Interlude 2 (Possible Book 3!?!?!?)

902 52 47
                                    

TIME OUT MUNA TAYO SA STORY!!!

Yes guys, tama ang nabasa niyo... AND I NEED YOUR OPINIONS WITH THIS ONE, I NEED YOUR HELP!!! KAYA SANA YUNG MGA MADALAS MAG-COMMENT AT HINDI PA NAGCO-COMMENT, NOW IS THE PERFECT TIME, I REALLY NEED HELP, KAYO RIN INIISIP KO! HAHAHA!

Ganito... Supposedly 7-9 Chapters na lang ang natitira and the story is finish. PERO! Kanina habang nagre-review ako, narealize ko na as the writer of this story, hindi kaya mabitin ako? Alam ko ganoon din ang sinasabi ng ibang readers ko na parang bitin o maiksi kung matatapos na sa Chapter 36-38. Oo alam ko, sinabi ko dati na hanggang Book 2 lang ito, pero kasi nakita ko na ang laki-laki ng potential ng ilang subplots and storylines. Oo mata-tackle sila sa last 7-9 Chapters, pero feeling ko bitin o kulang o magmumukhang minadali if matatapos ng ganoon na lang.

Ang dami kong nakikita as in, and I want to write it (I gave some hints last chapter, naalala niyo tumawag si Mr. Kyou kay Bae? That "issue" is part of the Finale Arc na sana at mangyayari pagbalik nilang Japan, pero that "issue" can be the main reason kung bakit magkakaroon ng Book 3). Ang concern ko lang ay baka ma-stretch o di kaya mag-suffer ang storyline at sumobra naman, hindi maganda iyon lalo na't plan ko nga itong ilabas sa eBook.

Bigyan ko na kayo ng idea... The Book 3 is like ie-expand ko yung mga arcs at issues na ita-tackle sa originally last 7-9 chapters, in short mas hahaba pero mas malalagyan ng emphasis ang bawat mangyayari at imbis na 3-4 days lang (story timeline) mangyayari ang lahat, aabutin ng months dahil nga inexpand ko. Magkakaroon din ng involvement ang pamilya ni Ray, Rome, Mr. Kyou, Bae, at Kazuki, even Gel's family may short parts sila sa Book 3 kung sakali. So it means, yes mae-expand yung last 7-9 Chapters, pero may mga iintroduce akong arcs and subplots na susuporta sa main plot ng Book 3. (AUTUMN-WINTER-SPRING ang timeline ng Book 3, ayan binigay ko na) The supposed ending in Book 2 ay yun pa rin ang magiging ending sa Book 3 (Spring Time pa rin), walang mababago, made-delay lang yung ending sa story ng 1 taon sa timeline nila, pero same pa rin ng pupuntahan. 

So guys, what do you think? Please mag-comment kayo, na-overwhelm ako at medyo sabog kaya hindi pa makapag-isip ng matino. But I want to hear your insights with this one. Push ba ito, o hindi? If push bakit? If no, bakit din? Gusto ko talaga malaman ang opinion niyo tungkol dito. 

Maraming salamat sa patuloy na pagbabasa! ^_^

Dear Stranger (Pinoy BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon