Chapter Nine

43.4K 893 34
                                    

Wala na sigurong mas magpapagulo pa sa utak ni Jeanna kung hindi ang nag-iisang Kieth Montelvaro na lang. Mula araw hanggang gabi, aba, hindi na siya nagbibiro kapag sinabi niyang parte na ito ng schedule niya. Tama ba na sobrang invested niya sa binata? Hindi sana kasing invested ng ganito, pero nandito na siya at alam niyang hindi siya susuko dahil lang hindi niya ito maintindihan.

Mag-iisang linggo na simula noong party ni JL at Apollo, at ganoon na rin katagal nang simulan niyang ligawan ang binata—Yup, she said it loud and clear, nililigawan niya ang binata dahil iyon lang ang pinaka-logical na solusyon niya sa pagiging magulo pa nito sa magulo.

After exchanging names that night, she immediately asked what really happened to him when she took the stilettos and made a run for it. Mukhang hindi pa nga sana sasagutin ni Kieth ang tanong niya pero nag-insist talaga siyang malaman.

Nasabi nitong 'she busted his nose' pero hindi naman niya alam kung ano ba ang extent ng nangyari. Una naman kasi sa lahat, parang wala namang nangyari sa ilong ng binata. Okay, that is her bad. She should not be hoping for any physical evidence of what happened to him. Tama lang na hindi napano ang matangos nitong ilong.

Heto na naman po siya at magsisimula na naman yata siyang ma-distract kakaalala kung gaano kagwapo ang binata.

Okay, Jeanna, huminga kang mabuti bago ka tuluyang ma-distract.

Nang mapilit na niya ang binata na ikwento ang talagang nangyari, hindi naman niya in-expect na magkakaroon ito ng picture evidence sa nangyari sa ilong nito. Sa lakas pala ng pagkaka-headbutt niya rito, napadugo niya ang ulong nito. Thankfully, it was not fractured or anything na mas malala pa doon. Her other surprise was how easily Kieth shared how his cousins did not let the fact that a woman did that to him and made a run for it like a true attacker.

Kung hindi niya naisip na sobrang dali siyang mapapatawa ng binata, pwes, she was already proven wrong. Kieth may not look like it, but his subtle sense of humor was enough to never make anything feel awkward between them.

Doon pa pala siya sobrang nagtaka. She highkey thought that Kieth would be someone that is not easy to be with. Hindi niya rin alam bakit napunta doon ang iniisip niya, siguro nasobrahan siya sa pag-e-expect ng kung ano-ano sa binata habang kasama niya ito.

Noong magso-sorry na naman siya, doon na siya pinigilan ng binata at sinabing pag-iisipan daw nito ang kung anong gusto nitong 'compensation'. Akala pa nga niya na nagjo-joke ang binata pero mabuti na lang at hindi. Him insisting for a compensation means more opportunity for her to build up her plans.

Syempre naman, ang dahilan pa rin lahat ay dahil sa bet na kailangan niya itong maging date.

Inisip niya rin ng gabing iyon kung isasagad niya ba ang lahat at sasabihin agad dito ang mga plano niya. She could have done it and be over for whatever his answer will be, pero hindi naman iyon ang essence ng bet nila ni JL, and, to be honest, she did not want to disappoint her best friend.

Iyon nga lang ba ang rason kung bakit sobrang invested niya sa binata? Siguradong hindi na ang sagot, pero hindi niya pa kayang harapin ang pwedeng totoong rason.

Simpleng crush lang naman, hindi ba, Jeanna?

Umiling na lang siya at tinuloy ang inaayos niya rito sa isang branch nila. Sa lahat ng branches ng restaurant nila, merong dedicated office para sa kanilang dalawang magkapatid. Pero gaya ng nabanggit niya noon, mas nasa kusina ang trabaho ng Kuya Jeno niya kaysa sa opisina.

Dapat nagtatrabaho siya pero hindi talaga niya maiwasang isipin si Kieth. Even saying his name right now is making her feel things.

Admitting that she has a growing crush for man she just met—well, hindi na lang pala 'just met' ang nangyari dahil 'nililigawan' na niya ito—was growing to be a bit of a surprise even to herself. Kung iisipin naman kasi talaga, hindi niya alam kung kailan ang huling beses na nagkaroon siya ng 'crush' sa isang tao.

Owned by the DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon