Chapter 28

0 0 0
                                    

Lumagutok ang mga buto sa balikat ko nang igalaw-galaw ko ito matapos ang mahigit tatlong oras din na pagkakayuko. Pero sa wakas ay natapos ko rin ang school project na iniatas sa amin ng aming professor.

"Ouch! Ang sakit sa likod!"

Natigil si Philip sa ginagawa rin nitong proyekto
at pinagmasdan ang pag-i-stretching na ginagawa ko.

Isa sa mga quality time namin Philip ang paggawa ng mga school work at pagre-review ng magkasama.

Kapag busy sa school at wala kaming time para lumabas o mag-date ay ito na ang paraan namin para makasama ang isa't isa.

Tunay na kinaiinggitan ng lahat ang aming relasyon at marami ang nagsasabi na magandang ehemplo kami sa isa't isa. Siniguro kasi namin ni Philip na hindi namin mapapabayaan ang aming pag-aaral kahit pa kami ay magkatipan na.

Kaya't hindi narin tumutol si Tita Cathy nang magtapat ako dito na nobyo ko na si Philip. Nasaksihan din kasi niya kung gaano ako mas naging pursigido sa pag-aaral at never kaming sumira sa mga rules at mga pangako namin dito.

Kaya 'nung time na nagtapat na ako kay Mommy ay si Tita na mismo ang nag-back up at nag-build up sa aming dalawa. Kaya't hindi narin tumutol si Mommy. Basta huwag na huwag lang daw akong gagawa ng mga hindi pa dapat gawin at huwag na huwag daw akong magpapabaya sa pag-aaral.

Lumapit sa akin si Philip at minasahe ang pagal kong mga balikat. Bahagya akong yumuko at nakapikit na dinama ang mga hagod niya.

Nakagawian na naming gawin ang mga school projects at pagre-review sa two bedroom apartment na inuupahan nito.

Sadya nilang inupahan ng kanyang bestfriend na si Allan ang unit dahil malapit ito sa university na kapwa nila pinapasukan. Malayo-layo din kasi ang byahe kapag nag-uwian sila araw-araw.

Tuwing weekends ay umuuwi si Allan sa bahay nila sa Pampanga kaya solo namin ang buong bahay. Pero hanggang sa sala lang ako tumatambay kahit ilang beses na akong inimbitahan ni Philip sa sarili nitong silid.

I'm just not comfortable going there and I feel like I should not, yet.

Hindi kalakihan ang kabuuan ng apartment pero cozy ito, malinis at organize ang mga kagamitan. May light gray carpet sa sala na pinapatungan ng malambot na brown sofa at center table. Agaw-atensyon din ang malaking T.V na nakapatong sa isang fully furnished creamed-colour cabinet.

May sarili rin itong kitchen na kumpleto sa gamit dahil mahilig din magluto si Philip. Madalas niya akong ipagluto sa tuwing pupunta ako roon.

"Ang galing mo palang mag-massage." Puri ko dito.

"Hindi lang ako d'yan magaling." Pilyong bulong n'ya sa akin.

Kinurot ko siya sa tagiliran at nagtatawa siyang umiwas.

Tumayo ako at nag-inat-inat.

"Hayy sa wakas natapos din 'tong project na 'toh. Ikaw, babe tapos ka na?"

"Almost." Sagot sa akin ni Philip.

"Tulungan na kita, tutal ay tapos ko na 'yung sa akin."

Niyakap n'ya ako sa aking likuran. Para itong bata na nakapatong ang baba sa aking balikat at mahigpit na nakayakap ang mga bisig sa aking baywang.

Napabuntong-hininga ako at dinama ang maiinit niyang yakap. I feel so secured when I'm in his strong arms. Kung maaari lang sana na habang buhay kami sa ganoong ayos.

Sumulyap ako sa bintana at nakita kong madilim ang langit.

"Babe, mukhang uulan. Tara na, hatid mo na ko." Pag-aaya ko dito.

Born To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon