Small talk

40 0 0
                                    

I'm surprised to hear his invitation but I did my best to hide it. Pero wala naman akong ibang gagawin at sa totoo lang ayoko pa talagang bumalik sa KTV kaya pina-unlakan ko narin ang kanyang imbitasyon. Anyway, it's just a cup of coffee and I also  thought that I need someone to talk to.

Dinala nya ako sa kalapit na Starbucks sa beachside.  Sa labas lang kami naupo dahil kagaya ko ay prefer ni Philip ang fresh air.

"What do you want to drink, Mikaella?", he asked nicely.

"A small cup of cappuccino, please.",medyo nahihiyang tugon ko.

He smiled at me and went straight to the counter. After few minutes ay bumalik na ito dala ang dalawang tasa ng cappuccino.

At first, I feel uncomfortable and I can't even look straight into his eyes. I firmly hold my cup of coffee to get some warmth from it. Para kasing bigla akong gininaw. Hindi ko alam kung dahil sa lumalamig na na simoy ng hangin o dahil nine-nerbiyos ako.

Bahagya akong napayakap sa aking sarili nang muling umihip ang malamig na simoy hangin. Napansin iyon ni Philip at walang sabi-sabing tumayo at hinubad ang pang-ibabaw niyang button down long sleeves. Naiwan ang pangloob nitong puting T-shirt.

"Phil, w-wag na...", apila ko nang akmang ilalapat na nito sa aking mga balikat ang kanyang damit.

"Medyo lumalamig na. Baka sipunin ka."

Ipinatong parin nito ang button down long sleeves sa mga balikat ko. Muli ay nalanghap ko ang pamilyar na amoy ng gamit nitong perfume. And the warmth from his clothing suddenly ease the coldness that I feel.

"Thanks.", maigsi ngunit appreciative kong sabi.

"You're welcome.", matamis siyang ngumiti sa akin bago muling bumalik sa kanyang upuan.

Katahimikan.

Tila pareho kaming naghahagilap ng mga salita na sasabihin. Nabawasan ang ginaw ko ngunit halos hindi parin nababawasan ang kabang nararamdaman ko.

"So... do you have any plans this summer?", basag ni Philip sa katahimikan.

"Uhm... alam mo 'yung Merryl's cafe?"

"Yup. They're making the best bread and pastries in town."

"Nag-apply ako sa kanila.", excited na pagbabalita ko.

"Wow! Really?!", he said with a big smile on his handsome face.

"Yes. E-extra lang ako this summer. Wala 'din naman kasing magagawa sa bahay. At least doon ay makakakuha pa ako ng work experience at makakapag-ipon narin."

"Congrats!", masayang bati nito sakin. "Mukhang may bago na akong tatambayan this summer."

I laughed. "Ayos! May na-recruit na akong customer. Maam Merryl will be thrilled.",banggit ko pa sa pangalan ng pastry chef at owner ng cafe.

He laughed at my joke and his perfectly sets of pearly white teeth shows.

"Paki-sabi ay may bago na s'yang regular customer dahil kapag nandon kana ay araw-araw kitang bibisitahin."

Born To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon