Chapter Nine

1.3K 83 25
                                    

AUTHOR'S NOTE 

Chapter 10 will be posted TOMORROW! 

Next time na lang po ang mga ibang bagay. ^_^


MARAMING SALAMAT PO!


MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)


======================================================


BY: White_Pal

FB: https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
TWITTER: https://twitter.com/gabby_whitepal
BLOG: https://gabbysreroute.wordpress.com


CHAPTER NINE

RAY:

"Deal!" masaya kong sigaw habang sinusulat ng madiin sa white board ang salitang iyon. Humarap ako sa kanila, hindi ko pinahalatang lumulutang ang utak ko. Putcha naman kasi, kanino ba talaga galing yung bulaklak kanina? Tsk!

"Iyan lang ang kailangan nating ilagay sa mga isip natin." Sabi ko sabay tingin kay Rome. Nagtama ang aming mga mata, seryoso itong nakatingin sa akin. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya na nasa kabilang dulo ng puting long-table, linagpasan ko si Jess na medyo malapit sa akin. "So Mr. Parilla, paano natin makukuha ang deal kay Mr. Kyou?"

"Ah... Eh..."

"Court him!" sabat ni Jess. ""Di ba Kim?" sabay kindat sa kaibigan ko. Inirapan naman ito ni Kim.

"Correct! Liligawan natin siya. Pero may shortcut 'dyan, dapat daw ay ligawan mo ang mga taong malalapit sa mga liniligawan mo. In this case sa anak-anakan niya – Me." Sabi ko na ang boses ay parang nang-iinis. Linapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Ngumiti ako, binawi ko ito at naging poker face. "Kaso mukhang bagsak ka na sa akin eh. Alam mo naman siguro 'yan. Kaya sa long way tayo." Sabi ko sabay irap. Naglakad ako, inikutan ko si Rome, dinaanan ko si Lyn na bigla akong inirapan, alam ko na ang galaw ng utak ng babaeng ito. Naglakad ako papuntang harap malapit sa white board, katabi ni Kim na masama ang tingin sa akin.

"Eh 'di liligawan ko rin ang anak niya." Napatingin ako kay Rome. Nakangiti itong nakakagago. What the heck!? Tama ba ang narinig ko?

"Excuse me? Pumayag ba akong magpaligaw?" lumakas ang boses ko.

"Sinabi ko bang ikaw? Anak ang sabi ko, hindi anak-anakan." sabay ngisi.

Natameme ako. Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makagalaw. Narinig ko ang mahinang pagtawa ng mga kaibigan ko. Tiningnan ko sila ng masama.

"Oh bakit Ray?" tanong ni Lyn na hindi alam kung paano pipigilin ang pagtawa. Ang sama kasi ng tingin ko sa kanila.

"Stop laughing. Walang nakakatawa."

"Assumera ka kasi." Sigaw niya. Kinuha ko ang pambura ng lapis na nasa harap ko at binato ito sa kanya. "Maldita ka!" sigaw niya pagkatapos umiwas. Hindi ko na lang siya kinibo. Yari sa akin ito mamaya.

Tumingin ako kay Rome. Pigil tawa rin si gago.

"At ikaw, for your information walang anak si Chichi." Sabay cross-arm. "Sa susunod mag-research ka sa mga prospect mo ha? Umpisa pa lang palpak ka na." sabay irap. Tumigil siya sa pagtawa.

Dear Stranger (Pinoy BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon