Chapter Thirty-Four

742 59 73
                                    

AUTHOR'S NOTE

Pasensya na po sa delay. Katatapos lang ng exams ko so busy talaga ako nitong mga nagdaang weeks. This week din ay mag-update ako ng mga kasunod na chapters. So ayos lang naman siguro na medyo maiksi ito. Kasi di naman ako matatagalan mag-update uli. Hehehe.

Medyo mahirap isulat ang chapter na ito dahil kung naaalala niyo pa ay grabe yung bpinagdaanan ni Ray sa previous chapter. So in this chapter medyo balisa o blanko ang emosyon niya. Mahirap magsulat ng ganun lalo na sa magaganap na eksena in this chapter. Sana lang napanindigan ko. Wahahaha!

Sa mga sumusubaybay sa story na ito, maraming salamat dahil nandyan pa rin kayo. Heto na ang continuation. Hahaha! ^_^

======================================================

BY: White_Pal

FB: https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35

TWITTER: https://twitter.com/gabby_whitepalBLOG: https://gabbysreroute.wordpress.com



CHAPTER THIRTY-FOUR

RAY

Matagal bago magsalita si Chichi, tanging buga ng aircon lang ang aking naririnig sa loob ng sasakyan. Ramdam kong pinipili niya ang mga bibitiwang salita. Sigurado ako, hindi maganda ito. Hindi siya pupuntang Pinas ng biglaan kung walang mabigat na dahilan.

"Otousan. Itte kudasai." Firm kong sabi. Tiningnan niya ako, bakas sa mata niya ang pag-aalala.
(Tay, pakiusap sabihin mo na)

"Anak..."

"Wala na mas lalala pa sa nararamdaman ko ngayon. I killed an innocent child, at galit sa akin ang mahal ko. Wala na sigurong mas malala pa doon 'di ba? Alam kong iniisip mo ako, pero mas pinapahirapan mo lang ako ngayon dahil binibitin mo ako."

Huminga siya ng malalim. Tumingin siya ng diretso sa akin.

"Few days ago, may malisyosong balita na kumalat sa Japan." Natigilan siya, lumunok siya at huminga ng malalim. "Sinasabi nila na may relasyon tayo."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Ha? Kami ng tatay-tatayan ko may relasyon? Tangina ano 'yun?

"Kailan pa?" walang emosyon kong sabi.

"Five days ago. I tried to do some damage control, but I failed, kalat na kalat na. Hindi ko pa rin alam kung saan nanggaling iyon."

"Anong plano mo?"

"Hindi ko alam." Malungkot na sabi ni Chichi. Ito ang unang pagkakataon na narinig ko mula sa kanya ang salitang iyon. Siguro nga ay hindi na niya alam ang gagawin niya. Alam ko, sigurado akong ginawa niya ang makakaya niya para ayusin ang problema, pero hindi na siguro talaga niya maaayos ito kaya sinabi na niya sa akin. "May problema rin tayo Ray." Pahabol niya. Tumingin ako sa kanya. Wala na akong maramdaman sa oras na ito. "Alam kong nakarating na rin sa pamilya mo ang balita."

Nakakatawa, dapat ay humahagulgol na ako ngayon, o di kaya ay nagpapanic o nawawala sa sarili, pero naubos na ata ang lahat ng emosyon sa katawan ko. Pakiramdam ko'y wala na akong pakialam kung ano ang mangyayari sa akin, nasagad na ako, sagad na sagad na. Naisip ko si Papa. Huminga ako ng malalim. Siguro tama lang ang plano kong hindi muna magpakita sa kanya, panigurado mag-aaway lang kami.

Pagkababa ng kotse ay agad kaming umakyat ng condo ko. Ihahanda ko na ang mga gamit ko pabalik ng Japan. Naisip ko si Mama at ang kapatid ko, gusto ko sana silang makita ngunit dahil sa nabalitaan ko'y wala akong mukhang ihaharap sa kanila.

Bumukas ang elevator sa floor kung nasaan nandoon ang unit ko. Sabay kaming naglakad ni Chichi pakaliwa. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang dalawang pamilyar na mukha, si Mama at kapatid ko! Ano ginagawa nila sa labas ng unit ko?

"Kuya!" sabay akap sa akin ni Julie. Inakap ko rin siya. "I miss you!" malambing na sabi nito. Hindi ako nakakibo. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil sa hiya. Napatingin ako kay Mama, inakap niya kami ng kapatid ko at pagkatapos ay hinalikan ako sa pisngi.

