At naging napaka-popular at nag-mistulan nga kaming celebrity couple ni Philip sa aming unibersidad.
Hindi ako ang tipo ng tao na uhaw sa fame at atensyon ngunit kahit papaano ay may parte ng pagkatao ko na flattered at natutuwa sa nangyari.
Malaki na din ang ipinagbago ko sa dating Mikaella na tatahi-tahimik lang at walang gaanong nakakakilala. Ngayon ay wala na yatang hindi nakakakilala sa akin sa Asian College at mas dumami narin ang aking mga kaibigan.
Bagamat batid kong mayroon paring mga tao na hindi masaya at naiinggit ay hindi ko na iyon masyadong pinapansin. Ika nga, you cannot please everyone.
Pero kahit na medyo maraming haters ay marami din naman ang kinikilig sa aming love story. Wala kasing makapagsasabi noon na ang napaka-simple at tahimik palang katulad ko ang matitipuhan ng isang Philip Madrigal. Na para bang ako si Cinderella na nakatagpo ng kanyang prince charming and everybody's thinking that my life is a fairytale.
At dahil nga idine-date ko na ang pinakasikat na lalake sa aming school ay sinumulan ko na din na i-improved ang physical appearance ko.
Palagi na akong nag-aayos at unti-unti na rin akong nagpundar ng mga bagong damit na nasa uso. Hindi dahil sa hiniling ni Philip na baguhin ko ang sarili ko. Kundi dahil gusto ko na lagi akong presentable lalo't kapag kasama ko s'ya. Gusto kong palaging maging maganda sa paningin n'ya and I want him to be always proud of me.
But he asked me one thing that I should not change. He told me not to change my hairstyle. That one of my assets that he really like is my long shiny black hair.
Bago sa akin lahat ng nararanasan ko ngayon pero masaya ako dahil nagkaron ng kulay at excitement ang buhay ko.
****
Tradisyon na sa Asian College ang magkaroon ng Acquaintance Party taon-taon. Isa itong pagtitipon na dinadaluhan ng lahat ng estudyante mula lowest to higher level.
Noong isang taon ay si Andy at Masiong lamang ang kasama kong dumalo roon. Pero ngayong taon ay ibang-iba na.
Tinitigan kong maigi ang sarili ko sa salamin ng pinto ng aking closet.
And because the party's dress code is just casual, I wore a little waistcoat buttoned over a white tank top. I matched it with a green checkered flared skirt and shoe boots. My hair is down and I straighten it using a flat iron. I'm also wearing a simple eye makeup, blush on and a thin layer of lip gloss. I wore some accessories to complete the look and sprayed my favorite perfume.
Ginaya ko ang style na ito sa Hollywood star na si Selena Gomez na nakita ko sa isang fashion magazine.
Ilang beses pa akong umikot-ikot sa harap ng salamin at nang makuntento sa aking itsura ay lumabas na ako ng aking silid.
Expected ko ng naghihintay sa salas ang aking prince charming.
Nagliwanag ang mukha niya pagkakakita sa akin.
"You look gorgeous." Sabay halik nito sa pisngi ko.
Parang musika sa pandinig ko kapag pinupuri n'ya ako.
"Thanks, babe. Sorry ang tagal ko."
Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa.
Naka-puting T-shirt siya na pinatungan ng black leather jacket. He's also wearing a bit fitted black jeans and a pair of black boots. Mukhang sinadya din niya na hindi maglagay ng gel o anumang product sa kanyang bagsak at malambot na buhok. Hinayaan lang niyang messy but fashionable ang kanyang hairstyle na mas lalong nagbigay ng rockstar vibe sa kanyang fashion statement."Gwapo naman?" Nakangising papuri ko dito.
He widely smiled at me and his perfectly sets of teeth showed .
"I'm just keeping up with you, baby."
He wrapped his arms around my waist and put his face closer to my neck, sensing my scent. His warm fresh breath tickled my skin and my cheeks glowed pink.
"Phil, baka makita tayo ni Tita Cathy." Saway ko sa kanya.
He never failed to make feel butterflies on my stomach whenever he's complimenting me.
And his touch and kisses are like kind of drugs that can make me feel high, waking up my innocence.Hindi ko rin maintindihan kung bakit parang may bolta-boltaheng kuryenteng dumadaloy sa aking katawan sa tuwing magkakadikit ang aming mga balat.
Ninakawan nya ako ng isang dampi ng halik sa mga labi bago s'ya bumitaw sa pagkakayakap sa akin.
Pinanlakihan ko siya ng mata sa nerbyos na baka mahuli kami ni Tita Cathy.
"Tita, alis na po kami ni Philip!" Malakas na sabi ko upang marinig ni Tita Cathy na nasa kanyang kwarto.
Bumukas ng maliit ang pintuan ng kwarto ni Tita Cathy. Idinungaw lang nito ang ulo na nakabalot pa ng tuwalya, namumuti din sa face-mask ang buong mukha nito.
"Okay, sige ingat kayo. Anong oras ka uuwi?"
"Mga hating-gabi na po siguro, Tita...kasi mga ganong oras po ang tapos ng party." Sagot ko dito.
"Don't worry, Tita... I'll take good care of her." Sabad ni Philip.
"Okay, Phil. Hatid mo kagad pagkatapos ng party, ha?"
"Opo, Tita. Have a great evening."
****
Sa tapat ng isang malaki at sikat na bar/event's place sa bayan ipinarada ni Philip ang kanyang pulang kotse.
Maraming estudyante na ang sa labas ng bar dahil may dalawang gwardya na nagche-check ng mga I.D sa entrance.
Mga ilang sandali din kaming pumila bago nakapasok sa loob.
Magkahawak-kamay naming binaybay ang isang mahaba at dim light na hallway. At kahit wala pa kami sa mismong event area ay tinatamaan na kami ng malilikot at iba't ibang kulay na ilaw na nagmumula sa loob ng bar. Malakas din ang masisiglang tugtugin na bahagya nang yumayanig sa aming mga tainga.
Samantala, magaganda at fashionable naman ang ayos ng mga estudyanteng nakakasabay at nakakasalubong namin. Halatang halos lahat ay naghanda sa nasabing party.
Ilang hakbang bago kami makarating sa pinakaloob ng bar ay hindi inaasahang nakabangga namin ang huling-huling tao na gugustuhin kong makita sa mga oras na 'yon.
"Hey, Phil, Mikaella! Great to see you both!"
Walang sabi-sabing bumeso-beso si Amanda kay Philip.
Bakas sa mukha ng nobyo ko na nagulat din sa ginawa ng babae ngunit hindi na nagawang pumalag pa.Halatang tense at halos mamutla naman ang mukha na napatingin sa akin Philip at tila tinatantya ang magiging reaksyon ko sa ginawa ni Amanda.
Kuyom ang palad at nag-ngi-ngitngit naman sa galit ang kalooban ko at pakiramdam ko ay para akong isang aktibong bulkan na anumang oras ay maaari nang sumabog.
Paliguan ko kaya sa sampal ng babaeng ito?
ITUTULOY...
BINABASA MO ANG
Born To Be With You
Roman d'amourPhilip Madrigal is the most popular guy in Mikaella's University. Gwapo, matangkad, matalino, talented, mabait, friendly, down to earth. Lahat na yata ng magagandang katangian ng isang lalaki ay narito na. Kaya hindi maiwawasang maraming babae ang m...