Chapter Twenty-Seven

1.1K 77 41
                                    

AUTHOR'S NOTE  

WARNING! Kumapit na kayo. Lubusin niyo na ang mangyayari sa chapter na ito. Tandaan nasa roller-coaster tayo guys! Wahahaha! Anyway, sorry sa delay. I'll try to finish Chapter 28 and 29 tomorrow and Sunday.

======================================================

BY: White_Pal

FB: https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
TWITTER: https://twitter.com/gabby_whitepal
BLOG: https://gabbysreroute.wordpress.com

CHAPTER TWENTY-SEVEN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER TWENTY-SEVEN

RAY

Hinawakan ko ang nanlalamig niyang braso. Hindi ako mapakali. Sobrang putla ng kanyang mukha, kapansin-pansin ang malalim niyang paghinga.

"Kumalma ka muna, baka himatayin ka niyan." Sabay ngiti at harap sa kanya, hinawakan ko ang magkabilang mukha niya. Nagbitiw siya ng pilit ngiti, yung ngiting Rome na labas ang dimples. Hay.

"Hoy sobra na iyan ah!" sigaw ni Lyn. Lumingon ako sa kanya.

"Manahimik ka nga Lyn! May phobia na nga yung tao eh!" irita kong sigaw sa kanya. "Be considerate!" kahapon pa kasi siya. Bwisit.

"Buti nga!" Si Jess. Inirapan siya ni Lyn.

"Opportunista talaga. Gusto lang humawak kay Rome." Sabat ni Gel. Nag-init ang tenga ko sa narinig, parang lahat ng dugo sa katawan ko'y umakyat sa ulo ko. Akmang sisipain ko siya sa mukha'y bigla akong hinawakan ng napakahigpit ni Rome. Tumingin ako sa kanya. Umiling siya, kahit pinipigilan ako'y bakas pa rin sa mukha niya ang takot. I gave a deep sigh, pilit pinakalma ang sarili.

"Sir ready na kayo?" tanong ni Manong na nag-ooperate. Tumingin ako kay Rome. Ngumiti siya sabay thumbs-up.

"Sige po kuya game na." Agad kaming umupo ni Rome.

Ilang segundo pa'y unti-unti kaming hinatak ng parachute palayo sa inuupuan namin hanggang sa naramdaman kong nakalutang na ang mga paa namin sa ere. Pataas ng pataas, kasabay nito'y lumundag ang adrenaline ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko! Para akong isang ibong nag-umpisang lumipad. Naramdaman ko ang malamig na hampas ng hangin na siyang unti-unting nagdadala sa amin sa itaas. It's exhilarating.

Napatingin ako kay Rome, pikit na pikit siya at hindi maipinta ang mukha, kapansin-pansin din ang malalim niyang paghinga. Ang putla na niya at parang hihimatayin anumang oras. Kinilabutan ako sa nakita, natatakot sa maaaring mangyari sa kanya. Bigla kong hinawakan ang kanyang kamay. A spark of electricity hit me, napangiti ako.

"Nandito ako... Huwag kang matakot." Bulong ko sa kanya.


ROME

Halos malagutan na ako ng hininga nang marinig ko ang isang musika, unti-unti nitong pinakalma ang nagwawala kong sarili. Alam kong boses mo yun. Dahan-dahan kong dinilat ang aking mata, nakangiti ang maganda mong mukha. Ang higpit ng pagkakahawak mo sa akin.

Dear Stranger (Pinoy BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon