The Best Accident Ever

29 0 0
                                    

At dahil sa gulat ay napatili ako, at ang una kaagad pumasok sa isip ko ay kumaripas ng takbo palayo sa bangkang iyon. At dahil sa malakas kong tili ay gimbal na napabangon ang nasabing lalake.

          "Mi-miss... B-bakit ba?!", magkahalo ang gulat at iritang tanong ng lalake habang nagkukusot pa ng mga mata. At dahil medyo madilim sa parteng iyon ng beach ay hindi ko gaanong maaninag ang mukha ng estranghero.

          Dali-dali akong humakbang pababa ng bangka. Ngunit sa kasamaang palad ay may kahabaan ang suot kong summer dress, aksidenteng natapakan ko iyon na naging sanhi ng aking pagka-out of balance. Napasubsob ako sa matigas na dibdib ng lalake na nawalan din ng balanse kaya't pareho kaming bumagsak sa matigas na kahoy na sahig ng bangka. Dumagundong at umuga ang bangka sa lakas ng naming dalawa.

"Shitttt....", narinig kong sabi ng lalake

          Nag-init ang mga pisngi ko nang ma-realize ang awkward position naming dalawa. Nakadagan ako sa kanya habang ito naman ay nakayapos sa akin. Napapikit ako nang malanghap ko ang pinaghalong fresh but masculine na amoy ng suot nitong pabango.

Kahiya-hiya kung may makakakita sa amin nang mga sandaling iyon dahil malamang na iisipin ay may ginagawa kaming milagro.

          Nagmamadali akong tumayo at inayos ang aking sarili. Ang lalake naman ay nanatili sa pagkakaupo sa sahig habang hinihimas ang likuran.

          "A-ayos ka lang ba?", dahil sa guilt ay tinanong ko ang lalake.

Mukhang harmless naman ito at na-realize ko din na nag-over react akong masyado kanina. Walang kasalanan ang lalake dahil ito naman talaga ang nauna sa doon. Dapat ay chineck ko muna kung may tao ba roon.

          "S-sorry... akala ko kasi ay walang tao dito... Makikiupo lang sana ako, eh. Nasaktan ka ba? Gusto mo ay dalhin kita sa clinic?", nag-aalalang tanong ko sa lalake.

Inihanda ko na ang sarili ko sakaling sigawan o murahin ako nito. Kasalanan ko naman.

          Tumingala ito sa akin, at sa tulong ng liwanag na nagmumula sa isang poste sa di-kalayuan ay namukhaan ko ito.

          "P-Philip Madrigal???", lumakas ang tibok ng dibdib ko. Hindi ko inaasahang sa dami ng tao sa mundo ay ito pa ang mae-encounter ko doon.

          "Ano'ng ginagawa mo d'yan?", nagtatakang tanong ko habang pilit kong itinatago ang magkahalong kaba at excitement sa pagsasalita.

"Mikaella Gonzales, ikaw pala yan?!" he's sound surprised as well.

          Tumayo ito at inayos ang nalukot na damit. At muli nitong hinilot-hilot ang likuran.

         At the back of my mind ay lihim akong napapangiti sa pagkakabanggit nito ng buo kong pangalan. Pakiramdam ko ay big deal ito, na kilala n'ya ako.

Ngunit sa halip na sagutin ang tanong ko ay ibinalik n'ya sa akin ang tanong ko.

"Ikaw, ano'ng ginagawa mo dito?"luminga-linga pa ito sa paligid upang i-check kung may kasama ako.
"Ang dilim sa part ng beach na 'to, hindi ka dapat pagala-gala mag-isa.", kahit madilim at hindi ko masyadong kita ang facial reaction niya ay ramdam ko ang sinseridad at care sa sinabi niya.

"Ah, eh...nagpa-pahangin lang ako saglit, sobrang crowded na kasi sa loob ng KTV", hindi ko alam kung bakit ang bilis parin ng tibok ng puso ko.

Sa halos isang taon na mag-kaklase kami ay ito na ang pinaka-matagal na pagkakataon na nakausap ko ito. Kaya marahil ay parang naninibago ako o baka nahihiya narin.

          "Ba't hindi ka sinamahan ng boyfriend mo?"

          "Boyfriend? Sino'ng boyfriend?", inosenteng napaisip ako.

Wala naman ako'ng boyfriend, ano ba ang sinasabi ng lalakeng ito?

          "Yung guy na lagi mong kasama. Madalas ko pa nga kayong makitang mag-lunch together."

Hindi ko maintindihan pero parang may himig ng pag-i-imbestiga sa tinig niya.

          "Ah... si Masiong...", napapatango at nangingiting sabi ko.

"Yeah...that's him. Mauricio de Leon, right?"

Napatawa ako ng kaunti.

"Marami nga ang nagtatanong kung boyfriend ko 'yon, eh but we're just good friends.

          "Oh... I see...",

Hindi ko alam kung imagination ko lang pero naramdaman ko na biglang sumigla ang boses nito.

At hindi sinasadyang naglapat ang aming mga mata. Muli ay nakaramdam ako ng kakaibang kaba na hindi ko mawari kung bakit. Pero hindi ko iyon ipinahalata at pinilit ko paring maging casual. Ayokong isipin nito na kapareho ako ng mga babaeng nagkakandarapa sa kanya at nauutal kapag kausap na siya.

          "Anyway, di mo pa sinasagot 'yung tanong ko. Ok ka lang ba? Kailangan ba kitang samahan sa clinic?",worried parin na tanong ko.

          Umiling-iling ito at hinimas-himas uli ang nasaktang likuran. "I hit my hip bone when we fell together pero nakakatayo naman ako. So I think wala namang na-fracture.", pagbibiro pa nito.

          Muling nag-init ang mga pisngi ko nang maalala ang sitwasyon namin kanina.

          "A-are you sure?",paniniguro ko.

          "Absolutely. How 'bout you? You alright? Wala bang masakit sa'yo?"

          "Wala naman... Pasensya ka'na uli, ha? Nagulat lang ako sa'yo kanina. Ano ba kasing ginagawa mo dyan?"

          "Natutulog lang."

           Natawa ako. "Bakit d'yan ka natutulog? Lasing ka'ba?"

          "Hindi, ah. Hindi ko naman sinasadyang makatulog dito. May pinagtataguan kasi ako."

          Gusto ko sanang itanong kung sino ang pinagtataguan niya pero baka isipin nito na nakiki-tsismis pa ako. It's none of my business anyway.

          "Ah gano'n ba?"

Nang wala na akong maisip na sasabihin ay nagpaalam na ako dito.

Sige, Phil mauna na ako sa'yo,ha? Babalik na ako sa KTV at baka hinahanap na ko ng mga kaibigan ko. Pasensya na ulit, ha?"

          Pumanaog na ako sa bangka at naglakad pabalik sa KTV. Pero nakakailang hakbang palang ako ay tinawag niyang muli ang pangalan ko.

          "Mikaella... Wait!"

Mabilis itong bumaba sa bangka at hinabol ako.

          "Ah, bakit?"

          "Do you mind if I invite you for a coffee or something?"

Born To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon