Chapte 13 'Sweet kisses'

2.5K 81 5
                                    

'Magandang araw my sweet Johana! Ingat!"
Shino

Ilang linggo na ang nagdaan patuloy parin akong nakakatangap ng maliit na note pag kagising ko. Ganadong ganado akong pumunta ng school araw araw. Gustong gusto ang endearment nya sakin 'Sweet Johana'

Kinikilig ako.

Ilang beses din akong nag iiwan ng note bilang tugon sa kanya bago ako pumunta ng school. At pag dating ko ay wala na ito kaya alam kong sya mismo ang kumukuha nito.

Tuwing umaga naman pag gising ko ang sagot nya. Minsan nga sinusubukan kong hindi matulog para naman magkausap kami. Pero tulog mantika talaga yata ako kasi hindi ako nagigising kapag bumubukas ang bintana.

'Kuya chinito, usap naman tayo. Nami-miss na kita.sa sabado wala akong pupuntahan hihintayin kita. Ipag be-bake kita ng pinakamasarap kong cake.'"
'Ur sweet Johana''

Yun ang sagot ko kanya nung mga araw na yun. Sabik na sabik akong mag sabado.

Nang sumaput naman ang araw nang sabado ay maaga akong nag bake ng moistured chocolate cake para sa aming dalawa mamaya. Total nasa Baguio naman sina mama at papa at bukas pa ng gabi ang balik.

Wala akong nakuhang sagot sa huling note ko. Pero alam ko namang di nya ako bibiguin.

Sumapit ang alas quatro ng hapon ay silip ako ng silip sa may bakuran namin inaasahan darating sya. Pero ni anino nya ay di ko nakikita.

Nakaramdam ako ng sobrang lungkot ng sumapit na ang alas sais ng gabi. Nanlunmo akong napa upo sa carpeted na sahig ng kwarto ko.

Nag ayos pa naman ako. Naghanda pa din naman ako. Hindi na malamig ang juice, ang moist nung cake hindi na rin maganda tingnan.

Niyakap ko ang mga binti ko. Gusto ko nang maiyak.

Naghintay parin ako hanggang mag alas otso na at tuluyan na akong umiyak.

"K-Kuya naman eh, sana--sana sumagot ka man lang--kung pupunta ka o hin---hindi!"

Isang kalabog sa bintana ang pumukaw sa kakaiyak ko.

Kakapasok lang na Shinobi ang nakita ko. Kumabog ulit ang puso ko sa tuwa.

Bigla akong tumayo at sinalubong sya agad ng yakap. Naramdaman kong suminghap sya.

"He-Hey.." aniyang ginatihan din ako ng yakap.

Mas lalo akong napaiyak. Miss ko talaga sya.

"Kuya naman kasi eh! Kaninang umaga pa'ko hintay ng hintay sayo eh. Bakit kasi ang tagal mo? Sayang naman ang cake na ni-bake ko para sa'yo. Alam mo bang nagpanganda pa ako, nag -ayos. Late ka na masyado ilang oras nalang at gabi na masyado. Aalis ka na naman. Matagal pa naman yung susunod na sabado." Reklamo ko sa kanya.

Bahagya nyang hinawakan ang magkabilang braso ko at inilayo sa kanya.

"Dahan dahan naman. Teka talagang nag ayos ka pa?" Sabi nyang hinahaplos ang luha sa pisngi ko.

Timeless Love Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon