The Bartender

9 1 0
                                    

           My heart skipped a beat when our eyes met. Halatang nagulat din si Philip nang makita ako at pasimpleng inaalis ang nakapulupot na mga kamay ni Amanda sa kanya. But in his shocked, Amanda pulled him closer and their lips are just inches apart.
           I turned away, I don't want to see what  happened next. I returned my gaze on my drinks and on my phone. Nagpanggap na may ginagawa pero ang totoo ay iniisip ang nakitang eksena ngayon-ngayon lang.

   "That wh*re! Ang kapal ng mukha!" Nagngi-ngitngit ang kalooban ko sa galit at inis na nararamdaman. My wrist clenched so tight.

          I wanna leave right now but I can't. Ayokong magmukhang apektado sa paningin ni Philip. I need to keep my cool.

          Napataas ako ng tingin nang walang sabi-sabing maglapag sa harap ko ng two scoops of vanilla ice cream ang bartender. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nasulyapan ko ang mukha nito. Naka-brush up ang malago at dark brown nitong buhok. Mukhang hindi ito pure Filipino base sa shape at features ng mukha. Naglalaro sa 19 to 21 ang edad. Simple lang ang suot nitong puting kamiseta na nakatupi ang manggas na lalong nagpa-emphasized sa molded arms and biceps nito.

          "H-hindi po ako umorder." Nalilitong sabi ko sa nakangiting bartender.

          "It's on the house. Looks like you need it." Sabay makahulugan na kumindat ito sa akin.

         And I noticed his gentle dark gray eyes that complimenting his thick defined brows. Kung titigan ay may pagkakahawig ang lalake sa paborito kong Hollywood actor na si Zack Efron. Tanned version nga lang.

          "What do you mean by that?" Hindi ngumingiting tanong ko. Medyo nape-preskuhan ako sa gesture ng lalaki.

         "By what?"

          "That it looks like I need this ice cream?"

         He laughed & I frowned.

          "Sobrang init kasi ng panahon kaya I thought that you might need it."

          Hindi parin napapawi ang ngiti nito habang nakatitig sakin. Tila mine-memorya ang kabuuan ng aking mukha.

          Tumango-tango ako at tipid na ngumiti.

          "Thanks." Casual na sabi ko sabay kumutsara ng kaunting ice cream.

          I savor the cold sweet creamy flavor of the ice cream and felt like it makes me feel a little bit better. Sunod-sunod na ang naging pagsubo ko ng ice cream.

          Hanggang sa naramdaman kong hindi parin umaalis ang tingin sa akin ng bartender. I smiled at him while continuing eating the ice cream.

          "Told 'ya." Ngumisi ito sa akin.

         Nginitian ko sya, pero hindi na tipid.

          "Salamat uli." I said while slightly tapping my mouth using a napkin.

          "It's my pleasure. I'm Bien, by the way." He extended his right hand.

          "Mikaella." Tinanggap ko ang nakalahad nitong palad para makipag-shake hands.

          Saktong napalingon ako sa kinaroroonan nila Philip at Amanda. Nasa pool narin ang mga kasamahan nila at maiingay na nagtatawanan at nagbabasaan ng tubig. Nakayapos parin si Amanda kay Philip pero matiim na nakatingin ang huli sa direksyon namin ni Bien. Magkasalubong ang mga kilay nito habang seryosong nakamasid sa amin. Tila hindi nito alintana ang maiingay na mga kasama. Teka, nagseselos ba ito?

          "How long you'll stay here?" Napalingon ako nang muling magsalita si Bien.  Ipinatong nito ang siko sa bar table at pumangalum-baba.
         Medyo nailang ako dahil medyo lumapit ang mukha niya sa akin.

         "We're leaving on Thursday."

          "Are you with family or friends?"

          "I'm with my classmates."

          "Ah, I see. Where are you guys from?"

          "Bulacan...and you?"

          "What a coincidence, my Grand Parents are also from Bulacan. I remember when I was a kid, I used to stay with them during the summer."

          Mga ilang minuto pa kaming nag-uusap nang dumating ang isang lalakeng naka-uniporme.

          "Sir, thanks for covering my shift." Sabi ng lalake na kakamot-kamot at tila nahihiya.

          "Walang anuman. Nabusog ka ba?" Nakangiting sabi ni Bien sa lalake habang tinapik-tapik ang balikat nito.

          "Pasensya na po, Sir. Bigla-bigla naman ho kasing umabsent 'tong si Herman, wala tuloy ako'ng maka-relyebo dito.

          "It's nothing, man. Actually, you're doing me a favor. You know how much I love bartending."

          Sasagot pa sana ang lalake nang biglang mag-ring ang cellphone ni Bien. Nag-excuse ito sa amin at lumabas ng bar para sagutin ang tawag.

          "Ikaw ang bartender dito?" Confused na tanong ko sa naiwang lalake.

          "Opo, maam."

          "Eh, sino 'yun?"

          "Si Sir Bien po. Anak ng may ari ng hotel."

          Medyo na-shocked ako pero hindi ko na ipinahalata sa kausap ko.

          "Umabsent po kasi yung co-bartender ko dito, eh alas dos na po hindi ako makapag-lunch gawa ng walang magre-relyebo. Buti nga po at napadaan si Sir, nag-prisintang magbantay muna para makakain ako." Pagpapaliwanag ng totoong bartender.

          Kaya pala hindi naka-uniporme ang mokong dahil hindi pala talaga ito empleyado. Ngunit sa unang tingin, hindi mo aakalain na may sinabi ito sa buhay dahil napaka-simple. Oo gwapo, pero simpleng manamit at kumilos.

Lihim na napangiti nalang ako dahil ang inakala ko kanina na preskong lalake ay may itinatago palang ka-humble-lan. Hindi talaga dapat husgahan ang isang tao sa panlabas na kaanyuan.

Makalipas ang ilang minuto ay bumalik si Bien pero hindi na ito pumasok sa loob ng bar at sa halip ay umupo ito sa tabi ko. He ordered another piña colada for me and a mug of super cold beer for himself. I don't know how long we're talking there but it seems like we're having a good time. Masarap itong kausap at sa palagay ko ay nakatagpo ako ng bagong kaibigan.

At kahit alam kong hindi dapat pero lihim akong nasisiyahan na sa tuwing lumilingon ako ay nakikita ko sa mukha ni Philip ang matinding selos. Gusto kong ipamukha sa kanya na hindi lang siya ang lalake sa mundo. At hindi ko sya hahabul-habulin katulad ng ginagawa ni Amanda. Patutunayan ko sa kanya na iba ako sa mga babaeng nakilala nya.

Born To Be With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon