Month of April, sa wakas ay natapos din ang unang taon namin sa kolehiyo. Nagkayayaan tuloy ang buong section na mag-outing sa Boracay. Halos lahat kami ay first time na pupunta sa lugar na iyon, that's why everyone are very excited. Kahit ako ay super excited din dahil matagal ko ng pinangarap makapunta ng Boracay.
Masiong invited Andy to come with us, hindi naman tumanggi ang huli. Sa katunayan nga ay excited na excited pa ito.
Sa isang 4 star hotel sa Boracay nag-stay ang buong section. Andy and I shared in a twin bedroom. Malapit ang hotel sa beach kaya tanaw na tanaw ang view mula sa balcony.
"Miks, look! The view is priceless! This is paradise!"
Agad na dumiretso c Andy sa balcony pagdating na pagdating namin ng kwarto.
"And look at those hunks on their trunks!", humagikgik ito.Natawa din ako habang iniha-hanger ko ang mga damit ko sa closet.
"Sumbong kita kay Masiong", tudyo ko ditoBiglang natahimik si Andy. Maya-maya pa ay lumapit ito at umupo sa gilid ng kama habang ako ay patuloy na nagtitiklop ng iba ko pang damit.
"Miks, I want to tell you something. Pero 'wag ka sanang magagalit.", she looks uncomfortable.
"Ano ba 'yun?", na-curious
"Ka-kami na ni Mash", pag-amin niya.
"H-ha? Kelan pa?", medyo na-shock ako.
"Mg-tu-two weeks na. I wanted to tell you kaso nahihiya ako.", napatungo siya.
Napangiti ako habang tinitingnan ang nagba-blush na si Andy. Itinigil ko ang aking ginagawa at nilapitan ko ang aking kaibigan.
"Ano ka ba, ano namang dapat mong ikahiya?Obvious naman na gusto nyo ang isa't-isa. Saka 5 months na din naman syang nanliligaw sa'yo. I think it's the right time for both of you to be happy. You both deserve each other.", thoughtful kong sabi.
"I'm just scared, pa'no kung di mag-work out? Masyado kasi akong na-trauma sa naging ending namin ng 'ex' ko."
I touched her hand to give her some comfort. It's not my best moment to give a friend some
love advice 'cause I never been in a relationship before."Basta I'm happy for both of you. Mash is a great person. Alam kong hindi ka nya sasaktan.", I smiled at her.
"Maybe you're right. I'll just give it a shot then.", she sighed and smiled at me too.
After few seconds ay may nag-door bell. Si Masiong iyon. Napansin kong nag-blush na naman si Andy.
"O ano pang hinihintay ninyo? Maraming activities na naghihintay sa'tin. Let's enjoy and explore Bora! Now na!", excited na sabi ni Masiong.
Sabay kaming nagkangitian ni Andy
"Palit lang kami ng swim wear, hintayin mo kami sa labas.", sabi ko.
BINABASA MO ANG
Born To Be With You
RomancePhilip Madrigal is the most popular guy in Mikaella's University. Gwapo, matangkad, matalino, talented, mabait, friendly, down to earth. Lahat na yata ng magagandang katangian ng isang lalaki ay narito na. Kaya hindi maiwawasang maraming babae ang m...