Biyernes, bandang 10:00 ng gabi. Nagwawalis ako sa aming munting salas nang magulantang ako ng nabasag na bagay mula sa aming maliit na garden. Nagtahulan din ang mga aso sa mga kalapit bahay.
Kinilabutan ako dahil nagkataong nag-iisa lamang ako nang gabing iyon. Lumabas kasi si Tita Cathy kasama ang kanyang mga highschool friends.
Nag-sisi tuloy ako, sana ay pumunta na lamang ako sa debut ni Amanda kaysa naiwang mag-isa dito sa bahay.
Tumawag sa akin si Bien kahapon at nagsabi na hindi na makakasama sa party dahil nagkataong kailangan niyang lumipad patungong Boracay. Para umattend ng importanteng business meeting. Kaya nawalan narin ako ng ganang dumalo.
Sinubukan ko ring ayain sina Andy at Masiong pero nagkataong monthsary ng dalawa at may date daw ang mga ito.
Ngunit kani-kanina lang ay tumawag muli si Andy at nagsabing naroon na sila. Doon na raw dumiretso ang dalawa pagkatapos ng kanilang date.
Pero huli na para pumunta pa ako dahil tuluyan na akong tinamad. Nag-alibi na lamang ako na hindi maganda ang aking pakiramdam.
Ngunit ang tunay na dahilan ay ayoko talagang pumunta ng hindi kasama si Bien. Pakiramdam ko ay magmumukha lamang akong pathetic sa paningin nina Philip at Amanda.
Dahan-dahan akong pumunta sa bintana. Hinawi ko ng bahagya ang kurtina upang silipin kung ano ang pinagmulan ng ingay na narinig ko. Inilinga ko ang aking paningin sa kabuuan ng aming munting halamanan. At kahit medyo madilim ay nakita ko ang isang paso ng halaman na basag at nakahandusay sa sahig ng aming front porch.
Nanlamig ang buo kong katawan at ang unang pumasok sa isip ko ay ang tumawag ng pulis dahil baka may nais manloob sa aming bahay. Pero nagdalawang-isip ako dahil paano kung mali ang aking hinala. Paano kung pusa lamang o kung anong hayop ang nakatabig sa paso?
Kaya kahit abot-abot ang kaba ay nilakasan ko ang aking loob. Dala ang walis-tambo upang gawing pang-depensa sa aking sarili kung sakali, ay dahan-dahan kong pinihit ang doorknob upang lumabas at mag-imbestiga.
Marahang-marahan ang kilos ko, iniwasan kong gumawa ng anumang ingay o kaluskos. Hinubad ko rin ang aking tsinelas para mas maging magaan at tahimik ang paghakbang ko. At kung sakali mang may masamang-loob ay maunahan ko ito. At talagang babambuhin ko siya ng matindi kapag naaktuhan ko s'ya. At kung sakali namang ako ang maunahan niya ako ay nakahanda na akong sumigaw ng malakas.
Tahimik naman ang harapan ng buong garden. Walang bakas ng sinuman maliban sa basag na paso ng halaman. Upang makasiguro ay ininspeksyon ko pati magkabilang gilid at likuran ng bahay. Wala parin ni anino ng sinuman.
Nakahinga ako ng maluwag. Marahil nga ay natabig lamang ng pusa o ng kung anong hayop ang nabasag na paso.
Aktong papasok na ako sa loob ng bahay nang magulantang ako ng ringtone ng isang cellphone. Hawak-hawak ko ang aking cellphone kaya't nakasisiguro akong hindi akin iyon. At lalong hindi iyon telepono ni Tita Cathy dahil kitang-kita ko nang isilid niya ang kanyang cellphone sa kanyang shoulder bag bago siya lumabas ng bahay kanina.
Tumagal lamang ng tatlong sigundo ang tunog ng cellphone, siguradong agad itong pinatay ng may-ari niyon. Doble ang kabog ng dibdid ko na muli kong iginala ang paningin sa kabuuan ng garden. I can feel some small sweats starting to form on my forehead. My hands are cold and shaky too while i'm still holding the broom tightly with my both hands.
Tila sa labas ng gate nagmula ang ring tone kaya't dahan-dahan akong lumapit roon, marahang-marahan. Wala ni kaunting kaluskos. Kulang na lang ay hindi ako huminga. Pakiramdam ko ay para akong nasa suspense or horror movie na anumang oras ay maaring lumabas ang killer.
Hindi kataasan ang aming gate. Mga lagpas-baywang lamang ang taas ng blocks niyon pero mayroon itong medyo makapal na iron grills na matutulis ang dulo at lagpas-tao naman ang taas.
Nang makalapit sa gate ay pigil ang hininga akong dumukwang at sumilip sa gitna ng mga grills. Napasinghap ako. Mabuti na lamang at maagap kong naitakip sa aking bibig ang isa kong kamay. At halos kumawala lahat ng init sa buong katawan ko at nagtaasan ang lahat ng mga balahibo ko. THERE'S A STRANGER SITTING ON THE GROUND OUTSIDE OUR GATE!
BINABASA MO ANG
Born To Be With You
RomancePhilip Madrigal is the most popular guy in Mikaella's University. Gwapo, matangkad, matalino, talented, mabait, friendly, down to earth. Lahat na yata ng magagandang katangian ng isang lalaki ay narito na. Kaya hindi maiwawasang maraming babae ang m...