"Hey! Are you listening?"
Natigil ako sa pag iisip ng may pumitik sa ilong ko.
"Aray! Ano ba! masakit hah!"
Marami naman sigurong magkaparehas ng pangalan.
"I'm asking you to have a dinner with me. Gutom na ako, so let's go." Anitong confident na nakapamulsa sa harap ko.
Ngumisi nalang ako sa inasta nya.
"Asking? Ha! Ha! Mister hindi asking yan! At isa pa, busog ako kaya mag dinner kang mag isa! Baka nakalimutan mong may atraso ka sakin?" Sabi kong kinuha ang mga empty boxes at tinalikuran na sya upang lumabas.
"What! No one say's no to me! --shit!"
Narinig kong pasaring nito pero di ko na sya pinansin at dumeretsong sumakay sa naka abang na taxi ng tuluyang makalabas.
Habang nasa byahe naman ay yung Shinobi'ng bata noon ang naalala ko. Malabong yun yung kausap ko kanina.
I shook my head.
'
"Kuya halika pasok ka sa bahay si yaya lang naman ang nasa loob eh." Dahan dahan ko syang hinila ng mahimasmasan na kami parehas.Alanganin syang umiling.
"Ayoko. Baka mapagalitan kapa dahil sakin. Aalis na ako salamat talaga J-Johana."
Di ako umimik. Ayoko pa syang umalis kaya di ko binitiwan ang kamay nya at parang nakikiusap na tumingin sa kanya.
I heared him sigh.
"Di mo pa ako kilala Johana tapos papapasukin mo na sa bahay nyo?"
Di ako natinag. Ngumiti ako habang umiiling.
"Kilala na kita kuya Shinobi! Kaya likana."
Wala na syang nagawa ng pwersa ko syang hinila papasok sa bahay at edeniretso sa kwarto ko. Para di na sya makita ni yaya.
"B-bakit dito? Baka makita nila ako!" Balisang sabi nito.
I giggled ng makita ko ang hitsura nya.
"Umupo ka muna at kukuha lang ako ng damit."
Nagtataka man ay umupo nalang din sya. Lumabas muna ako at dumeretso sa kwarto nila papa. Kumuha ako ng ilang damit at short.
'Sakto na siguro to sa kanya.'
Nadatnan ko syang payapang natutulog ang kalahating katawan sa kama ko.
Nangingiti kong i-on ang aircon.
"Ano ba kasing nangyari sayo at nagkasugat at may mga pasa ka? Kaya ka ba nagtatago kanina? K-Kuya?" Bahagya kong bulong sa kanya.
Alas tres nang matapo skong mag bake ng cookies.
"Wow mukhang ginanahang mag bake ang alaga ko ah!"
Ngumiti ako sa kanya at isa isang nilagay sa plato ang cake.
"Ya' patimpla naman po ng milk, please."
"Alas tres pa iha, mainit pa ang panahon." Takang tanong nito.
"Please ya' gusto ko pong mag milk eh."
Umiiling naman itong nagtimpla.
"Sa kwarto lang po ako. Manonod ako ng barbie. Gusto nyo kong samahan ya?"
Dali dali naman itong umiling.
"Naku naku! Hwag mo na akong idamay sa mga ganyan ganyan Claire. Sege tatawagin nalang kita pag andito na ang mga magulang mo."
BINABASA MO ANG
Timeless Love Completed
General Fiction-You teach me how to love and to be loved. -How can i forget and forgive what you did? May pagkakataon pabang baguhin ni Shino ang nakaraan? Paano matatanggap ni Johannah Claire ang nakaraan ni Shino? Timeless love, don't let it end no. Now that you...