AUTHOR'S NOTE (IMPORTANT PLEASE READ!)
This part is dedicated to a friend and a reader. Miss you! I hope masaya ka na kung saan ka man ngayon. :-)
Credits to Roj Sawada para picture na nandito. Kahit ayaw ko ay pilit siyang nagpresinta at naghanap ng picture ng mga characters ng "Dear Stranger".
MARAMING SALAMAT PO!
MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
======================================================
BY: White_Pal
FB: https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
TWITTER: https://twitter.com/gabby_whitepal
BLOG: https://gabbysreroute.wordpress.com
CHAPTER TWENTY-FIVERAY:
Sa isang mala-paraisong isla kami nag-lunch, parte ito ng island hopping tour.
"Yum! Ang sarap!" sabay kagat ni Lyn sa inihaw na manok. "Wala bang unli gravy dyan?" tanong habang ngumunguya.
"KFC lang?" si Jess habang kumukuha ng napakaraming kanin.
"Yes. Ray the gravy." Sabay tingin sa akin.
"Huh? Gravy?"
"Yes. Gravy ka, dahil si Kazuki baby ang Hot and Spicy chicken. Perfect!" Sagot ni Lyn. I get it, hinahambing niya kami sa pagkain.
Tumingin ako kay Kazuki, kumindat siya sa akin.
"Pwes si Bae ang fun-shots." Sabat ni Kim na noo'y humihigop ng sinigang. "Kahit miryenda ay pwede mong papakin, mas bagay sila ni Ray na gravy." Pahabol nito.
Napatingin ako kay Bae. Nakangiti siyang umiiling. I know he's uncomfortable dahil sa kumpetisyong nagaganap, pero chill lang siya at hindi nagpapahalata.
"Lahat kayo ay mga wannabe at trying-hard. Dahil si pareng Rome ang original." Si Jess sabay tapik kay Rome na pinipigil ang pagtawa.
Magsasalita sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko ito, tumatawag si Mama. Bigla akong kinabahan. Siguro ay nabalitaan niyang nasa Pinas ako ngayon.
"Excuse me." Sabi ko sa mga kasama ko sabay inom ng tubig. Tumayo ako at naglakad palayo sa kanila.
"Hello Ma." Sabay buntong-hinga.
"Kamusta anak? Apat na araw ka na pala rito, hindi mo rin ako sinabihang uuwi ka pala."
"Biglaan eh. Tsaka babalik din akong Japan, gusto ko lang mag-relax." Sabay tukod ng likod sa kahoy na poste.
BINABASA MO ANG
Dear Stranger (Pinoy BoyxBoy)
Romance*This is a sequel to "LOVE, STRANGER" 1 YEAR LATER... Spring came... Time of rebirth and new beginnings... Sa pagtatapos ng lamig ng winter, mapawi rin kaya ang sakit ng nakaraan? "Hi Stranger..." "Hi Ray... I miss you."