Chapter 17 (The Unexpected Meeting)

12 0 0
                                    

"Bakit ka nga pala nandito?" Nakapangalum-baba na tanong ko habang hinahalo ang fresh mango shake na inorder ko.

          Kasalukuyan kaming naghihintay sa mga pagkaing aming inorder. At dahil lunch time ay puno ng customers ang pinaka-popular na Japanese Restaurant sa bayan. Mabuti nga at pinalad kaming makakuha ng table sa ganoong oras kahit wala kaming reservation.

          Bien sipped his mojito before answered my question.

"Remember last time when I mentioned that my grandparents are from this province too? I just visited them."

"Ah, oo nga pala. Same province nga pala kami ng lolo't lola mo. Kumusta sila?" Nakangiting tanong ko.

"Well, they're old but they look fine and healthy."

"Saang part nga uli sila ng Bulacan?"

"Sa San Miguel sila. Actually ay pabalik na sana ako ng Manila ngayon nang maalala kita. Along the way lang naman kaya binisita na kita."

          "Mabuti at hindi ka naligaw."

"I called Masiong. Tinanong ko kung saan ka nakatira." Nakangising pag-amin nito.

         Si Masiong pala ang salarin!

         "Kaya naman pala. Ba't 'di ka nalang direktang tumawag sakin?"

          "Then it will ruin the surprise."

          Pabirong inirapan ko ito.

          "Pero salamat sa pagbita, I appreciate it."

"Believe me, beauty. The pleasure is all mine." Then he winked at me.

          Expression na ata talaga nito ang pangingindat.

I rolled my eyes at him.

Bigla akong sinukob ng kalungkutan. At naisip ko na marahil kung si Philip ang tumawag sa akin ng "beauty" o kumindat sa akin ay kanina pa ako nag-blush sa kilig. Kilig na kailanman ay hindi ko pa naramdaman sa kahit na sinong lalake. Tanging sa kanya lamang.

"Something wrong?" Tanong ni Bien nang mapansin n'ya ang bigla kong pagtahimik.

          "Wala naman...Medyo gutom na kasi ako." Nagbaba ako ng tingin upang hindi n'ya mapansin ang pagdadahilan ko.

          Mikaella, nagiging habit mo na talaga ang pagsisinungaling. Sita sa akin ng isip ko.

          Bien followed up our order to a waitress who just passed by on our table, and she said that we have to wait for about 10 minutes more.

          We casually chat again while we're waiting for our food.

          Nasa kalagitnaan kami ng aming kamustahan nang mahagip ng tingin ko ang isang babae at lalake na kapapasok lamang ng restaurant. Muli kong naramdaman ang pamilyar na kabog ang dibdib ko nang mamukhaan ko ang mga bagong dating.

          "Kon'nichiwa! Good afternoon, maam and sir." Masigla at magalang na bati ng hostess sa kanila.

Yumuko ako ng konti at nanalangin na sana ay hindi ako makita ng mga ito.

Born To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon