Labis naming na-enjoy ang unang araw namin sa Boracay. Marami kaming activities na ginawa like snorkeling, speedboating, at beach volleyball. ZNagsawa din kami sa paglalangoy sa dagat at pagkain ng masasarap sa mga Sea food restaurant at street food sa Boracay beach.
Sa gabi naman ay nagkayayaan ang magkaka-kaklase na mag-party. Umarkila ng isang large size KTV room ang buong section upang doon magkantahan at sayawan. Ang iba ay abala sa kwentuhan at pag-inom ng mga light alcoholic drinks.
Habang lumalalim ang gabi ay lalong nagkakasayahan ang buong klase. Kapansin-pansin din ang sweetness ni Masiong at Andy. Halos hindi na mapaghiwalay ang dalawa at laging magka-holding hands. Masayang-masaya naman ako para sa dalawa kong best friends.
Nang magsawa sa kantahan ay may isa kaming classmate na nagprisinta para mag-DJ. He played some pop, fast and bouncy music from the top 40's. Lalo naman nag-enjoy ang lahat. Nakisayaw din ako sandali kila Andy at Masiong until the DJ played a sweet & slow love song.
Pumunta ako sa cocktail bar to let Masiong and Andy to sweet dance and to give them privacy narin. May ilang couples din ang pumunta sa dance floor para magsayaw. Doon ko napansin na marami rin palang classmates namin na naroon ay may date na kasama. Yung iba ay doon nalang din nila nakilala sa Boracay.
I sipped my non-alcoholic piña colada while I'm sitting on the cocktail bar watching the couples dance. I noticed Masiong and Andy hugging each other tightly while dancing. I tried not to but I suddenly felt envy and for a moment I wished that I also brought a date with me.
Nakaramdam ako ng pagka-asiwa kaya't naisipan kong lumabas ng KTV para magpahangin. 11:30 na ng gabi pero masiglang-masigla parin ang lugar na iyon. Samu't saring tugtog ang maririnig mula sa magkakalapit na bar sa bahaging iyon ng Boracay beach. Full pack parin ang mga bar at marami pa ring mga tao ang naglalakad-lakad sa paligid.
Naisipan kong maglakad-lakad sa aplaya para magpalipas ng oras. Medyo natuliling narin ako sa lakas ng music sa loob ng KTV. Hinubad ko ang suot kong flat sandals at binitbit iyon. Nakakarelax ng pakiramdam ang maini-init na pinong buhangin na natatapakan ko habang naglalakad, ganon narin ang mga alon sa dagat na tila musika sa aking pandinig. Ang sarap ding langhapin ng sariwang hangin, nakakawala ng problema.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Marami parin akong mga nakakasalubong na mga tao, ang iba ay foreigners pa. Mga 20 minutes din siguro akong palakad-lakad hanggang sa makaramdam ako ng pagod.
Nakakita ako ng maliit ng bangka sa di kalayuan. Pinuntahan ko iyon at naupo ako sa bandang unahan paharap sa dagat. Huminga ako ng malalim at nagmuni-muni.
Hindi ko rin naiwasang mag-senti o self pity. I'm not sad but I feel so empty inside. Hindi ko alam kung bakit parang may kulang sa buhay ko at kung bakit parang hindi ako tunay na masaya. Marahil ay dahil lumaki ako ng halos walang tunay na magulang sa tabi ko. I really miss my Mom. How I wish I can fast forward the time para makasama ko na sya.
Nasa ganoon akong pag-iisip nang medyo umuga ang bangka na kinauupuan ko. Naramdaman kong may kumilos sa bandang likuran ko at may narinig din ako na parang mahinang paghilik. Kinilabutan ako pero naglakas loob parin akong lumingon at mag-usisa.
Nagimbal ako nang makita ko ang pigura ng isang taong natutulog sa sahig ng bangka...

BINABASA MO ANG
Born To Be With You
RomancePhilip Madrigal is the most popular guy in Mikaella's University. Gwapo, matangkad, matalino, talented, mabait, friendly, down to earth. Lahat na yata ng magagandang katangian ng isang lalaki ay narito na. Kaya hindi maiwawasang maraming babae ang m...