AUTHOR'S NOTE:
Next Chapter po ang mga gusto kong sabihin. Medyo nagmamadali na po ako. Enjoy reading!
MARAMING SALAMAT PO!
MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
======================================================
BY: White_Pal
FB: https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
TWITTER: https://twitter.com/gabby_whitepal
BLOG: https://gabbysreroute.wordpress.com
CHAPTER TWO
ROME:
Nagising ako sa isang ingay.
"Ano iyon? Parang barena." Sigaw ko sa isip ko.
Sumalubong sa aking diwa ang napakalamig na temperatura. Dumilat ako, madilim ang loob ng aircraft at tanging dilaw na dim-lights lang ang liwanag na aking nakikita. Muli kong narinig ang ingay na parang barena. Takte hilik pala iyon at napakalakas, nanggagaling ito sa upuan sa harap ko.
"Parang may kilala akong hilik na ganito kaingay ah." Isip-isip ko. Naalala na naman kita Ray.
Naghikab ako, inaantok pa ako. Pumikit ako at sinubukang ituloy ang pagtulog ngunit masyado talagang maingay ang hilik ng tao sa aking harapan. Dahil dito'y sinipa ko ng malakas ang upuan sa harap ko. Tumigil ang maingay niyang bunganga. Narinig ko ang pagtanggal niya ng safety belt. Nagising ata siya! Pigil tawa kong sinuklob ang gray na hood sa ulo ko. Baka lumingon siya at makita ako, ayoko ng gulo. Oras na para ituloy ang naudlot kong tulog.
RAY:
Nagising ako dahil may hinayupak na sumipa sa likuran.
"Tae naman natutulog yung tao eh." Sigaw ko sa isip ko.
Agad kong tinanggal ang safety belt sa aking katawan at lumingon sa likod. Nakita ko ang isang matangkad na lalaki, hindi ko makita ang mukha niya dahil natatakpan ito ng kulay gray na hood. Napansin kong may suot siyang silver na relo at nakaipit na bilugang ray-ban shades sa puting long-sleeve ata iyon.
Napansin ko ang pagalaw ng balikat at braso niya na para bang tumatawa. Siguro ay tuwang-tuwa siya sa ginawa niyang kalokohan. "Tulug-tulugan pa ang hayup." Pabulong kong sabi.
Nakakagigil, gusto kong sipain ang taong ito. Seconds after, ngumiti ako, isang maitim na balak ang naisip ko. Bumunot ako ng biscuit sa aking bag, nabili ko ito sa loob ng airport bago pumasok ng eroplano. Dinurog ko ito sa aking kamay at pagkatapos ay pinagpag ang lahat ng mumo ng biscuit sa lalaking sumipa sa upuan ko. Kasama kong tinapon ang wrapper sa harap niya. Mahina akong humalakhak na parang isang kontrabida sa pelikula.
***
ROME:
"Gago ka kung sino ka man!" sabi ko sabay tapon sa wrapper sa bilugang trash can. Agad kong hinila ang maleta ko palabas ng arrival area ng airport. Badtrip. Nahirapan akong tanggalin ang mga mumo na naka-kapit sa damit ko.
"Malamang yung sinipa ko sa harap ko na napakalakas humilik ang may gawa nito!" naiiritang sigaw ng utak ko. Amoy biscuit na ako. Hindi ko naman pwedeng hubarin ang jacket na suot ko dahil winter dito sa Japan. Baka hindi lang katawan mangisay sa akin pati itlog ko. Tsk.
BINABASA MO ANG
Dear Stranger (Pinoy BoyxBoy)
Romance*This is a sequel to "LOVE, STRANGER" 1 YEAR LATER... Spring came... Time of rebirth and new beginnings... Sa pagtatapos ng lamig ng winter, mapawi rin kaya ang sakit ng nakaraan? "Hi Stranger..." "Hi Ray... I miss you."