Chapter 22

0 0 0
                                    

Back to Mikaella's POV

Nagmamadali akong kumuha ng ice cubes sa freezer at mabilis ko iyong ibinalot sa isang puting tela. Iniabot ko iyon kay Philip na ngayon ay nakaupo sa dining area ng maliit naming kusina.

Sapo-sapo nito ang tuktok ng ulo na nahampas ko ng walis-tambo kanina.

"Thanks." Mukhang hilo pa ngunit napapangiting sabi nito.

"Phil, it's not funny." Hindi ngumingiting sabi ko.
"Anong naisipan mo at tinakot mo ko ng ganon? Paano kung napuruhan kita?"

Ipinatong nito ang ice cloth sa masakit na bahagi ng ulo . Medyo napapikit siya sa sakit nang madampian ito ng malamig na yelo.

"Masama ka palang gulatin, Mikaella." Natatawa na napapailing na sabi nito.

Lumapit ako dito at hinawi ko ang makapal at malambot nitong buhok. Ang laki ng bukol.

"I'm sorry..." nakangiwing sabi ko.

Kinuha ko ang ice cloth sa kamay niya at ipinagpatuloy ko ang pagdampi ng ice cloth sa kanyang ulo.

Napasandal siya sa kinauupuan habang nakapikit na napapangiwi sa kirot.


"It's so funny. Do you remember that night in Bora? That boat incident? I almost broke my hips because I startled you.
Now this..." napapailing habang natatawa parin ito.

"Huwag mo na nga akong pa-guilty-hin, Philip. 'Di ko naman sinasadya.
At kung tutuusin hindi ko naman talaga kasalanan dahil ikaw ang nag-trespassed d'yan.
Binasag mo pa yung paboritong halaman ng Tita ko." Panunumbat ko dito.

"I'm sorry about that.
Don't worry, papalitan ko nalang 'yung nasira ko." Nakapikit parin na sabi nito.

"Ano ba kasing ginagawa mo sa labas ng gate namin ng dis-oras ng gabi? Akala ko tuloy ay magnanakaw ka." Masungit na sabi ko habang patuloy kong dinadampian ng ice cloth ang kanyang bukol.


"Aww...aww.." napa-aray ito nang mapadiin ang dampi ko ng ice cloth.

"Oops..." napatakip ako sa aking bibig.

Pinagmasdan ko ang ayos nito. Ang gwapo nito sa suot na tuxedo. Ang ganda talaga nitong magdala ng damit. Kahit anong isuot ay bagay.

Ngunit kumirot ang aking puso nang magbalik sa ala-ala ko ang eksenang nasaksihan sa Boracay. Gustong-gusto ko siyang sumbatan sa pananakit sa damdamin ko. But I don't have the guts to do it.

"Ano bang ginagawa mo dito? Hindi ba birthday ngayon ng girlfriend mo? Baka hinahanap ka na 'non."

"Pinapaalis mo na ba ko? Bakit, magagalit ba ang bf mo 'pag nalamang nandito ako ngayon?" Nang-aasar ngunit makahulugang tanong nito.

He's not even denying na girlfriend na niya si Amanda. Siguro nga ay totoo.

Parang may kumurot na naman sa puso.

Oh, God. I hate feeling this. Kelan ba ito matatapos?

Tumahimik ako at pinagpatuloy lang ang ginagawang pang-gagamot sa injury niya.

Born To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon