"Babe, let's go. We're here."
Ipinagbukas ako ni Philip ng pinto ng kotse at saka n'ya ako inalalayan sa pagbaba.
It's the first day of school.
Pakiramdam ko ay para kaming nasa eksena sa isang pelikula habang binabaybay namin ang kahabaan ng university campus.
Nasa amin ang atensyon ng lahat at samu't saring reaksyon ang mababasa sa mukha ng mga estudyanteng nakakasalubong namin.
May mga mukhang na-shock, may mga mukhang naiinggit, may mga mukhang kinikilig at may mga mukha ding napapataas nalang ng kilay.
Ngunit ang labis na nakaapekto sa akin ay ang mga negative comments na hindi ko alam kung sadya bang ipinaparinig sa akin.
"Yan pala ang bagong syota ni Philip, transfer ba 'yan? Bat parang 'di ko mamukhaan?"
"Ay sus... hindi naman kagandahan. Maputi lang."
"Parang mas bagay sila ni Amanda."
"Hindi ba't si Amanda ang gf ni Philip? Ang sweet pa nga nila noon sa Bora."
Ilan lamang ito sa mga negatibong komento na parang mga langaw na paikot-ikot sa aking mga tainga at gusto nang pumasok sa utak ko.
Nakaramdam ako ng pagka-insecure.
Ang hirap palang mag-date ng isang Philip Madrigal.
Parang laging maghahanap ang mga tao ng pwedeng ipintas sayo. And they will make you feel that you will never be enough.
Napayuko ako habang kasabay ko paring naglalakad ang bago kong nobyo. All of a sudden ay parang bumaba ang self-esteem ko.
Naramdaman ko ang paglapat ng isang braso niya sa aking mga balikat.
"Babe, huwag mo silang pansinin." Mahinahong bulong ni Philip sa isang tainga ko.
"Just focus on us. You know how much I'm proud of you. And I'll bet that a lot of guys are envious of me because I have you."
"I don't know, Phil. I feel uncomfortable. Hindi ako sanay sa ganito." Umiiling-iling na sabi ko.
He kissed me on the forehead and he squeezed my hand.
"Just keep your head high, baby. If you let them get to you, they'll won. Just show them how much happiness we have." He gently smiled at me.
His smile is like magic that can take a day stress away.
Hinigpitan pa niya ang pagkaka-akbay sa akin.
At nakaramdam ako ng seguridad.
I feel safe in his arms like no one can ever hurt me as long as I'm with him.
I feel protected.
Sinulyapan ko ang gwapo at maamo n'yang mukha at para bang biglang ipinaalala sa akin ng aking puso't isipan kung gaano ako ka-swerte.
I'm so lucky to be with him and I realized that the least that I can do is to fight for him too.
Hindi lang siya ang dapat kong asahan na mag-protekta sa aming relasyon. Dapat ay ako din.
BINABASA MO ANG
Born To Be With You
RomancePhilip Madrigal is the most popular guy in Mikaella's University. Gwapo, matangkad, matalino, talented, mabait, friendly, down to earth. Lahat na yata ng magagandang katangian ng isang lalaki ay narito na. Kaya hindi maiwawasang maraming babae ang m...
