Bonfire Party

9 0 0
                                    

"Nangangabog ka bes ah?!" Biro sa akin ni Andy habang paikot-ikot kong pinagmamasdan ang aking repleksyon sa wall-sized mirror ng aming hotel room.

Kasalukuyan kaming naghahanda para pumunta sa beach bonfire party naming magka-kaklase. It's also our last night in Boracay before we go back to Bulacan tomorrow afternoon.

I styled my long shiny black hair into a  big beachy curls and put a natural-looking makeup. I wore a light blue and pink floral maxi dress that I matched with my favorite brown flat sandals. And for the finishing touch up, I wore my favorite fruity-smelled cologne.

Nilingon ko si Andy na nakaupo sa gilid ng kama niya. Abala ito sa pag-aaply ng mascara habang hawak ang kanyang compact mirror.

"Ikaw nga d'yan eh! Paluluwain mo na naman ang mata ng boyfriend mo." I grinned while I'm looking at her from head to toe.

She's also wearing a floral summer dress pero dilaw at puti ang kulay na bumagay sa maputi niyang kutis. Napakaganda rin nito sa ayos.

Andy chuckled. "Kung 'di ako mag-aayos ay baka mapagkamalan akong julalay mo."

We both burst into a laughter. "Grabe ka naman! Hindi kaya!"

"Na'san na daw yung date mong big time?" Andy changed the subject.

"Date ka d'yan. Kaibigan ko lang 'yon." Saka pabiro ko siyang inirapan.

          She just shrugged her shoulders and rolled her eyes. Halatang hindi kombinsido sa sinabi ko.

Simula nang makilala ni Andy at Masiong si Bien ay hindi na ako nilubayan ng mga ito sa kakatukso. Sa katunayan ay sila pa mismo ang nag-imbita kay Bien na sumama sa party para may date daw ako.

Pero hindi ko ikino-consider as date si Bien. Oo gwapo ito, mayaman, mabait. Maraming babae ang siguradong magkaka-gusto at nagkaka-gusto dito. At hindi rin ako manhid para hindi maramdaman na may espesyal na pagtingin ito sa akin. But I don't want to lead him on. Kaibigan lamang ang turing ko dito. And I'm planning to tell him that directly just in case he confess his feelings. Ayokong mag-paasa ng tao.

Tila naman nagbago ang ihip ng hangin dahil kung dati ay kay Philip botong-boto si Andy, kabaligtaran naman ngayon.

Nailahad ko na kasi kay Andy at Masiong ang nangyari sa amin Philip sa parasailing at hindi rin nila ang nagustuhan ang ginawa ng huli. Kahit pa raw nagpa-panic na ako ay hindi ito basehan para basta na lamang mang-halik. Maliwanag daw na pagsa-samantala ito sa kahinaan ng isang babae.

Ilang beses din ako'ng tinext at tinawagan ni Philip ngunit hindi ko ito sinasagot. Hindi sa nagpapaka-pride pero gusto ko lamang itong bigyan ng leksyon. If I will forgive him that easily, he'll just probably assume that I'm one of those girls who can't resist his charm. He must try harder than that if he really wants to earn my forgiveness.

But I know deep inside, I'm looking forward to see him tonight at the party. Lihim na umaasam ang puso ko na sana ay mag-effort ito na makausap ako at humingi ng tawad ng personal. Dahil sa totoo lang ay siya ang dahilan ng aking puspusang pag-aabala sa pag-aayos ngayong gabi.

Makalipas ang limang minuto ay bumaba na kami sa lobby kung saan naghihintay na sina Masiong at Bien. Magkakasama kaming sumakay sa golf car service ng hotel patungo sa party. Wala pang dalawampung minuto ay nasa venue na kami. Pero ibang parte ito ng isla, medyo isolated at malayo sa ibang properties.

Ang ganda ng panahon ngayong gabi. Bilog na bilog ang buwan at maningning ang kislap ng mga bituin. Medyo maalinsangan ang ihip ng hangin. Sa malayo pa lamang ay dinig na ang masiglang tugtugin at malalakas na tawanan na nagmumula sa bonfire party.

Napaka-sigla at saya ng paligid at napaka-ganda ring pagmasdan ng malaking bonfire na pinaliligiran ng aming mga kamag-aral. Maaga pa ay nasa dance floor na ang iba. Ang iba naman ay nasa gilid lamang at maiingay na nagkwe-kwentuhan habang may kanya-kanyang hawak na mga inumin na nakalagay sa pulang disposable cups. Matatanaw din ang isang lamesa sa di-kalayuan na puno ng mga drinks at pica-pica. Meron ding isang grupo na nag-iihaw ng barbecue.

          Bukod sa bonfire ay tanging ang liwanag lamang ng buwan at kislap ng mga bituin ang nagbibigay ng ilaw sa parteng iyon ng beach. Pero sapat na para magbigay sa lugar ng napaka-gandang atmosphere.

          "Can I get you a drink?" Bien said when we arrived at the party.

          Nakangiti akong tumango. Pupunta na sana si Bien sa drinks and snacks table nang may bumangga sa aking isang malaking pigura na hindi ko napansin kung saan nanggaling. Mabuti na lamang at maagap si Bien. Nasalo n'ya ako bago tuluyang bumagsak sa lupa.

          "Bro, watch where you going!" Sita ni Bien sa lalaking nakabangga sa akin. Medyo yamot ang tinig nito.

          Kakamot-kamot naman na humingi ng paumanhin sa akin ang lalaki na namukhaan kong isa sa mga kaklase namin.

          "Okay ka lang, Miks?" Worried na tanong sa akin ni Bien saka nito hinawi ang ilang hibla ng buhok na tumakip sa aking mukha.

          I chuckled. "Ang lampa ko lang talaga!"

          Ganito ang pangyayari nang mapadako ang tingin ko sa isang matangkad na lalakeng nakaputing tank top. Mga ilang dipa lang ang layo nito sa amin. Parang nakakahiwa ang matalim na tingin nito. But I felt a little pinch in my heart when I recognized some kind of pain on his handsome face.

          Gustong-gusto kong pigilan si Bien sa ginagawa nitong pag-hawi sa aking buhok pero huli na, Philip already saw everything. Who knows how long he's been standing there. I just pretended that I didn't see him and continued some conversation with Bien.

          Hanggang sa makita ko siyang lumapit sa isang malaking bucket katabi ng snacks table. Kumuha ito ng isang bote ng malamig na malamig na beer. Binuksan niya ito at saka tuloy tuloy na nilagok. I saw him finished the whole bottle in a minute before he gets another one in the bucket.

ITUTULOY...

Born To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon