Lunes ng tanghali. We're on our same favourite spot at the cafeteria.
Masaya kaming nanananghalian ni Philip, as usual ay kasalo namin si Andy at Masiong. Naging everyday ritual na kasi naming magkakaibigan ang kumain ng lunch na magkakasama.
"Akalain mo... pagkaganda pala ng boses nitong si pareng Philip." Sabi ni Masiong habang namumungalan sa pagkagat ng inorder nitong burger.
"Ano ba 'yan, love. Para kang batang kumain. Don't talk when your mouth is full."
Kumuha si Andy ng napkin at idinampi iyon sa gilid ng mga labi ni Masiong.
"Pero In fairness talaga, Phil...ginulat mo kaming lahat. May itinatago ka palang talent d'yan."Namula sa hiya si Philip.
"Hindi naman, Andy. Medyo nakahiligan ko lang kasi simula pagkabata...""Ayy grabe... super nakakakilig talaga kayo last Friday. At ikaw, Miks... super haba ng hair mo. Eeeeeeee!!!"
Napatingin sa amin ang mga estudyante sa kabilang table dahil sa lakas ng tili ni Andy.
Hayy... Kailan kaya ako masasanay sa pagka-eskandalosa ng kaibigan kong ito?
Nangingiti at naiiling na nagkatinginan na lamang kami ni Philip.
"How you doin' guys?"
Sabay-sabay kaming napatingala sa tinig ng nagsalita.
Si Bruce iyon na nakangiti at nakatayo sa tapat ng aming table. Namukhaan ko din ang dalawang kasama nito. Kung hindi ako nagkakamali ay mga miyembro din ito ng The Showrunner Band.
"I'm sorry to interrupt you guys... By the way, I'm Bruce." Inilahad nito ang kanang kamay sa aming apat na agad din naman naming tinanggap.
Hindi kagwapuhan si Bruce at hindi rin ito katangkaran. Pero malakas ang appeal lalo na kapag nasa ibabaw na ito ng entablado.
"And these are Robin and Jeff." Pagpapakilala nito sa dalawa pang kasama.
"Nice to meet you, guys!" Bati ni Masiong sa tatlong lalake.
"Ang galing n'yo last Friday night! That was the best show I've ever seen." Nakangiting puri din ni Andy sa mga ito.
"Oo nga, guys! We can't wait for your next show!" Sabad ko naman.
Ngiting-ngiting nagpasalamat naman si Bruce at ang mga kasama nito.
"Anyway, guys... I know you're in the middle of something so I'll make this quick. I just need a word with Philip."
Bumaling si Bruce kay Philip.
"Bro, you sound pretty good last time. I can tell you're very passionate about music."
"Thanks, man! But you guys are way nicer than I am." Ganting papuri din ni Philip sa mga ito.
"Anyway... I would like to ask if you're interested to join our band. We're really gonna need someone like you."
Hindi kaagad sumagot si Philip. Sumeryoso ang mukha nito at parang nag-iisip.
"Thanks for the offer, Bruce. I'm flattered and I'd love too but... I have to say no." Diretsahang pagtanggi ni Philip.
Sandaling natigilan si Bruce.
"Of course, you don't have to answer me right now. Just give yourself some time.
After few days at talagang hindi ka interesado ay okay lang. I'd understand."Nagpaalam na rin kaagad si Bruce at ang mga kasama nito.
****
"Babe, tara na!"

BINABASA MO ANG
Born To Be With You
RomancePhilip Madrigal is the most popular guy in Mikaella's University. Gwapo, matangkad, matalino, talented, mabait, friendly, down to earth. Lahat na yata ng magagandang katangian ng isang lalaki ay narito na. Kaya hindi maiwawasang maraming babae ang m...