Chapter Nineteen

1.1K 71 121
                                    

AUTHOR'S NOTE (IMPORTANT PLEASE READ!)

Nasa open and closed parenthesis po ng bawat line ang translation.

Credits to Roj Sawada para picture na nandito. Kahit ayaw ko ay pilit siyang nagpresinta at naghanap ng picture ng mga characters ng "Dear Stranger".

MARAMING SALAMAT PO!

MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)

======================================================

BY: White_Pal

FB: https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
TWITTER: https://twitter.com/gabby_whitepal
BLOG: https://gabbysreroute.wordpress.com


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


CHAPTER NINETEEN

RAY:

Naalimpungatan ako. Sumalubong sa akin ang malamig na hanging umiikot sa aircraft, nanginginig ako. Parang lalong bumigat ang pakiramdam ko, kagabi ko pa ito hindi ko lang pinapansin pero parang lumala. Tsk.

Napansin kong may brown jacket na nakabalot sa katawan ko, alam kong hindi ito akin, kay Kazuki ito. Lumingon ako sa tabi ko, nakita ko ang natutulog niyang mukha. Napangiti ako. Sweet siya sa actions, ngunit hindi siya sweet verbally, pero pag nalalasing parang gusto ko nang takpan ang tenga ko dahil grabe kung mambola. Kaya nga naninibago ako kagabi dahil kung anu-ano sinasabi niya sa bar kahit hindi naman siya tinamaan ng alak, siguro ay baka namimiss lang niya talaga ako.

Nagbitiw ako ng malalim na hinga. Muli kong naalala ang masasayang sandali namin noon.


"Woooh! Kapagod!" habol hinga kong sabi sabay higa sa damuhan. Ramdam ng balat ko ang pagtusok ng mga dahon.

"Enjoy?" tanong niyang habol hinga rin. Tumango ako sabay tingin sa kanya. "Let's do it again next time." nakangiti niyang sabi. Inakap niya ako. Pumikit ako. Hinaplos ko ang ulo niya habang ang isa kong kamay ay gumapang sa likod niya.

"Ureshii?"
("Happy?")

"Oo naman." Sabi ko sabay hilig ng pisngi ko sa ulo niyang nakasubsob sa dibdib ko. Rinig na rinig ko pa rin ang malalim na paghinga niya. Dumilat ako, nakita ko ang madilim na langit, wala akong makita kahit isang bituin, pero napakalaki at napakaliwanag ng buwan na siyang saksi sa amin.

"Kazuki..."

"Hmmm?" his voice is light yet deep and manly.

"Thank you for everything. I will not experience this if it weren't for you."

Dear Stranger (Pinoy BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon