My cellphone rang and I jumped out, startled. Napahinto ako sa pagmumuni-muni at pinahid ang luha sa aking mga mata.
"Hello, Andy." Napakagat-labi ako. Pinilit kong huwag mabakas ni Andy ang garalgal sa aking tinig.
"Beshy, san ka ba nagpunta? Bigla ka na namang nawala?"
Naririnig ko parin ang malakas na music sa kabilang linya. Tanda na nasa party parin ang mga ito.Mabilis na gumana ang utak ko para mag-isip ng rason.
"Eh...Nasira kasi ang t'yan ko, Andy...kaya bumalik na 'ko dito sa hotel. Sorry hindi na 'ko nakapag-paalam. Biglaan kasi, eh"
Napapikit ako. Ang pinaka-ayaw ko kasi ay ang pagsi-sinungaling, lalo na sa mga taong mahal ko. Muling pumatak ang masaganang luha sa aking mga mata. Tinakpan ko ang aking bibig upang hindi marinig ng nasa kabilang linya ang mga pigil kong hikbi.
"Oh my gosh! Are you okay?" Worried at medyo exaggerated na tanong ng aking bestfriend.
"Pareho lang naman tayo ng kinaing hapunan. Buti kami ay hindi sumakit ang t'yan."
"Ewan ko ba... Parang dahil dun sa cocktail na ininom ko d'yan sa party. Mixed alcohol 'yun eh, baka nabigla ang sikmura ko." Pag-a-alibi ko pa.
"Teka, wait for us, balik na kami d'yan ni Mash. Ang pagkaka-alam ko pinag-packed ako ni Mommy ng basic medicines, nandyan sa pocket ng luggage ko."
Halos magpanic na ako sa pag-gawa ng rason para hindi mapauwi ng maaga ang mga ito. Mas ginalingan ko pa ang pag-arte.
"Para kang sira! Ayos lang ako. Lbm lang 'to, girl. Hindi pa 'ko mamamatay." I tried to fake a laugh and make a joke to ease her worry.
In the first place, I don't want to ruin the wonderful moments of her and Masiong. Another thing is I don't want my bestfriends to suffer just because I couldn't handle my own drama.
Pinasigla ko ang boses ko para hindi na ito magpumilit pa na umuwi kaagad.
"Hanapin ko na'lang sa maleta mo 'yung gamot. Don't worry about me, I'll be fine, I promise."
Bumuntong hininga ang nasa kabilang linya.
"O 'sya, ikaw ang bahala. Basta tawag ka 'pag may problema, ha?""Yes, mother." I chuckled. "Basta enjoy lang kayo ni Masiong. Itutulog ko lang 'to at bukas wala na 'to."
Tumahimik sandali si Andy saka muling nagsalita.
"By the way... I just thought maybe you should know, Philip was looking for you."
"Talaga?" Malamig na tanong ko.
"Oo, tinanong ka n'ya sa akin kani-kanina lang. Kaso mukhang lasing na at..."
"Andy, I have to go. Humilab na naman ang t'yan ko." Putol ko sa sasabihin pa sana nito.
"Okay, beshy. Pahinga ka mabuti. Love you!"
"Love you."
Pinindot ko ang end call button ng aking cellphone at saka nanghihinang humiga at namaluktot sa malambot na kama. Ibinalot ko ang aking sarili sa malambot na comforter na tila ba dito ako humuhugot ng lakas upang mabawasan ang sakit na nararamdaman.
But it's not working at all.
Tahimik akong lumuha habang sinasariwa sa aking isipan ang eksenang nakita kani-kanina lamang.
Paulit-ulit na nagpa-flasback sa aking isipan ang imahe nina Philip at Amanda.
Balak ko na sanang patawarin at magtapat na kay Philip ng tunay kong nararamdaman, pero para naman akong pinaglaruan ng pagkakataon.
Pagka-alis ni Bien kanina sa party ay bumalik ako sa dance floor upang tingnan kung naroon pa sina Philip at Amanda. At labis akong nasorpresa nang datnan ko ang mga ito na nasa bisig ng isa't-isa. Mahigpit na magkayakap habang magkalapat ang mga labi. Nakatalikod sa akin si Philip at tanaw ko sa balikat nito ang halos kalahati ng mukha ni Amanda. At hindi ko maintindihan ang sarkastikong tingin sa akin ni Amanda at tusong ngiti nito. Ngiti ng pinaghalong tagumpay at pang-iinis. Mas lalo pa nitong ipinulupot ng mahigpit ang mga braso sa batok ng lalaki.
May ilang sandali rin akong napako sa kinatatayuan, hindi makapaniwala sa aking nakita. Nakaawang ang aking mga labi habang titig na titig sa kanilang dalawa.
Hindi ko na halos matandaan ang mga sumunod na nangyari. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na tumatakbo sa madilim at makitid na kalsada. Noong una ay hindi ko mawari ang aking nararamdaman. Gusto kong magalit pero alam kong wala naman ako sa lugar. Sino ba ako? Hindi naman ako nobya ni Philip. 'Ni hindi nga naging kami. At kung hinalikan man niya si Amanda, may karapatan ba akong magselos? Sa palagay ko'y wala.
Galit na galit ako! Ngunit hindi kay Philip o kay Amanda. Nagagalit ako sa sarili ko! I had my chance and I just let him go.
Maybe this is what I deserve. Ang arte ko kasi! Ang taas ng tingin sa sarili. Porke nagpakita sya sa akin ng intensyon ay masyado ko namang sinamantala at kinareer ang pagpapa-hard-to-get. Ano bang akala ko? Na ako lang ang babae sa mundo?
My throat closed tight and I felt the wet hot tears fill up my eyes.
And for the first time in my existence, I just realized that when your heart is broken, it can feel like the end of the world. It's like a giant hole was pummeled into your chest with no hope of repair.
Malayo-layo din ang aking natakbo habang lumuluha. Mabuti na lamang at may napadaang tricycle sa parteng iyon ng isla. Agad ko itong pinara at nagpahatid pabalik sa hotel.
And I cried myself to sleep that night.
ITUTULOY...
BINABASA MO ANG
Born To Be With You
Любовные романыPhilip Madrigal is the most popular guy in Mikaella's University. Gwapo, matangkad, matalino, talented, mabait, friendly, down to earth. Lahat na yata ng magagandang katangian ng isang lalaki ay narito na. Kaya hindi maiwawasang maraming babae ang m...