"Anak dinalaw ka lang namin kasi gusto naming makita ka bago ka bumalik ng Japan. Alam ko, ramdam kong hindi ka magpapakita sa amin dahil sa balitang kumakalat ngayon sa Japan." Malungkot na sabi ni Mama.

"Pasensya na kayo. Wala akong mukhang maiharap." Pabulong kong sagot.

"Mabuti naman at may hiya ka pang nararamdaman." sagot ng kilala kong boses sa aking likuran. Lumingon ako, nakita kong naglalakad palapit si Papa. "Akala niyo hindi ko kayo susundan ha!" sigaw nitong umalingaw-ngaw sa corridors.

"Arman, huwag dito." Si Mama. Ang kapatid ko naman ay hinarangan ako.

"Umalis ka 'dyan Julie!"

"Hindi Pa! Tama na! Tigilan mo na si Kuya! Wala siyang ginagawang masama!"

"Anong walang ginagawang masama? Walang ginawa iyan kundi puro kahihiyan!"

Nagpantig ang tenga ko. Matulis ko siyang tinitigan.

"Kahihiyan? Bakit? Anong kahihiyan ang ginawa ko? Dahil hindi ko sinunod ang gusto ng tatay mo para sa akin? Dahil hindi ko sinunod ang gusto mo para sa akin? Hindi ba dapat mas matuwa ka kasi mas may bayag ako kesa sa iyo na sunod lang ng sunod sa matandang iyon?" tukoy ko sa tatay niya.

"Putangina mo!" sigaw sa akin ng aking ama.

"Putangina mo rin! Tangina niyo ng tatay mo! Iyang tatay mo na walang ibang ginawa kundi punahin ang mga kapintasan at pagkukulang ko! Iyang tatay mo na walang ginawa kundi ipahiya ako sa harap ng mga kamag-anak natin! Iyang tatay mo na pilit akong hinahatak pababa at inaapakan dahil hindi ko sinunod ang mga gusto niya!" Sigaw ko. Tumulo ang mainit na luha mula sa aking mga mata. Luha ng poot na matagal kong tinago sa aking puso. Muli kong naradaman ang pag-usbong ng kadiliman na nagtatago sa katawan ko. "Kaya nga masayang-masaya ako noong nagkasakit siya, kasi nakalaya ako sa pag-kontrol niya sa buhay ko. Nakalaya ako sa lahat ng mga panlalait at pamamahiya niya. At kung mamamatay man siya, ayos din para kasama niyang uurin ang mga bulok niyang plano para sa akin." Sabay ngisi.

Tinabig ni Papa ang kapatid ko, nasalo siya ni Mama. Akmang sasapakin ako ng aking ama ay sinangga ni Chichi ang kanyang kamao, pagkatapos malakas na ni-lock ang braso nito para hindi na makakilos.

"Tangina ka 'wag kang makialam dito!"

"Bakit hindi? Ha? Bakit hindi? Eh anak ko ang sinasaktan mo!" sabay tulak kay papa na noo'y nasubsob sa sahig. Tumayo siya at nagbitiw ng nag-aalab na titig.

"Kaya nagkaganyan iyan kasi kinunsinti mo!" duro sa akin. "Palibhasa bakla ka rin!"

"Bakla nga ako! Pero ang baklang ito ang pumuno ng pagkukulang mo! Ako ang nagpaka-ama sa kanya! Ako ang nandoon noong walang-wala siya at naghihirap sa Japan! Eh ikaw? Isa ka lang tuta ng tatay mo at palamunin ng asawa mo! Wala kang kwenta! Ngayon, sino ang totoong lalaki sa atin?"

Akmang susugod pa si Papa ay pinigilan siya ni Mama at ng kapatid ko.

"Tama na Arman! Umalis ka na!" sigaw ni Mama sabay tulak kay Papa.

Tinitigan ni Papa si Mama at ang kapatid ko. Tinuon niya ang tingin sa akin, nagtama ang mata namin.

"Umalis ka na Pa, hindi ko kayo kailangan ni Lolo sa buhay ko."

ITUTULOY

SPECIAL NOTE: If you enjoy this story, please vote for it. YOU CAN VOTE EVERY CHAPTER. COUNTED PO ANG BAWAT VOTES. :-)

Dear Stranger (Pinoy BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon