Hanggang matapos ang masarap na tanghalian ay tahimik parin si Philip. Napansin ko rin na halos hindi niya nagalaw ang kanyang pagkain.
Sa kalagitnaan ng aming kainan kanina ay umorder siya ng sake (Japanese rice wine), kaya hindi kataka-takang ngayon ay namumula na ang mga pisngi at tainga niya. Si Bien man ay napatagay din dahil inalok ni Philip, pero kaunti lamang. Katwiran ni Bien ay magmamaneho pa siya pabalik ng Maynila.
Nang magbabayad na si Bien ng aming bill ay pinigilan siya ni Philip. He insisted to pay for all the food that we've eaten. Hindi na nakipagtalo pa si Bien dahil nakita n'yang mukhang medyo tipsy na si Philip. At marahik ay iniisip din ni Bien na baka maging sanhi lamang ng alitan kapag pinagpilitan pa niya na magbayad.
Hanggang sa huli ay naging malamig ang pakikitungo ni Philip kay Bien. Halos hindi nga nito tingnan ang huli. Kapag may itinatanong si Bien ay napakatipid lamang ng sagot ni Philip. Parang tila ayaw nitong magpa-abala.
At mukhang nakadagdag pa sa init ng ulo ni Philip ang maya't mayang pagli-link at panunukso ni Amanda sa amin. At obvious na pinalalabas talaga niya na may relasyon kami.
"You know what, guys? It's my 18th Birthday this coming Friday. You both should come."
"Wow! Advance Happy Birthday!" Ginalingan ko ang pag-arte para kunwari ay sincere ang pagkakabati ko sa kanya.
"Thanks, guys. Sorry, I ran out of invitation cards. But don't worry makakapasok naman kayo kahit walang invitation cards."
Kunwari ka pang naubusan ka ng invitations, eh alam ko namang wala ka talagang balak na imbitahin ako. Iritadong bulong ng isip ko.
"Punta kayo, ha? Please... You guys will be one of the hottest couples there." At muli ay malisyosong nagpalipat-lipat ang tingin n'ya sa amin sa amin ni Bien.
"I'll try my best to come but no promises." Ani Bien
"I hope you can make it, Bien. Kawawa naman si Mikaella kung pupunta s'ya ng solo flight sa party ko." Then she laughed annoyingly.
Nanggi-gigil ako sa inis sa sobrang arte ng babaeng 'to.
Tumingin ako kay Philip. Tahimik parin ito, seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha. Tila hindi ito makausap. Pinagmasdan ko siya habang nilalagok ang natitirang wine sa kanyang baso.Maya-maya ay nagpaalam ako para pumunta ng ladies room. Paglabas ko ng palikuran ay bumungad sa akin sa hallway ang nakatambay na si Philip. He is leaning against the wall while smoking a cigarette. He looks down and upset.
Kelan pa siya natutong manigarilyo? Tanong ko sa isip ko.
Ito kasi ang unang beses na nakita ko itong humawak ng sigarilyo. O talaga lang sigurong marami pa akong hindi alam tungkol sa kanya. Hindi naman kasi porke kaklase ko siya at lagi ko siyang nakikita sa eskwela ay kilala ko na ang buo nyang pagkatao.
I took a deep breath and walk straight into the hallway without looking at him. Almost pretending that I'm not seeing him.

BINABASA MO ANG
Born To Be With You
RomansaPhilip Madrigal is the most popular guy in Mikaella's University. Gwapo, matangkad, matalino, talented, mabait, friendly, down to earth. Lahat na yata ng magagandang katangian ng isang lalaki ay narito na. Kaya hindi maiwawasang maraming babae ang m...