Walang patid ang agos ng mga luha sa aking pisngi habang patakbo akong palayo sa bonfire party. Halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko dahil hilam na hilam sa luha ang aking mga mata . I ran as fast as I could. Gustong-gusto kong makalayo na kaagad sa lugar na iyon. Sa lugar kung saan unang beses na nadurog ang puso ko.
Earlier that night.
Habang papalalim ang gabi ay lalo namang umiingay ang paligid. Mas pinalakas ang tugtugin. Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Pilit hinahanap ang isang taong may dalawang oras ko nang hindi nakikita.
"Huy! May hinahanap ka?!"
I startled when Andy suddenly approached me."Andy naman! Aatakihin ako sa'yo. Bigla ka nalang sumusulpot d'yan."
She laughed. "Kanina ka pa palinga-linga d'yan, eh. Nakita namin s'ya ni Masiong kanina, pumunta sa kakahuyan with his friends. Kung 'di kami nagkakamali, mga alak 'yung dala-dala nila. And he looks tipsy as well."
"Ano ba'ng pinagsasasabi mo d'yan?" Pagma-maang-maangan ko.
"Hay nako Miks, ako pa ba'ng lolokohin mo? Kanina ka pa namin pinagmamasdan. Alam naming hinahanap mo s'ya. 'Wag mo nang i-deny."
Hindi ako kaagad nakasagot. Parang nalunok ko ang dila ko. Cornered na ako.
"Beshy, kung gusto mo s'ya ay wala namang masama. At obvious naman na gusto ka rin n'ya. Why don't you give him another chance to prove himself to you?"
Hindi parin ako makasagot. I still don't know what to say.
Andy pat my back. "Ang best friend ko in-love na."
Siniko ko s'ya ng mahina sa tagiliran. Napailag siya ng kaunti at natawa.
"In-love kaagad? 'Di ba pwedeng crush lang muna at curious lang kung saan ito papunta?"
"Aba Ineng, 'wag kang pa-curious-curious d'yan. Bilis-bilisan mo at alam mo namang ang daming gustong dumagit sa crush mo. Katulad nalang 'nung isang 'yun." May ininguso si Andy sa bandang likuran ko.
Lumingon ako at bumungad sa akin si Amanda, as usual ay kabuntot nito ang sidekick na si Gemma. High waist denim shorts na halos kita na ang singit ang suot ng mga ito at bra lamang ang pang-itaas. Pinagtinginan sila ng aming mga kaklase at ng lahat taong naroon. Halatang-halata naman na feel na feel ng dalawa ang moment na iyon.
"They really know how to get an attention." Nakataas ang kilay na sabi ni Andy.
Nag-kibit lamang ako ng balikat.
"What did I missed?"
Napatingala ako sa kadadarating lang na si Bien. May kalahating oras din itong nawala dahil may sinagot na importanteng tawag.
"Sorry natagalan ako. You know, family business." He explained.
"It's okay, I understand." I smiled.
Then suddenly the loud bouncy music turned into a soft and nice melody love song.
"May I have this dance?" Bien offered his right hand to me.

BINABASA MO ANG
Born To Be With You
Storie d'amorePhilip Madrigal is the most popular guy in Mikaella's University. Gwapo, matangkad, matalino, talented, mabait, friendly, down to earth. Lahat na yata ng magagandang katangian ng isang lalaki ay narito na. Kaya hindi maiwawasang maraming babae ang m...