AUTHOR'S NOTE
Sabay kong ipopost ang Chapter 4 and 5. Maiksi lang talaga kasi ang sakop nito pero sinabay ko na para walang magreklamo na maiksi.
MARAMING SALAMAT PO!
MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
======================================================
BY: White_Pal
FB: https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
TWITTER: https://twitter.com/gabby_whitepal
BLOG: https://gabbysreroute.wordpress.com
CHAPTER FOUR
ROME:
"If you don't mind me asking Mr. Kyou, sino po yung lalaking pumasok sa room kahapon?" alanganin kong tanong. I'm curious kung ano ang trabaho mo rito. Napansin ko rin na mukhang malapit kayo ni Mr. Kyou.
"Why?" maiksi niyang tanong sabay inom ng red wine.
"Ah... Eh..." nautal kong sabi. "Kasi narinig ko na sinabi niyo sa kanya na dapat pinagkakatiwalaan niya ang company namin. Na-receive ko rin kagabi ang profile niya, I want to know how successful he is since sa amin pala siya nag-apply noon para makapasok sa Japan." Palusot ko.
Ngumiti si Mr. Kyou, bakas sa mga ngiti niya na para siyang may alam na hindi ko mawari. Kinuha ko ang wine glass at uminom ng red wine.
"Why don't you ask him? As a matter of fact, I want you and Ray to know each other. I think magkakasundo kayo."
Medyo nasamid ako sa sinabi niya at muntik ko nang mabuga ang wine na iniinom ko.
"Sorry." Sabay punas sa bibig ko gamit ang puting table napkin na nasa aking lap. Hindi ko magawang tumingin ng diretso kay Mr. Kyou, I hope hindi siya na-offend sa nangyari. Bahagya kong inikot ang mga mata ko sa paligid ng VIP Room restaurant ng kanyang hotel. Maliwanag at nakaka-relax ang aura. Kapansin-pansin ang kumikinang na mga swarovski crystals na naka-sabit sa ceiling, may ilaw na nagrereflect dito kaya mas maganda ang kinalabasan.
"Ohayou gozaimasu Shachou." Sabi ng isang pamilyar na boses mula sa likod ko. Nakita ko ang kamay niya at inabot ang isang itim na folder kay Mr. Kyou. Tiningnan ko ang lalaki at hindi ako nagkamali, nakita kita.
"Ohayou Ray." Sabi ni Chichi sabay buklat sa itim na folder na binigay mo sa kanya. "I have a meeting in 15 minutes. Ray, Why don't you join Mr. Parrilla?" sabi ni Mr. Kyou sabay tingin sa iyo.
Kitang-kita ko ang paglaki ng mga mata mo. Hindi ko napigilang ngumiti. Biglang nabuhay ang dugo ko sa narinig. Pilit kong tinatago ang excitement na makausap ka. After one year ay makakausap na rin kita.
Mabilis na ang sumunod na pangyayari, nagpaalam si Mr. Kyou at nagmamadaling naglakad palabas ng VIP Room ng restaurant. Dahan-dahan kang umupo sa cream na couch sa harap ko. Lumapit ang isang waiter at lininis ang mga pinagkainan ni Mr. Kyou, pinalitan ito ng bagong plato, baso, glass wine, tinidor, at kutsilyo. Kahit nakaharang ang braso ng waiter sa gitna natin ay hindi ko maalis ang tingin sa iyo.
BINABASA MO ANG
Dear Stranger (Pinoy BoyxBoy)
Romance*This is a sequel to "LOVE, STRANGER" 1 YEAR LATER... Spring came... Time of rebirth and new beginnings... Sa pagtatapos ng lamig ng winter, mapawi rin kaya ang sakit ng nakaraan? "Hi Stranger..." "Hi Ray... I miss you."