It's our second day in Boracay. Kahit puyat ay pinilit naming gumising ni Andy ng 6:30 dahil gusto naming masulit ang mga araw namin sa Boracay. Parasailing naman ang activity na gagawin namin mamaya nila Andy at Masiong. Sobrang excited ako dahil first time kong mata-try ang Boracay activity na ito.
I wore my long sleeves one piece swim wear. Paniguradong napakatindi ng sikat ng araw mamaya kaya't kailangan kong protektahan ang aking balat. Nagsuot muna ako high waist denim shorts sa ibabaw ng aking swim wear dahil hindi ako komportableng maglakad-lakad ng naka-swim suit lamang. Huhubarin ko nalang ang shorts kapag maglalangoy na kami mamaya. I tied my long black hair in a messy bun and wore my favorite uv ray sunglasses na regalo pa sa akin ni Mommy noong isang taon na nagbakasyon sya dito sa Pilipinas.
Pagkabihis ay dumiretso kami nila Andy at Masiong sa Western restaurant ng hotel upang mag-almusal. Meron na ring mangilan-ngilan na hotel guests na nag-aagahan pero wala pa kaming mga ibang kaklase na namataan. Paniguradong mga naghihilik pa ang mga ito dahil sa puyat kagabi sa party.
Kanya-kanya kaming kumuha ng mga pagkain sa buffet. The foods are surprisingly fresh and delicious kaya magana kaming kumain na tatlo."May I join you, guys?"sabi ng tinig na nagsalita.
Sabay-sabay kaming napatingala at muntik na akong masamid ng makita ko si Philip. Maluwang ang pagkakangiti nito habang may hawak na malaking pinggan na halos puno ng pagkain. Kahit puyat kagabi ay mukha parin itong kumpleto sa tulog. Napakagwapo parin nito."Sure,pare! Have a seat." Si Masiong na ang sumagot dito.
Bumilis na naman ang tibok ng puso ko nang maupo ito sa tabi ko. Napatingin ako kay Andy na parang nanunudyo ang mga tingin sa akin. Parang gusto nito na mapangisi ngunit pinipigilan lamang.
"Good morning, Mikaella.", casual na bati sa akin ni Philip.
"G-good morning din. Ang aga mong gumising ah?", I tried to be casual and hide my nervousness.
"Actually, hindi nga ako halos nakatulog. May iniisip kasi ako."sabay makahulugan na tumingin ito sa mga mata ko.
This guy really knows how to make me blush.Itinuon ko na muli ang aking mga mata sa aking pinggan para ipagpatuloy ang aking pagkain. Ganoon din ang ginawa ni Andy at Masiong. Ngunit tila naman pinawi ang aking gana. Hindi ko tuloy naubos ang aking pagkain kaya nagkape na lamang ako.
Habang namamahinga pagkatapos mag-agahan ay panay naman ang kwentuhan ni Masiong at Philip na tila ba matagal ng magkaibigan ang dalawa. Magkasundo kagad ang mga ito. Inimbitahan ni Masiong si Philip na sumama sa amin sa parasailing activity at hindi naman nagdalawang isip ang huli. Lihim na lumukso sa galak ang aking puso sa konklusyon na makakasama ko ito.
Nagpaalam saglit si Philip na aakyat muna sa kanyang silid para magbihis. Wala pang sampung minuto ay nakabalik na ito. He's wearing a black UV protective shirt, a blue board shorts and havaianas flip flops. Sobrang lakas ng dating nito sa suot na Ray Ban sunglasses. Tila nag-i-slow motion siya sa paningin ko habang nakangiti na papalapit sa amin. Kahit sa malayo ay kitang-kita ang pearly white teeth nito.
Pagdating namin sa beach ay sinalubong kami ng isang maliit at payat na lalaki na nasa late thirties ang edad. Tinawag ito ni Masiong na Kuya Victor. Si Kuya Victor pala ang kausap ni Masiong na mag-ga-guide sa amin sa parasailing. Nakangiti ito at magalang na inihatid kami sa nakaparadang mini van sa gilid ng kalsada. Kailangan pa pala namin mgbyahe ng ilang minuto para makarating sa parasailing site.
Makalipas ang humigit-kumulang sampung minuto ay bumaba na kami sa isang beach. Ang kaibahan nga lang ng beach na iyon sa unang beach naming pinuntahan ay mas crowded at mas maraming sidewalk vendors. Marami ding mga tents na naroon para sa mga magre-register sa mga activity.Iba-ibang mga kompanya. Ang lugar pala na iyon ang binababaan ng mga gustong mag-activities like parasailing, scuba diving, jet ski, etc.
Nagbayad muna kami ng fee sa mga kasamahan ni Kuya Victor na nasa isang tent. 1,500 ang kailangang bayaran ng isang tao. I opened my mini sling bag para kumuha ng pambayad pero pinigilan ako ni Philip.
"I got it."nakangiting sabi nito sa akin.
Bago pa ako makapalag ay mabilis na naibigay na nito sa kasamahan ni kuya Victor ang tatlong lilibuhin.
Hindi na ako umalma pa at sa halip ay nagpasalamat nalang. Baka ma-offend pa ito pag nagpumilit akong magbayad.
Nangingiti at makahulugan na namang tumingin sa akin si Andy.
Si Masiong naman ay binayaran na rin ang fees nila ni Andy.
Matapos makapagbayad ay inihatid na kami ni Kuya Victor sa nakaparadang speedboat sa di kalayuan. Kailangan pa daw naming mgbyahe ng mga ilang minuto para makarating sa parasailing site. Medyo malaki ang speed boat at may iba ring mga turista na kasabay namin. Ang iba ay foreigners.
Makaraan ang ilang sandali ay huminto ang speed boat sa tila isang malaking balsa na may bubungan. Nakalutang ito sa laot pero hindi umaandar. May mga nakaparadang jet ski boats sa gilid nito kaya nalaman namin na ito pala ang jet ski site. Bumaba ang lahat ng kasabay namin sa speedboat maliban sa aming lima, kasama parin namin si Kuya Victor. Kaming apat lang pala ang naka-schedule na mag-parasailing ng mga oras na 'yon.
After few more minutes ay nakarating na din kami sa aming destinasyon. Huminto kami sa kalagitnaan ng karagatan at lumipat sa parasailing motor boat na nakaparada. Nakangiti kaming sinalubong ng dalawang lalaki at inalalayan kaming pumanhik sa parasailing boat. Napakaganda ng view sa parteng iyon ng karagatan. Tanaw na tanaw ang buong isla ng Boracay, napaka-peaceful din sa parteng iyon. Natatanaw rin namin ang mangilan-ngilang makukulay na parasail parachutes sa kalayuan.
"O dalawahan po tayo ha?", ani Kuya Victor. "Sino po ang couple na mauuna?"
Nagprisinta nang mauna sina Masiong at Andy. Super excited ang mga ito habang ako naman ay lihim na nagpapasalamat dahil bigla akong inatake ng nerbiyos. Hindi ko alam kung bakit ako biglang ninerbiyos, kung dahil ba sa fear of heights o dahil sa taong makakasama ko sa itaas.
BINABASA MO ANG
Born To Be With You
RomancePhilip Madrigal is the most popular guy in Mikaella's University. Gwapo, matangkad, matalino, talented, mabait, friendly, down to earth. Lahat na yata ng magagandang katangian ng isang lalaki ay narito na. Kaya hindi maiwawasang maraming babae ang m...