Chapter 31

0 0 0
                                    

Naghiyawan ang mga tao sa paligid nang anyayahan ni Bruce si Philip sa stage. Nagtitili rin ang mga kababaihan sa sobrang excitement.

"PHILIP! PHILP!"

"GO, PHIL!" Cheer ng mga tao sa kanya.

Kahit madilim sa loob ng bar ay dama ko ang awkwardness na nararamdaman ni Philip ng mga sandaling iyon.

Pilit itong tumatanggi pero mas lalo lamang lumalakas ang hiyawan at cheer ng mga tao.

"PHILIP, COME ON! PAGBIGYAN MO NA ANG MGA FANS MO!" Ani Bruce gamit ang mikropono.

Tumingin sa akin si Philip na para bang humihingi ng saklolo. Puno ng panic ang kanyang mga mata.

Pinisil ko ang kanyang kamay.

"Babe, sige na. Pagbigyan mo na sila kahit isang song lang." pag-e-encourage ko dito.

Ilang beses nang nabanggit sa akin ni Philip kung gaano n'ya kamahal ang musika kaya't batid kong pinanghihinaan lamang ito ng loob.

"I don't know, babe...baka magkalat lang ako 'don." His face is full of fear and hesitant.

I squeezed his hand even more.

"Kaya mo 'yan, babe. Nandito ako para sumuporta sa'yo... and I'm also dying to hear you play... please do it... for me..."

Huminga ito ng malalim at saka tumango.

At parang magigiba ang buong night club sa lakas ng tili at hiyawan ng mga tao nang dahan-dahang lumakad na si Philip papunta sa stage.

Nakatungo ang ulo nito at tila ba hiyang-hiya parin.

"GO, PHIL!" Naki-cheer na rin kami sa crowd nila Andy at Masiong.

Pag-akyat sa stage ay sandaling nag-usap-usap ang band members at si Philip. Marahil ay pinag-uusapan kung ano ang kakantahin o tutugtugin niya. Nakita ko rin nang hiramin niya ang acoustic guitar sa isang band member.

Inaayos muna niya ang kanyang mic stand bago nagsalita.

"Good evening everyone..." mahinang sambit ni Philip sa mic.

Tumahimik ang lahat na tila sabik na naghihintay sa kanyang performance.

"I never even imagine that I'm gonna stand in front of you tonight. But...here I am.."

Bahagyang natawa ang crowd.

"But... I won't find the nerve to do this if it wasn't
for this very special girl...
She's the one who encouraged me to face my fear...
To believe in myself...
And I'm so blessed to have this girl in my life..."

My heart beats really fast.

"You changed my life for the better...
You fill the empty space in my heart that I never knew existed...

Tumingin si Philip sa aking kinaroroonan.

Hindi ko maipaliwanag ang kilig at kaligayang nararamdaman ko habang pinapakinggan ang sincere at matatamis niyang mga salita.

Pakiramdam ko ay kulay rosas na ang aking mga pisngi sa sobrang pagba-blush.

"I love you, Mikaella Gonzales..."

My heart beats few times stronger. This is the first time that he told me the "L word" and I can't believe that he just said it in front of hundreds of people.

Alam kong nakapako na sa akin ang atensyon ng lahat. Dinig ko ang mga tudyo, panunukso at tili ng mga taong kinikilig. Ngunit parang hindi ko na ito alintana.

Born To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon