Chapter 24

0 0 0
                                        

Alas-otso pa lamang ng umaga ay naroon na ako sa Merryl's. Alas-nueve pa talaga ang simula ng duty ko, pero dahil excited sa aking unang araw ay sinadya ko talagang agahan.

Waitress ang job description na inapplyan ko dahil iyon ang hinihingi ng bakanteng posisyon. Ngunit dahil mabait ang may-ari ay ito pa mismo ang nagsabi sa akin na maaari akong tumulong sa kitchen paminsan-minsan. Natuwa kasi ito nang malaman na mahilig din akong mag-bake at HRM ang course ko.

Kumpiyansa rin ako na malaki ang maitutulong ng bago kong trabaho sa aking pag-aaral at ganon narin sa aking future dream job.

Nahahati ang cafe sa dalawang section. Bakery ang front section at restaurant naman ang inner section. Nakakarelax ang simple but cozy vibe ng lugar. May maliit na stage din sa inner corner para sa banda o performer.

Pumasok ako sa maluwang at malinis na kitchen at bumungad sa akin si Ma'am Merryl; ang may ari at baker ng cafe. Abala ito sa pagmamasa ng tinapay. Naroon din ang isang cook at dalawang kitchen helper na busy rin sa kani-kanilang ginagawa.

"Good morning, Ma'am Merryl." Masiglang bati ko sa isang ginang na masa mid-40's ang edad.

Lumiwanag ang mukha nito pagkakita sa akin.

"Mikaella, ang aga mo, ah?"

"Excited po kasi ako, ma'am." Nakangiti at kakamot-kamot na sabi ko.

Ipinakilala ako ni Ma'am Merryl sa iba pang staff.

"And this is Bevs, your co-waitress. Siya ang magbi-briefing sa'yo ng mga dapat mong gawin at malaman.

"Hi, Mikaella." Nakangiting bati sa akin ng isang payat at morenang babae.

Kung hindi ako nagkakamali ay matanda lamang ito sa akin ng dalawa o tatlong taon.

"Hi, Bevs. It's nice to meet you."

So far, mukhang mababait at friendly naman
lahat ng mga staff.

Masigla akong nagsimula sa aking unang araw.

9:00am ay nag-simula na ang daloy ng mamimili sa bakery. May isang sales lady at cashier na sa bakery section kaya sa dining lang talaga kami naka-assign ni Bevs. Sa lunch pa magbubukas ang dining area kaya inabala muna namin ang aming mga sarili sa paglilinis at paghahanda ng lugar.

11:30am ay nagsimula nang dumating ang mga customer. Hanggang sa halos hindi na kami magkanda-ugaga ni Bevs sa pagsi-silbi.

Mas nauna akong nag-lunch break kay Bevs dahil hindi naman kami pwedeng magsabay dahil mag-aala-una na ay marami paring dumarating na customers.

Nang sumapit ang hapon ay gumaan na ang trabaho dahil mangilan-ngilan lang ang customers. At usually ay kape, tinapay at light snacks lamang ang order ng mga ito.

Sa dinner time naman ay halos kapareho din ng lunch time ang daloy ng mga tao. Nakakapagod pero hindi ko iyon alintana dahil nag-eenjoy naman ako sa aking ginagawa.

Nakakagana ring mag-trabaho dahil puro mababait at kalog ang mga ka-trabaho ko. Hindi sila mahihirap pakisamahan.

Napuri naman ako ni Ma'am Merryl dahil maganda ang performance ko sa araw na 'yon.

At natapos ang tila napakahabang araw. Parang mga pandesal na ang muscles sa magkabilang binti ko dahil sa halos 10hours na pagtayo at paglalakad-lakad. Ngunit masaya ako dahil nairaos ko ng maayos ang aking unang araw sa trabaho.

Sumulyap ako sa aking wristwatch, 7:30 na ng gabi. Hindi pa ako naghahapunan at kumakalam na rin ang sikmura ko sa gutom.

"Mika, mauna na ko sayo, ha? Nandyan na kasi ang sundo ko." Ani Bevs sa akin.

Ininguso nito ang isang lalake na kadarating lang at sakay ng isang asul na motorsiklo. Naka-helmet ito.

"Mag-ingat ka sa pag-uwi at mag-text ka kapag nakarating ka na sa inyo, ha?" Thoughful na paalala pa ni Bevs.

"Thanks, Bevs. Ingat din kayo."

Umangkas si Bevs sa motorsiklo at yumakap sa baywang ng lalake.

"Mika, nobyo ko nga pala, si Maynard." Pagpapakilala nito sa lalake.

Binati ko ang lalake at tinanguan naman ako nito, hindi na nag-abalang tanggalin ang suot na helmet.

"Ingat kayo sa pag-uwi." Ani ko sa dalawa bago ini-start ng lalake ang motorsiklo at mag-maneho na palayo.

Naiwan akong mag-isang nakatayo sa tapat ng cafe.

Ito nga lang ang magiging problema ko kung sakali. Medyo mahirap kasing makakuha ng tricycle sa pwestong iyon ng Merryl's. At malayo din ito sa sakayan. At kung mamalasin pa ay baka mapatapat ako sa driver na nananaga sa pamasahe lalo't gabi.

Naisip ko na kapag nakapag-ipon ay bibili ako kahit isang maliit na scooter para mayroon akong service.

Kumalam na naman ang sikmura. Gutom na talaga ako pero wala parin akong tricycle na napapara. Laging puno at may sakay ang mga napapadaan.

Hay nako, maglalakad na ba ako papunta sa sakayan? Mga 20 minutes din kasi kapag nilakad ang papunta roon. Anong oras pa ako makakauwi sa amin?

Bumuntong-hininga ako at malungkot na isinukbit ang aking backpack sa magkabilang balikat. Mag-uumpisa na akong maglakad patungo sa sakayan. Nang may bumusinang sasakyan sa likuran ko.

Lumingon ako at nakita ko ang isang pamilyar na pulang kotse. Para akong namamalik-mata nang bumaba ang driver niyon at lumapit sa akin.

"Hi, sorry I'm late."

Akmang kukuhanin nito sa likod ko ang sukbit kong backpack.

Mabilis na umiwas ako upang hindi n'ya makuha ang backpack.

"Anong ginagawa mo dito, Philip?"

"Ano pa? Eh, di sinusundo ka?"

"Ha? Wala naman tayong usapan, ah?"

Matamis na ngumiti siya sa akin.

"Hindi ba ganoon naman talaga kapag nanliligaw sa isang babae, sinusundo?"

Bumilis ang tibok ng puso ko. Ito pala ang sinasabi n'yang itatama n'ya ang kanyang mga pagkakamali. Pinilit kong huwag mapangiti sa aking narinig.

"Tara, sakay na at delikado kung magko-commute ka. Marami pa namang mga loko sa panahon ngayon."

Parang nahihipnotismo na sumunod na lamang ako dito. Para naring lutang ang isip ko dahil sa gutom.

Ipinagbukas n'ya ako ng pinto ng kotse bago ito sumakay sa driver's seat.

ITUTULOY...

Born To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon