Chapter 23

0 0 0
                                        

"ELLA! Bakit bukas ang pintuan?! At anong nangyari sa halaman ko?! Bakit basag?!"

Para kaming binuhusan ng malamig na tubig ni Philip nang marinig namin ang malakas na boses ni Tita Cathy.

Dumating na pala ito.

At para akong napaso na humiwalay kay Philip.

"Ilang beses ko nang sinabi sayo na lagi mong iche-check kung naka-lock ang pintuan. Nag-iisa ka pa naman dito. Paano kung napasok ka ng magnana..."

Nagulat at natahimik sa pagbubunganga si Tita Cathy nang madatnan n'yang hindi ako nag-iisa sa kitchen.

"Sino 'yan?!" Nangungunot ang noong tanong ni Tita nang makabawi sa pagkakabigla.

"T-Tita, si P-Philip po...classmate ko." Tense na pagpapakilala ko kay Philip.

Hinagod nito tingin si Philip mula ulo hanggang paa.

"M-magandang gabi po." Ani Philip na halata din sa mukha ang pagka-tense.

"Paalis na din po s'ya, Tita. Di'ba, Phil?"

Tarantang itinulak ko si Philip palabas ng kusina.

"Aalis na po ako. Nice to meet you po!" Pahabol na sabi nito habang itinutulak ko parin palabas ng pinto.

"San ba naka-park 'yung kotse mo?" Tanong ko kay Philip nang makalabas na kami ng gate.

Itinuro n'ya ang pulang kotse na nakaparada sa di-kalayuan.

"O s'ya umuwi ka'na at malamang lagot ako sa Tita ko mamaya." Kinakabahang sabi ko.

"Bakit ba takot na takot ka? Wala naman tayong ginagawang masama."

"Ah, basta umalis ka'na." Pagtataboy ko pa dito.

"Wait... I just want to clear something..." ani Philip.

"Ano?"

"Pinapatawad mo na ba 'ko?"

Kaygandang tingnan ng kanyang mga mata kahit sa dilim. His voice is so gentle like it's caressing my soul.

"Okay... pinapatawad na kita."

Ramdam kong hindi ito aalis hangga't di ko pinapatawad.

"So ibig sabihin ba... tayo na?"

Nagitla ako.

"Ano ka sineswerte?!" Mataas ang boses na sabi ko.

Umiral na naman ang ka-preskuhan ng lalakeng 'to. Wala talagang kadala-dala.

"But... we were just about to kiss earlier kung hindi dumating ang Aunt mo..." Nalilitong pangangatwiran nito.

"And thank God that she did show up!" Bulalas na sabi ko.

Nakahalukipkip na tinalikuran ko ito. Papasok na sana ako sa loob ng gate.

"Alright... alright! I didn't mean to rush you. I'm sorry! But please, don't be mad at me again." Nakikiusap ang tinig nito.

Napahinto ako sa paglalakad. Naghihintay sa susunod pa niyang sasabihin.

"I promise I will not waste the second chance that you gave me. This time... I will make it right"

Parang nag-dribol ang puso ko sa loob ng aking dibdib. Hindi ako makaharap sa kanya. Baka mahalata n'yang kinikilig ako.

"Goodnight, Mikaella. I'll see you soon."

Nang maramdaman kong naglalakad na ito palayo ay saka ko lamang ito nilingon.

Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko na parang nakakita ako ng liwanag pagkatapos ng mahabang paglalakbay sa dilim.

At bago siya sumakay ng kotse ay isa pang matamis na ngiti ang iniwan niya sa akin.

Nangingimi at dahan-dahan akong pumasok ng salas. Naabutan ko si Tita Cathy na seryosong nakaupo sa sofa. Tila hinihintay ako.

Napalunok ako.

"Sino ang lalakeng 'yon?" Seryoso parin ang mukha na tanong ni Tita.

"Classmate ko nga po, Tita."

"Bakit dis-oras ng gabi kung makabisita? O itinaon mo lang talaga na papuntahin na wala ako dito sa bahay?"

"Tita naman, eh. Parang hindi mo ko kilala."

"Yun na nga, eh. Parang hindi na kita makilala, Ella. You're full of surprises. May mga kailangan ba 'kong malaman?"

"Tita, kung may dapat sabihin ay sasabihin ko sa'yo. Alam mo namang never kita tinaguan ng sekreto." Pang-aalo ko dito.

Napabuntong-hininga ito.

"Iniingatan lang kita, Ella. Alam mo namang sa akin ka ipinagkatiwala ng Mommy mo."

"I know, Tita. And you know that you can trust me. Kaya don't worry."

Lumapit ako dito at niyakap ko ito.

"O s'ya matulog ka'na."

"Goodnight, Tita Cat."

"Pero in fairness, ang gwapo din 'nung isang 'yon."

Natigilan ako sa pagpasok ng kwarto. Nilingon kong muli si Tita Cathy. Nanunudyo na ang itsura nito. Bumalik na ang totoong Tita Cathy. Hayy salamat!

"Manang-mana ka talaga sa beauty ko." Dagdag pa nito.

I rolled my eyes at her before I finally went to my bedroom.

Mga isang oras na akong nakahiga ay hindi parin ako dalawin ng antok.
What a crazy night!
'Ni wala sa hinuha ko na mangyayari ang lahat ng nangyari kanina.

Parang kinu-kuryente ang aking sikmura sa tuwing maiisip ko ang naudlot na moment namin ni Philip kanina.

Paano kaya kung hindi dumating si Tita Cathy? Ano na kayang nangyari?

Hindi ko maitanggi sa aking sarili ang panghihinayang.

Kinuha ko ang isang unan at mahigpit ko iyong niyakap. Ini-imagine ko na si Philip ang kayakap ko.

At nakatulog ako ng nakangiti nang gabing iyon.

ITUTULOY...

Born To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon