"Ella, may naghahanap sa'yo!" Medyo pasigaw na sabi ni Tita Cathy mula sa salas ng aming bahay.
Nahinto ako sa pag-i-iskoba ng mga nilalabhan kong rubber shoes.
"Si Andy ba, Tita? Pakisabi tumuloy na s'ya."
Nagmamadali kong hinugasan ang puro sabon at bula kong kamay upang harapin ang dumating na bisita.
Magta-tatlong linggo na simula nang makabalik ako galing Boracay. Ngunit sa halip na magmukmok dahil sa mga hindi magandang nangyari ay minabuti kong abalahin na lamang ang aking sarili sa mga gawaing bahay. Sa susunod na linggo ay mag-uumpisa narin naman ako sa aking summer job sa Merryl's kaya't mas lalo kong maaabala ang aking sarili.
Hindi ako nakapag-umpisa kaagad sa aking summer job gawa ng hinintay ko pa na matapos ang kontrata ng tauhan na papalitan ko.
"Hindi si Andy. Lalake, eh." Nadinig kong tugon ng tiyahin ko.
Nangunot ang noo ko at naisip na baka si Masiong ang dumating. Wala naman akong ibang kaibigang lalake maliban dito.
Pagkahugas ng mga kamay ay saglit kong hinagod ng tingin ang aking repleksyon sa salamin sa banyo. Hinawi ko ang bangs na bahagyang tumatakip sa aking mukha saka ko pinunasan ng tisyu ang kaunting pawis sa aking noo. Medyo oily na ang mukha ko pero hindi na ako nag-abalang mag-pulbos pa. Tutal ay si Masiong lang naman ang bisita ko.
"Napasyal ka, Mas...." Naputol ang sasabihin ko nang pagbungad ko sa salas ay hindi pala si Masiong ang dumating kong panauhin.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang gwapong lalake na nakaupo sa sofa. Napaka-aliwalas ng aura nito sa pormang light blue denim polo shirt na binagayan ng puting maong shorts na hanggang tuhod. May nakasabit na sunglasses sa dibdib ng kuwelyo nito.
"Bien! Anong ginagawa mo dito?!"
Nakangiting tumindig si Bien sa kinauupuan at humakbang papalapit sa akin.
Pinagmasdan nya akong mabuti.
Hindi ko tuloy maiwasang ma-concious sa pambahay kong suot na maluwang na puting t-shirt na medyo basa pa dahil sa paglalaba, at boxer pajama na medyo maigsi.
"Bakit? Masama bang dalawin ang friend ko?" Nakangiting sabi nito sa akin.
Pabiro ko siyang hinampas sa braso.
"Hindi ka manlang nag-text, eh 'di sana nakapaghanda manlang ako. Naipagluto manlang sana kita." I pouted then folded my arms.
"Then that will ruin the surprise." Ngumisi ito sa akin.
I wittingly sneered at him, pretending I'm annoyed.
Mas lalo lang itong natawa sa ginawa ko.
Pinagmasdan nito ang buong sulok ng aming salas.
"You have a really cute home."
"Um, Thanks." I shyly smiled.
Napasulyap ako sa paa nito at napansin kong nakayapak ito.
"O ba't hinubad mo pa ang sapatos mo?"
BINABASA MO ANG
Born To Be With You
RomancePhilip Madrigal is the most popular guy in Mikaella's University. Gwapo, matangkad, matalino, talented, mabait, friendly, down to earth. Lahat na yata ng magagandang katangian ng isang lalaki ay narito na. Kaya hindi maiwawasang maraming babae ang m...
