Chapter 25

0 0 0
                                        

"Kumain ka muna, Mikaella. For sure hindi ka pa naghahapunan."

Inabot sa akin ni Philip ang isang malaking brown paper bag.

"Pasensya ka na, KFC lang kasi ang nadaanan ko along the way. Nagmamadali rin kasi ako at baka hindi kita maabutan."

Na-touched ako sa gesture na ginawa niya. Nahihiyang tinanggap ko ang mainit-init pa na paper bag.

"Salamat, Philip. Pero hindi ka na sana nag-abala."

Matamis na ngiti ang isinukli n'ya sa akin bago binuhay ang makina ng sasakyan.

"Don't mention it, it's my pleasure."

Binuksan ko ang paper bag at lumantad ang isang bucket ng fried chicken, two pile of french fries, two burgers at two tall cups of soft drinks.

"Ang dami naman nito, Phil."

Inabutan ko ito ng isang burger habang nagmamaneho.

"No thanks, sweetie. Para sa'yo talaga 'yan at sa Tita mo. May business dinner kasi kami ng parents ko kanina, kaya busog pa ako."

That explains why he's wearing a formal attire.

Kinuha ko ang isang pile ng french fries sa paper bag. Nahihilo na talaga ako sa gutom.

"Nag-umpisa na pala ang training mo with your parents. Kumusta naman?" Tanong ko dito habang busy ako sa pagpapak ng fries.

"Okay naman. Uhm... busy." Maigsing tugon nito.

Sinulyapan ko siya habang seryosong nakatuon ang paningin sa kalsada. Napansin kong medyo matamlay ito. Marahil ay pagod.

Naalala ko rin na hindi niya gusto ang magpatakbo ng kanilang negosyo, kaya siguro parang wala ito sa mood.

Katahimikan.

Gusto ko pa sanang magtanong dito ngunit pakiramdam ko ay parang wala ito sa mood makipag-kwentuhan.

Nangangalahati na ang kinakain kong fries nang magsalita itong muli.

"How was your first day at work?"

"Ayos naman. I'm still adjusting... but I like the job."

"Good for you." Sumulyap ito sa akin at saka ngumiti.

"Are they treating you well there?"

"Oo naman. Mababait ang mga ka-trabaho ko lalo na ang may-ari."

Mga 20 minutes din ang aming binyahe bago nakarating sa aming bahay. Bumaba ito ng kotse at inihatid ako sa gate.

"Gusto mo ba munang pumasok?" Paanyaya ko dito.

"Next time nalang. Medyo late narin. And you should rest. You look tired."

Pinasadahan n'ya ako ng tingin.

"Salamat sa pagsundo."

"It is my duty now."

He gave me that admiring look again before he he got in his car.

***

"Ella, gising na! Nandito ng sundo mo!"

Born To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon