Jealousy

8 0 0
                                    

Hindi maikukubli ang tensyon habang sakay kami ng motor boat pabalik sa isla. Nangungusap sa akin ang mga mata ni Andy, tila nagtatanong kung ano ang nangyari sa amin ni Philip sa parasailing pero nanatili akong hindi umiimik. Itinuon ko ang ang aking atensyon sa dagat.
Si Philip at Masiong naman ay casual na nakikipag-huntahan sa mga crew at nagmamaneho ng motor boat.

"Parang walang nangyari kung umasta."iritadong bulong ng isip ko.

Hanggang sa makarating kami ng isla ay hindi ako masyadong nagsasalita. Pilit kong iniiwasan na magkatinginan kami ni Philip. Hindi parin napapawi ang galit ko sa ginawa niya kanina.

"Mag-aalas-dose na, guys. Mag-lunch muna tayo." Sabi ni Masiong.

"Sorry, pare 'di na ako makaka-join sa inyo ng lunch. Nag-message kasi ang ibang tropa, they're expecting me to go lunch and scuba diving with them later. Kahapon pa kasi namin usapan iyon." Pagpapaalam ni Philip

Naaninag ko sa gilid ng aking mga mata na nakatingin siya sa akin, tila tinitingnan ang aking reaksyon sa kanyang pagpapaalam.
Nanatili akong tahimik at ni hindi siya tinitingnan. Nagpanggap ako na busy sa pagbu-butinting  sa aking cellphone.

"Ok lang, Phil. Marami pa namang next time. Salamat sa pag-sama mo sa amin." Si Andy na ang sumagot.

"Ok, guys. Thanks for letting me join you. Let's hang out again some other time."

Nakipag-high five muna ito kay Masiong bago tumalikod at umalis. Para namang may kumurot na kung ano sa aking puso habang pinagmamasdan ko siyang papalayo. May isang bahagi ng isip ko na nagsasabi na gusto ko pa siyang makasama. Ngunit may isang bahagi din naman ng isip ko na hindi pa handang magpatawad.

Sa McDonalds namin napagpasyahang kumaing tatlo. Pagkatapos mananghalian ay napagpasyahan muna naming bumalik sa hotel para magpahinga. Gusto daw muna umidlip ng dalawa gawa ng puyat pa dahil sa party kagabi. Mamaya nalang daw kami mag-swimming sa dagat kapag hindi na masyadong tirik na tirik ang sikat ng araw.

"Ayaw mo paring pag-usapan?" Pabulong at worried na tanong sa akin ni Andy habang naglalakad kami pabalik sa hotel.
"Saka na'lang." Pilit akong ngumiti para magbigay sa kanya ng assurance na ok lang ako.

Pagdating sa hotel room ay kaagad nahiga at natulog ang dalawa kong kasama. At dahil magkasintahan na ang dalawa kaya naiintindihan ko kung bakit sa kwarto na namin naki-idlip si Masiong. Magkatabi at magkayakap ang mga ito habang mahimbing na natutulog.

Ako rin ay pagod at puyat ngunit tila naman hindi ako dalawin ng antok. Hindi parin maalis sa isip ko ang mga nangyari. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman.

Pinilit kong ipikit ang aking mga mata para gumawa ng antok. I feel exhausted pero kusang nagpa-flash back sa aking isipan ang malambot at mainit na labi ni Philip. Whenever I close my eyes I see his beautiful face, and again I'm feeling some kind of electricity in my stomach. It makes me feel so restless and I can't relax.

          But what am I supposed to do? That was my first kiss. I never had a boyfriend since birth and he just stole my first kiss just like that. I don't know if I'm just over reacting but it didn't make me happy though. There's a part of myself that feel flattered and excited but not enough to patch the fact that I feel insulted.
          I'm not easy to get. Hindi ako katulad ng ibang mga babae na nagkakandarapa sa kanya. At wala syang karapatan na halikan ako ng basta basta lang at kung kelan nya gustuhin. I'm not Amanda, I'm not his pet. Matuto s'yang rumespeto ng babae. Akala ko pa naman ay gentleman siya. Nagkamali ako.

          Naghihimutok na bumangon ako sa pagkakahiga at dahan-dahang pumunta sa c.r para magpalit ng damit. I need some fresh air. It's hopeless! I couldn't sleep!

          Sa poolside bar ko naisipang umistambay at magpahangin. Walang naglalangoy sa pool at wala rin 'ni isang customer sa bar kaya it's a perfect place to unwind and have peace for a while.

          "One virgin piña colada, please." Wala sa loob na sabi ko sa bartender habang paupo ako sa bar stool.
          Naramdaman kong lumingon sa akin ang bartender na kanina lamang ay may inaayos sa alcohol storage.

          "Comin' right up, ma'am!" Masiglang tugon nito.

          Hindi na ako nag-abala pang tingnan ang bartender dahil abala ako sa pagta-type sa aking cellphone. Kasalukuyan kong ka-text ang Mommy ko.

          Wala pang limang minuto ay inilapag ng bartender sa harap ko ang inorder kong inumin. Nagpasalamat ako pero hindi parin tumitingin sa mukha nito. Patuloy ako sa pagta-type sa aking cellphone habang ninanamnam ang malamig at masarap na piña colada.

          Nangangalahati na ang aking inumin nang may marinig akong tawanan sa di kalayuan. Eksaktong lingon ko ay nakita ko si Philip at ang mga kabarkada nito. Kasama ang magbestfriend na Amanda at Gemma. Bale lima silang lahat na patungo sa swimming pool kasama ang dalawa pang lalake na kaklase din namin. Mukhang maliligo ang mga ito base sa mga kasuotan. Halos lumuwa ang dibdib ni Amanda sa suot nitong two-piece swimsuit. Pati ang kilos at pagsasalita ay papansin at mapang-akit. At kala mo linta kung maka-angkla sa bisig ni Philip.

          Hindi ko inaasahan nang biglang yakapin at itulak ni Amanda ang nagulat ding si Philip sa swimming pool. Halos sabay na bumagsak ang dalawa sa tubig. Naghiyawan at tawanan naman ang mga kasama ng mga ito.

          Nang lumitaw sa tubig ang dalawa ay lumapit at muling yumapos si Amanda kay Philip. Nakapulupot ang dalawang kamay nito sa leeg ng lalake habang annoying parin na humahalakhak. Halatang hindi natural ang pagtawa nito at inaartehan lamang.

          Nanggigil at nag-init ang ulo ko sa eksenang nakita. Aggressive much? Parang gusto kong lapitan at sabunutan ang babae.

         Hanggang sa mapasulyap si Philip sa kinaroroonan ko at magtama ang aming mga mata.

Born To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon