Chapter 1

93 5 0
                                    



Monday morning. I feel so excited but nervous at the same time while waiting for a ride. This is my first day of school of being a college student. Matapos ang apat na mahabang taon sa high school, heto na ako ngayon para harapin ang panibagong yugto ng buhay ko na susi para sa aking magandang kinabukasan. Samu't saring emosyon ang nararamdaman ko. Excitement, pangamba at kaunting takot.

          Ano kaya ang magiging buhay ko sa kolehiyo? Tiyak na mas mahirap ang mga lesson ngayon doon kesa nung high school pa ako. Makakapasa kaya ako? Kakayanin ko kaya ang lahat ng hustle at stress? Maeenjoy ko kaya kahit paano ang buhay-college? Makakagraduate kaya ako?

          Yan ang mga tanong na naglalaro sa aking isipan na hindi ko pa alam ang magiging kasagutan.

          Hanggang sa may dumaan nang isang tricycle sa harap ko at agad ko iyong pinara. Nakita kong may isang babae nang sakay ang tricycle, mukhang estudyante rin dahil nakainuporme ng pang-nursing. Ngumiti ako sa kanya at nginitian din naman nya ako. Sabay pumasok na ako  sa loob ng tricycle.

          "San po kayo, miss?", tanong sakin ng driver.

          "Ah... Sa Asian College po ako, manong.", sagot ko.

          Tumango lang ang driver sabay pinaandar na ang tricycle.

          "Tiga-A.C. ka din? Freshman ka noh?"

          Nagulat pa ako ng biglang magsalita ang babaeng katabi ko.

          "Ah... O-oo ate, sa A.C. ako. Estudyante ka rin pala don.", napangiti ako at may ideyang kumislap sa aking isipan.

          "Oo, nursing ang course ko, obvious naman diba? Hehe. Graduating na ako next year. Ikaw anong course mo?"

          "HRM. Passion ko kasi ang pagluluto.", sagot ko naman.

20 minutes din ang byahe papunta sa bayan at nakagaanan  ko din ng loob ang bago kong schoolmate. Mabait kasi sya at kalog, madaldal at maraming kwento kaya naaliw ako. Nagprisinta siya na ihatid ako sa magiging classroom ko dahil hindi ko pa alam ang pasikot-sikot sa buong university.

          "O hayan na Mika ang magiging classroom mo. Goodluck to you're 1st day of school. Galingan mo, 'cause 1st impression counts a lot.", kinindatan pa ko ni ate Andy sabay ngisi.

          "Naku, salamat talaga ate Andy. See you around. Text text nalang tayo."

          At nagpaalam na nga kami sa isat'isa.

          Sumulyap ako sa aking wristwatch, quarter to eight na. 15 minutes pa bago magsimula ang unang klase. Dahan-dahan kong binuksan ang nakapinid na pinto ng classroom. Nakita kong marami ng tao sa loob pero wala pa naman ang professor. Maliban sa ilang magkakatabing nagkwekwentuhan, tahimik ang karamihan. Marahil dahil hindi pa nga kilala ang isa't-isa. Wala rin akong mamukhaan na kakilala ko o naging classmate o schoolmate ko noong highschool. Everyone seems strangers to me.

          Pumasok na ako sa loob, malikot ang aking mga mata para maghanap ng bakanteng upuan. Na-conscious akong bigla ng mapansin kong nasa akin lahat ang atensyon ng  mga magiging kaklase ko. Everyone is staring at me. Di ko tuloy mapigilang ma-conscious sa suot kong baby pink sleeveless at dark blue skinny jeans na tinernuhan ko ng black pair of doll shoes and black body bag.

          "What's wrong with them?", sa loob-loob ko. "Ngayon lang ba sila nakakita ng tao?"

          Sa wakas ay nakasipat na rin ako ng bakanteng upuan sa bandang likuran katabi ng isang lalaking maputi at medyo chubby, may kakulitan ang itsura pero mukha namang mabait.

Born To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon