Kilig

17 0 1
                                    

Back to Mikaella's POV

And we walk back together at the hotel. It's exactly two in the morning. It feels so nice to walk with him on the warm fine sand of Boracay beach, under the moonlight, while the stars are watching us talking and laughing to each other. For the first time in my life, I feel like I'm so far away from the real world. I feel like I don't care about anything else but this moment. I feel happy. And most of all, I don't feel alone anymore.

I feel a bit disappointed when we get to the hotel lobby. I know it's time to say goodnight or maybe goodbye. I'm not even sure if that kind of moment will happen again. If tomorrow he will look at me the same way he's looking at me right now. If tomorrow he's still knows me. There's lots of ifs in my mind.

Sumakay kami ng elevator at magkabukod naming pinindot ang numero ng palapag ng aming mga kwarto.

Sa 4th floor pala siya naka-kwarto at ako naman ay sa 5th floor kaya mauuna siyang bumaba ng elevator.

Pareho kaming tahimik habang umaandar paakyat ang elevator.

Hanggang sa madama ko na may dumampi na mainit at malambot na mga labi sa aking kaliwang pisngi. Tumagal lamang ito ng ilang sigundo ngunit tila naiwan sa aking balat ang sensasyong dulot nito.
I can still feel the touch of his lips on my cheek and I feel like my whole face is burning up. I know this time I cannot hide the redness of my face anymore because of the bright lights inside the elevator.

Gulat at mangha na napatingin ako sa kanya at nahalata ko rin na kahit s'ya ay nabigla rin sa kanyang ginawa.

Nag-"ding" ang elevator at bumukas ang pintuan niyon.

"G-good night, Mikaella...", alanganin niyang sabi sabay talikod at lumabas na siya sa nakabukas na pinto ng elevator.

Naiwan akong nakatulala. Ni hindi ko na maalala kung paano ako nakarating sa kwarto namin ni Andy, para akong nananaginip. Para akong nakalutang sa ere. Ni hindi ko napansin na nasa loob na pala ng kwarto si Andy, naghahanda na para matulog.

"San ka galing, girl?! Tinatawagan ka namin kanina pero 'di ka namin ma-contact. 'Bat bigla ka nalang nawala?"sita sa akin ni Andy pagkapasok na pagkapasok ko ng silid.

"Akala namin ay bumalik ka na dito sa hotel pero nag-alala ko nang pag-uwi ko ay wala ka. I was about to call the police."

Na-guilty ako sa nangyari. Hindi pala ako nakapagsabi kay Andy at Masiong na maglalakad-lakad ako. At nakalimutan ko din na na-low bat pala ang cellphone ko.

"S-sorry Andy, na-low bat kasi ang phone ko. Eh, medyo na-suffocate ako kanina sa loob ng KTV kaya naglakad-lakad muna ako.
Sakto naman nakabangga ko si Philip and he invited me for a coffee..."

"What??? You bumped into Philip... Philip Madrigal???",

"Oo."

Napatayo si Andy sa kama sa sobrang pagka-shocked. Hindi ko akalaing ganon ang magiging reaksyon nya.

"Spill it! Now!" demanding niyang sabi.

At kinwento ko sa kanya ang buong pangyayari kung paano kami nagkita ni Philip. Pero hindi ko binanggit na hinalikan n'ya ako. Ewan ko ba kung bakit kahit sa matalik kong kaibigan ay hindi ko masabi ang lahat-lahat. Baka kasi mapahiya lang ako. Maaari kasing para kay Philip ay hindi iyon big deal at baka naman friendly kiss lang. Ang hirap mag-assume, eh. Baka masaktan lang ako.

"Girl, he's definitely into you!", kinikilig na sabi ni Andy.

I rolled my eyes and say,"Everybody knows that Philip is such a friendly guy. So he's probably just being friendly to me."

"Hey! Give yourself some credit. Posible naman na magustuhan ka talaga n'ya. You're beautiful, smart, kind, at higit sa lahat bagay kayo!" sabay tili nito habang kinikilig.

"'Hay nako d'yan ka na nga. Ako dapat ang delusional, Andy. Hindi ikaw.", taray-tarayan na sabi ko sabay irap dito.

I just want to end the conversation about Philip. Ayokong masyadong itaas ang pag-asa ko na baka maari ngang gusto niya ako. Ayokong ma-disappoint sa bandang huli. I've had enough disappointment in my life since my father left me.

"Fine! Pero pupusta ako, magiging kayo din!", sabay tili na naman nito ng pagka-lakas.

Sasagot pa sana ako ngunit dali-dali na itong nahiga at nagtalukbong ng comforter. Hindi na nito hinintay pa na kumontra ako sa huling sinabi niya. Naiiling na napangiti na lamang ako.

Dumiretso na ako sa closet upang kumuha ng pajama. Magpapalit na sana ako ng pantulog na damit nang maalala ko na kailangan ko munang i-charge ang na-lowbat kong cellphone. Naisip ko din na baka tinawagan ako ni Mommy para i-check ako. Alam niyang may outing kami sa Boracay.

I get the charger inside my luggage and charged my phone into the socket near my bedside table. Nahiga muna ako sa kama habang hinihintay kong mabuhay ang na-drain kong cellphone. Mga ilang sandali pa ay nabuhay naman ito. My message alert alarmed and I saw one message from unregistered number.

"Sorry about the kiss, I just couldn't resist your charm. Pls don't be mad and give me another chance."

Kahit unregistered number ay alam ko na kung kanino nanggaling ang text na iyon. Again, I feel some kind of electricity in my stomach. I feel like I'm blushing again. At hindi ko maiwasang mapangiti sa nabasa ko. Totoo ba ito?

"Don't worry i'm not upset. Thanks for the coffee :)", I replied to his text.

Wala pang isang minuto ay tumunog uli ang cellphone ko.

"Thanks for the lovely evening, beauty. See you tomorrow :) Sweet dreams."

Hindi ko na sinagot ang huling mensahe nya, pero pagkatapos ng maigsi naming pag-uusap sa text, lalong hindi na sya nawala sa isip ko. Hindi ko na tuloy alam kung makakatulog pa ako ngayong gabi sa kakaisip sa kanya.

ITUTULOY...

*like naman po d'yan kung nagustuhan n'yo😄 God bless.

Born To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon