat lipat ng tingin. Kinakabahan ako. Nanginginig ang tuhod ko. Ayokong isipin.

Is it belongs to him? SG for Shinobi Garth? Someone who send me flower at laging nagpapasalamat with those initials SG? SG? SHINOBI GARTH?

Napaatras akong hinuhubad ang kwintas.

"Is----is it your's?" Nangingilid na ang luha ko pero pinapigilan ko paring tumulo ang luha ko.

Gusto ko munang malaman galing sa kanya ang sagot. Just answer, no please. Oh god.. naghintay ako nang sagot nya pero nanatiling nakatuon ang tingin nya sa kwintas na yun. Sa sobrang kaba ko ay bigla akong nauhaw. Napalunok ako ng ngumiti sya at tumingin sakin.

Just say, no. Pigil hininga akong naghintay.

"Yeah! And i've been looking for this for months! Akala ko nga nawala na. San mo 'to nakita, sweet Johanna?"

Nabingi ako. Tumulo nalang ang luha ko. Ano ba naman 'to! Bakit kailangang mangyari pa ang lahat ng 'to? Napailing ako habang palipat lipat nang tingin sa mga kaibigan nya.

So afterall, these are those group of men! Afterall sa ganitong eksena ko pa sila makikita?

Lumayo ako kay Shino. Humakbang ako paatras. This can't be true.

"Johannah?--why?" Tanong pa nito.

Pero nanginginig ang labi kong tinitigan lang sya. Nagflashback sakin ang lahat nang mangyari ang hostage at nung binaril si Rian. It was Sh-Shino who shoot him. Oh my god!

"All--- all of you." Mahina kong umpisa. Habang patuloy ang pag agos ng luha ko.

Pero nabigla ako nang lumapit si Azi sa gilid ko at hawak nya na ako sa balikat.

"Let's talk outside, now." Mariin pa nitong sabi.

Para ano pa? Para pagtakpan ang kasalanang ginawa nila? Kaya pala lumago ang letseng negosyo ng gagong 'to dahil sa pagnanakaw at pagpatay! I shook my head.

I loathed them all! I hate Shino to hell!

"Damn you! Go to hell! Sa korte tayo magkikita, Mr. Garth!"

Nakita ko pang nanlaki ang mga mata ni Shino at tinawag pa ako. Pero nilisan ko na ang lugar na yun. Kahit nagdidilim na ang paningin ko ay tumakbo lang ako.

Mga walang hiya! Pinahulog nya lang ako. Bakit ako pa?

At tuluyang nagdilim ang paningin ko.

Timeless Love Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon