Mabilis na lumipas ang anim na buwan at naging maayos naman ang lahat sa aking buhay-kolehiyo. Eskwela at bahay lang halos ang naging routine ko. Boring pero kuntento na ako sa ganoon. Wala rin akong masyadong kaibigan maliban kay Masiong na naging permanent seatmate ko na at madalas kong kasamang kumain during lunch break. Maraming kaklase tuloy namin ang nagtatanong kung mag-boyfriend daw ba kami dahil lagi nga kaming magkasama. Tawa lamang ang isinasagot namin sa kanila. Kapatid lamang ang turing ko kay Masiong at alam kong gano'n lang din ang turing nya sa akin. Katwiran nya ay wala daw syang hilig sa sobrang ganda, natatawa at napapailing nalang ako 'pag sinasabi nya ang bagay na 'yon dahil hindi ko naman ikino-consider ang sarili ko na maganda. At isa pa ay may babae nang kinababaliwan si Masiong ngayon at isang dahilan din 'yon kung bakit lagi syang dumidikit sa akin. Gusto niyang ilakad ko siya kay Andy.Simula nang nagkasabay kami ni Andy sa tricycle ay naging friends na din kami. Madalas ay nagpapasama sya sa akin sa mall at minsan din ay nag-i-sleepover sya sa bahay.
Mabait si Andy at magkasundong-magkasundo kaming dalawa. Solong anak din kasi siya kaya itinuring na nya akong nakababatang kapatid. Ayaw na nga lang n'yang magpatawag ng Ate dahil feeling nya ay tumatanda siya. Tatlong taon lang daw naman ang agwat ng edad namin.
Noong minsang mamasyal kami ni Andy sa mall ay nakasalubong namin si Masiong. At doon nag-umpisang ma-love at first sight ang huli kay Andy. After that ay lagi na kaming lumalabas na tatlo. Panay na rin ang palipad-hangin ni Masiong na dine-deadma lang naman ni Andy. Wala daw syang hilig sa lalaking mas bata sa kanya. Ang gusto daw niya ay 'yung kaedad lang niya o 'yung mas matanda ng kaunti sa kanya.
Pero naging mapilit si Masiong at hanggang ngayon nga ay walang tigil parin ang panunuyo kay Andy.
Hindi man aminin sa akin ni Andy ay alam kong may lihim na pagtingin na din siya kay Masiong. Maaaring nagpapa-hard to get lamang ito o talagang hindi palang handa.
Pero ang mahalaga ay masaya kaming tatlo kahit kami-kami lang lagi ang magkakasama.
Samantala, sa paglipas ng mga araw ay mas naging popular naman ang pangalang Philip Madrigal hindi lang sa aming silid-aralan kundi pati na sa buong campus. Mula freshmen hanggang seniors ay kilala siya. Wala yatang hindi nakakakilala sa kanya. Nakadagdag pa sa popularity niya nang tanghalin siyang Mr. Campus last Intramurals. Siya narin ang bagong endorser ng Asian College at makikita sa labas ng campus ang malaking-malaking billboard niya. Nagkalat din sa buong kabayanan ang mga poster niya. At mayroon na din siyang commercial sa T.V na ine-endorso ang Asian College. Kaya naman kabi-kabilang mga babae ang nagpapapansin dito.
Pero sa lahat ng babae ay si Amanda ang pinakamalapit dito, dahil lagi silang magkasama o sabihin na nating laging nakabuntot ang babae dito. Napapabalita din na may relasyon na ang dalawa pero wala pa namang nakaka-kumpirma. Actually hindi naman sila alangan dahil maganda rin naman si Amanda, matangkad din at sexy. Ang problema nga lang ay ang ugali nito na parang namimili ng taong kakaibiganin o kakausapin.
Sa isang buong semester na lumipas ay wala akong natatandaan na kinausap ako ni Amanda, o kahit simpleng smile lang. Magkaklase kami pero parang hindi ako nag-eexist sa paningin niya. Kahit noong minsan, isa siya sa mga naka-grupo ko sa isang laboratory activity. Natapos ang buong activity na 'ni hindi manlang n'ya ako tinitingnan. Nagtataka ako pero ayoko din namang isipin na naii-insecure siya akin dahil alam kong imposible. Napakaganda niya.
Hindi ko na iyon iniintindi at iniisip ko nalang na baka sadyang ga'non lang talaga ang kanyang ugali. At isa pa ay hindi ko naman ikamamatay kung hindi man niya ako pansinin.
Pero ang laki ng pagkakaiba ng ugali nila ni Philip. Kung si Amanda ay suplada at parang walang pakialam sa mundo, kabaligtaran naman si Philip. Super friendly ito at lagi pang naka-smile. At sa kabila ng popularidad na tinatamasa, hindi mo ito makikitaan ng kahambugan.
Akala ko noon ay kuntento na ako sa tahimik na buhay na mayroon ako, hanggang sa dumating ang araw nang paglaruan ako ng tadhana.

BINABASA MO ANG
Born To Be With You
RomancePhilip Madrigal is the most popular guy in Mikaella's University. Gwapo, matangkad, matalino, talented, mabait, friendly, down to earth. Lahat na yata ng magagandang katangian ng isang lalaki ay narito na. Kaya hindi maiwawasang maraming babae ang m...