Chapter One

8.9K 176 39
                                    

AUTHOR'S NOTE (PLEASE READ!):

Una, gusto ko pong mag-sorry dahil na-late ng dalawang araw ang Book 2 ng "Love, Stranger". I made some MAJOR REVISION DITO. Naka-tatlong drafts ako bago ko nasulat ang mababasa niyo ngayon. Sana po ay magustuhan niyo.

Anyway, 'di ko na patatagalin pa dahil alam kong matagal kayong naghintay. Next chapter na lang ang mga ibang bagay na gusto kong sabihin. ENJOY READING!

MARAMING SALAMAT PO!


MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)

======================================================

BY: White_Pal
FB: https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
TWITTER: https://twitter.com/gabby_whitepal
BLOG: https://gabbysreroute.wordpress.com



CHAPTER ONE

ROME:

"Hindi ka ba naging masaya kasama ako? Hindi ka ba naging masaya noong dalawang gabi tayong magkatabi at magkayakap matulog? Hindi ka naging masaya sa tatlong araw?" patuloy ang pagdaloy ng iyong luha.

"Masaya..."

"Oh eh anong hindi pwede? Bakit hindi pwede? Rome, ipaintindi mo naman sa akin!" sigaw niyang sabay crack ang boses.

"Ray, lalaki ako. Hindi kita kayang mahalin bilang isang kasintahan. I'm sorry. Hindi ko kayang mahalin ka kagaya ng pagmamahal mo sa akin." Ito ang pinakamalaking kasinungalingang sinabi ko sa iyo.


***


ROME:

"Anak." Isang boses ang gumising sa akin. Narinig ko rin ang paghawi ng kurtina. Dumilat ako, ngunit hindi ko magawa. Nasilaw ako sa maliwanag at mainit na sikat ng araw. Kahit hindi ko nakikita ay alam kong si Mama ito.

"Anak, kain na tayo." Aya niya sa akin sabay tapik ng dalawang beses sa braso ko.

"Susunod na po ako."

Ilang saglit pa'y narinig ko ang pagsara ng pinto. Nagbitiw ako ng isang malalim na hinga. Sinubukan ko muling idilat ang aking mga mata. Nakita ko ang puting kisame sa aking kwarto pati na rin ang hugis bilog na ilaw. Dahan-dahan akong umupo sa gilid ng kama. Yumuko. Naalala ko ang panaginip ko kanina. Na-miss na naman kita Ray. Tumingin ako sa aking kaliwa kung saan nakapatong sa end-table ang aking cellphone. Pinindot ko iyon, nakita ko ang oras at petsa.

"Exactly one year simula noong nagkita tayo ulit sa Japan. Walang araw na hindi kita inisip. I miss you so much Ray." Sambit ko. Mabigat ang dibdib ko. Gusto kong umiyak ngunit wala na akong mailabas pa. Napagod na ako. Nagsawa na ako.

Lumingon ako sa pinanggagalingan ng sikat ng araw. Napakaliwanag nito. Dapat nagbibigay ito ng sigla at pag-asa sa akin, ngunit iba ang nakikita ko rito, pag nakikita ko ito'y naiisip ko ang isa na namang araw na wala ka sa akin.

Nagbitiw ako ng isang malalim na hinga. Tumayo ako. Sinarado ko ang kurtina. Kagaya ng aking pagkatao, nabalot ng kadiliman ang aking kwarto.

Ilang saglit pa'y tinumbok ko ang pintuang kulay dark-brown na gawa sa mahogany, binuksan ko ito at lumabas ng kwarto. Naglakad ako sa hallway at dumiretso sa staircase. Agad kong nakita ang maliwanag na ilaw na nakasabit sa kisame, sa ilalim nito ay ang mahabang dinning table, nakaupo sa hapagkainan sila Mama at Papa.

Dear Stranger (Pinoy BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon