Madilim ang mukha at matatalim ang mga tingin ni Philip nang datnan ko siyang naghihintay sa porch ng aming bahay.
Eksaktong kakahatid at kakaalis lamang ni Bien.
Earlier today, nasurpresa ako nang bisitahin ako ni Bien sa pinapasukan kong cafe.
Kaarawan pala ng kanyang Lola kaya't inimbitahan n'ya akong samahan siya. At dahil itinuturing ko na rin si Bien na isa sa pinaka-matatalik kong kaibigan ay pinaunlakan ko ang imbitasyon niya.
Sinubukan kong magpaalam kay Ma'am Merryl kung maaari akong mag-undertime at pumayag naman ito. Martes naman kasi kaya hindi rin ganoong katao sa cafe.
Itinext ko rin si Philip na huwag na muna n'ya akong sunduin dahil may sasamahan akong isang kaibigan. Ang pagkakamali ko ay hindi ko na sinabi kung sino ang kasama ko. Ayoko kasing mag-isip ito ng kung anupaman.
Mag-aala-singko nang umalis kami ni Bien sa Merryl's kaya't sakto lamang ang alis namin para sa birthday dinner ng lola niya. Nabanggit din ni Bien na pribado lamang ang pagdiriwang. Pawang family members at close relatives lamang ang naroroon.
Sa isang ancestral house sa San Miguel kami humantong. Kahit luma na ang malaking bahay ay halatang alagang-alaga iyon. Maraming halaman at punong-kahoy sa maluwang na bakuran ng bahay at ang mga kasangkapan ay halatang mamahalin at karamiha'y antique.
Ipinakilala ako ni Bien sa kanyang lolo't lola at sa lahat ng mga taong naroon. Mababait at accommodating naman ang pamilya nila kaya hindi ako masyadong nailang. Nakakwentuhan ko din ang dalawang pinsang babae ni Bien na halos kaedaran ko lang. Napakasasarap din ng mga pagkaing nakahain kaya't masasabi kong nag-eenjoy talaga ako.
Mag-a-alas dies na ng gabi nang maihatid at dumating kami ni Bien sa bahay. Masayang-masaya siya dahil sinamahan ko siya at binigyan pa n'ya ako ng isang mahigpit na yakap bago siya umalis.
Ngunit hindi ko inaakala na may mga mata palang nakamasid sa amin.
Pumasok ako sa gate at hindi ko inaasahan na naroon pala si Philip.
Napalunok ako nang makita ko ang madilim na ekspresyon ng mukha nito. Salubong ang kanyang mga kilay at kuyom ang mga kamao.
Pakiramdam ko ay para akong isang kriminal na anumang oras ay maaari nang sintensyahan.
"O, P-Phil... andyan ka pala. Kanina ka pa?" Kabadong bati ko dito.
Hindi ito sumagot.
"Tara... pasok ka muna at mag-kape tayo."
"Kaya ka pala hindi nagpasundo sa akin kanina. May date ka pala." Mapaklang sabi nito.
Napasinghap ako sa kaba. Nakakahiwa ang matatalim na tingin n'ya sa akin.
Nakita ko na dati ang mga tingin na 'yon nang makita niyang kasayaw ko si Bien at noong nagkita-kita kami sa Japanese Restaurant kasama si Amanda.
"Phil, sinamahan ko lang si Bien sa..."
"Bakit hindi mo sinabi na ang lalakeng 'yon ang kasama mo? Are you hiding something, Mikaella?"
"Phil, I told you I'm with a friend. Bien is my friend!"
"But you don't have to lie about who was it!" Bahagyang tumaas ang boses n'ya.
Natigilan ako.
Tumayo si Philip at walang sabi-sabing naglakad na palabas ng gate.
Naalarma ako at hinabol ko ito.
"Phil, wait! Let me explain!"
"Just go inside, Mikaella."
Dire-diretso parin ito sa paglalakad. Para akong bata na hahabol-habol dito.
"PWEDE BANG PAKINGGAN MO MUNA AKO?!" Napasigaw na ako sa sobrang pagkabahala.
Huminto ito sa paglalakad at humarap sa akin.
"Mikaella, I am courting you for more than a month now and you never ever let me touch even the tip of your finger. At ngayon makikita kong niyayakap-yakap ka lang ng lalakeng 'yon at parang okay lang sayo?!"
"Philip, it was just a friendly hug. Huwag mong masyadong bigyan ng kahulugan." Pangangatwiran ko dito.
"Please, cut the crap, Mikaella! It's really obvious that you like that guy! I hope you two will get along, and I promise that this is the last time that you'll see this face."
Nangilid ang mga luha ko. Hindi ko akalain na ganon ko pala s'ya napagalit.
Okay lang na magalit siya at sigaw-sigawan ako. Pero hind okay na hindi ko na s'ya makikita ulit.
Alam kong hindi ako nito pakikinggan kahit na anong paliwanag ko. Kaya't mabilis kong pinagana ang isip ko nang akmang tatalikuran n'ya akong muli. I have to do something.
I grabbed the back of his neck and pressed a quick kiss on his lips.
Nagulat siya pero mas nagulat ako sa ginawa ko.
And without a word, he cupped my face and kissed me again. But this time, it's strongly... and sweetly.
Hindi ko alam kung paano at saan ko natutunan pero natagpuan ko na lamang ang aking sarili na tinutugon ang matamis niyang halik.
And I feel an electric spark on my stomach.
It is addictive.
I was hooked.
I don't want it to finish.
Pareho kaming kapwa nahimasmasan nang maghiwalay ang aming mga labi. Bakas sa mukha niya ang labis na kaligayan at ganoon din ang nararamdaman ko.
It is the best feeling in the world.
Everything seems right. It's perfect.
Marahan n'yang hinimas ang aking pisngi.
"Kung alam ko lang na ito ang paraan para sagutin mo 'ko, noon pa sana ako nag-galit-galitan."
Natawa ako.
He hugged me so tight and we stayed there for a while under the moonlight and while the stars are watching us.
ITUTULOY...
BINABASA MO ANG
Born To Be With You
RomancePhilip Madrigal is the most popular guy in Mikaella's University. Gwapo, matangkad, matalino, talented, mabait, friendly, down to earth. Lahat na yata ng magagandang katangian ng isang lalaki ay narito na. Kaya hindi maiwawasang maraming babae ang m...