First Kiss

6 0 0
                                    

Nanginginig at pinagpapawisan ako habang sinusuutan ako nila Manong ng parasailing gear. Kung maaari lamang na magback out nalang ako pero ayoko namang i-down ang mga kaibigan ko at maturingang kill joy.

"It's okay Miks, sa una lang nakakatakot. Pag nasa itaas na ay maeenjoy mo na." Pagpapa-lakas loob sakin ni Andy sabay binigyan pa ako nito ng good luck hug.

Hindi ako halos makapag-salita, napatingin nalang ako sa katabi kong si Philip na ngayon ay ready na.

"Don't worry Mikaella, I'm here with you. Just hold my hand and everything will be alright." Sabay abot nito sa akin ng isang kamay.

Nanginginig na tinanggap ko ang kanyang kamay. Sa isang iglap na nagdikit ang aming mga palad ay parang magic na nawala lahat ng takot ko. My heart's still beating fast but I don't think that it's because of the fear anymore.

Pagkaraan ng ilang segundo ay nag-take off narin kami. Sa simula ay nakasayad pa ang mga paa namin sa tubig hanggang unti-unti ay umangat kami palayo sa bangka. Mahigpit paring magkahawak ang aming kamay habang inililipad kami ng hangin paitaas. Maya-maya pa ay napalitan na ng excitement at saya ang kanina ay malubhang takot na nararamdaman ko.

"Woooo!!!!" Halos sabay kaming humiyaw habang patuloy paring pataas ng pataas ang aming parachute. Magkasabay naming itinaas ang aming mga kamay sa hangin para mas maramdaman namin ang aming paglipad. Masayang-masaya ang aking pakiramdam at sa palagay ko'y ganoon din siya dahil sa hindi napapahid na ngiti nito sa mga labi.

"See? It's not that bad." He said while both of his brows are winking.

          I grinned. I felt relieved and glad that I overcame something; my fear.

           Naramdaman namin na huminto na kami sa pag-angat. Naka-steady nalang kami pero marahan parin na hinahatak ng motor boat sa ibaba. Dahil sa taas ng kinaroroonan namin, parang langgam na lamang ang tanaw ko sa bangka na kanina lamang ay sinasakyan namin. Andy is right, the view from here is breathtaking. It's priceless.

          The deal is we'll be on air for 15 minutes. Pareho kaming natahimik ni Philip na tila ba parehong ninanamnam ang ganda ng kapaligiran. Hindi kasi sa lahat ng araw ay makaka-experience ka ng ganoong adventure. Lumipas pa ang ilang sandali ay saka ko lamang napansin na magkahawak parin ang aming mga kamay. Dali-dali ko itong binawi.

          "Sorry, na-carried away ako." Pagpa-paumanhin ko.
          "I don't mind holding your hand anytime." Sabay ngiti nito at makahulugang tumitig sa aking mga mata. "I'm proud of you, you overcame your fear."
          "Salamat sa tulong mo."  I smiled.

          Muli kaming nagka-kwentuhan tungkol sa mga bagay-bagay like school, hobby, favorite foods, etc.

          Maya-maya ay naramdaman namin ang lumalakas na ihip ng hangin. Nag-umpisang hanginin ang parachute na sinasakyan namin, gumewang-gewang kami at nagtunugan ang mga metal na nakakabit sa parachute. Dito ako nagsimulang ma-paranoid. Sa lakas ng hangin ay pakiramdam ko na parang mapipigtas ang lubid na nagko-konekta sa bangka at parachute. Inatake na muli ako ng panic, mga 20 times stronger sa panic na naramdaman ko kanina.

          My lips and whole body started to tremble, I feel suffocated and I started to gasp for some air. I don't know what to do, I feel like it's my last day on earth. Kahit hindi ako manalamin ay alam kong tinakasan na ng kulay ang buong mukha ko.

          Naramdaman kong muling hinawakan ng mahigpit ni Philip ang isang kamay ko na nakahawak din ng mahigpit sa lubid habang patuloy kaming idinuduyan-duyan ng ngayon ay mas lumakas na hangin.

          "Relax, Mikaella, it'll pass you'll see. It's very normal, there's nothing to worry about." Pagpapakalma niya sa akin.

          Pero parang wala na akong naririnig. Natulala nalang ako habang nakatingin sa ibaba. I started to panic even more.

         "P-Philip, I-i wanna go down. N-now p-please!" I burst into tears like a little child. I started to become more hysterical.

          "Yes, we will go down now, just please calm down and take a deep breath, okay?"

          Pero hindi parin ako makakalma. Parang hindi ako matatahimik hangga't hindi kami nakakalapag. Lalo akong nag-panic at nag-hysterical nang muli na namang umihip ng malakas ang hangin.

          And before I knew it, Philip grabbed the back of my head using his one hand and gently pressed his soft lips into mine.

         Ganon pala ang pakiramdam ng first kiss. Matamis. Nakakalasing. Parang may kuryenteng dumaloy sa aking sikmura papunta sa puso na lalong nagpabilis ng pintig nito.

          The kiss just last for a few seconds but enough already to calm my nerves.

Mga ilang sigundo akong napatulala, maang na nakatingin sa maamo nyang mukha. Nang makabawi sa pagkakabigla ay pwersado kong pinawalan ang isang malakas sampal sa pisngi niya.

"How dare you doing that to me?! How dare you taking advantage of me?!" Pasigaw na sabi ko.

Nagsimulang kumulo ang dugo ko sa galit. Pakiramdam ko ay pinagsamantalahan niya ang aking kahinaan.

"M-miks... I d-din't mean to...I m-mean I just didn't know how to calm you down. I ran out of options. I'm really sorry." Halos magkabuhol ang dila ni Philip sa pagpapaliwanag at paghingi ng paumanhin

Nakabakat parin ang mga daliri ko sa namumula nitong kaliwang pisngi tanda ng malakas kong pagkakasampal. Nasa mukha naman nito ang pagsisisi pero wala akong pakialam. Hindi ko kayang basta na lamang magpatawad sa mga sandaling ito. Pakiramdam ko ay nabastos ako.

Without a word, I forcefully waved my both hands for the crew to see that I wanna go down already. And they follow immediately.

Born To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon