Chapter 30

0 0 0
                                    

Kaagad ding bumeso sa akin si Amanda, siguro ay para magmukhang normal lang ang ginawa niyang pagbeso kay Philip at palampasin ko na lamang.

Huminga ako ng malalim at ikinalma ko ang aking sarili. Nagpakawala ako ng isang pilit na ngiti.

"Hi, Amanda..."

Pumukaw sa atensyon ko ang revealing na kasuotan nito.

Ubod kasi ng iksi ang suot niyang micro miniskirt na leather ang tela. At kung hindi ako nagkakamali ay nasa 6 inches ang taas ng takong ng suot nitong knee high boots. Hapit sa kanyang katawan ang suot niyang  leather jacket na tanging leather bra lamang ang panloob. Naka-expose ang mestisahin nitong cleavage .

At mukhang hindi lang tatlo o apat na layers na makeup ang inilagay niya sa pagmumukha. Over din sa haba ang suot na false eyelashes. The scent she's wearing is good but  too harsh for me. Marahil kasi ay parang ipinaligo na nito sa katawan ang gamit na pabango. At kahit yata isang kilometro na ang layo ko dito ay maaamoy ko parin siya.

Ngunit bahagya akong humanga sa magandang pagkakakulot ng mahaba at dyed red nitong buhok.

"Nice... outfit..." Sabi ko dito habang sinusulyapan ang kasuotan nito mula ulo hanggang paa.

Mandy did her signature annoying laugh.

"Do I look overdressed, guys? May show kasi ako mamaya."

"Show?" Nakakunot ang noo na tanong ni Philip.

"Haven't you heard, guys? I'm the new female vocalist of the Asian College famous band.
Kaka-umpisa lang naming mag-rehearse last week." Punong-puno ng pagmamalaking pagbabalita ni Amanda.

Well, at least it explained why she's wearing a super weird outfit.

"Wow! Congrats, Mandy!" Bati ni Philip dito.

Nakibati na rin ako kahit kanina ko pa gustong talikuran ito.
"Congrats... Hindi ko alam na kumakanta ka pala."

"Oo naman. Since I was a kid pa."

Wow! Ang humble!

Bumaling ito kay Philip.

"Jam ka sa amin later, Phil?" Ikinurap-kurap pa nitong pagka-habang pilik mata na parang nang-aakit.

Apologetic na tumanggi si Philip.

"Hindi na, Mandy. Matagal na akong tumigil sa pagtugtog."

"Come on, Phil! I know you still have it in you."

At dahil excited din akong makitang tumugtog ang boyfriend ko ay nakipilit na din ako.

"Oo nga, babe. Hindi pa kita narinig tumugtog dati."

Philip's face turned red.

"Next time na'lang, babe. Wala na talaga 'kong practice. I haven't played in more than a year already."

"We'll see..." Sumungaw ang misteryosong ngiti sa mga labi ni Amanda.

Sumulyap ang babae sa wristwatch na suot.
"Okay, guys. Retouch lang ako, start na ng set ko in fifteen minutes.
See you guys later!"

Amanda left a mischievous smile before she left.

At dumiretso na kami sa party.

Halos hindi kami magkarinigan sa lakas ng music at tanging malilikot na neon lights lamang ang nagbibigay liwanag sa buong lugar.

The DJ is remixing music that I never heard from my entire life.

At kahit na kakaumpisa pa lamang ng party ay nasa mood ng sumayaw ang ibang mga estudyante.

Born To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon