Chapter Twenty-Eight

1.1K 60 66
                                    

AUTHOR'S NOTE  

Pasensya na po sa delay. Sana magustuhan niyo itong chapter na ito at ang mga susunod. 

Salamat kay PeterJDC sa pagtulong sa akin sa ilang parts dito. Medyo masama ang mood ko noong sinusulat ko ito kaya nakaligtaan ko ang ilang detalye at siya ang nag-point out ng mga naging kulang. :-)

Technically this is the intro of the "Finale Arc", yes medyo napaaga (originally sabi ko sa FB Chapter 30 pa) but I think it's time. Ang masasabi ko lang, huwag mag-judge, kasi baka kagaya ng Book 1, sumabog sa mukha niyo ang twist ng story. Hahaha!

Maraming salamat sa pagbabasa! Kapit lang! ^_^

======================================================

BY: White_Pal

FB: https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
TWITTER: https://twitter.com/gabby_whitepal
BLOG: https://gabbysreroute.wordpress.com

com

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


CHAPTER TWENTY-EIGHT

RAY

"Nagkiss kayo ano!? Aminin mo na!" kanina pang pangungulit sa akin ni Lyn.

"Hindi nga!" pagsisinungaling ko sabay irap sa kanila ni Kim na masama ang tingin.

Pasimple akong tumingin kay Rome. Nakikipagkwentuhan ito kay Jess. Kanina pa kami walang imikan ni loko after namin pagsaluhan ang halik na iyon sa langit. Oo literal at figurative na langit.

"Nakita namin! Don't deny!" si Kim.

"May binulong lang sa akin si Rome! Ang kulit niyo ah!" tumingin ako sa labas ng bar, nakita ko ang puting beach sand at madilim na dagat.

"Ang sabi niya ikaw ang may binulong sa kanya. Sinungaling kayo!"

"Vice-versa. Bawal ba?"

"Echusera. Che! Wag ako mga bakla!" sabay irap ni Lyn.

"Bahala kayo."

Pasimple akong tumingin kay Kazuki na alam kong nakikinig sa amin. Hindi ko mabilang kung naka-ilang bote ng beer na ang kanyang naubos. Kanina pa siya tulala at wala sa sarili. Napabuntong hininga ako. Kinuha ko ang isang triangular-sliced na pakwan at kinagat ito. Matamis ang prutas at tamang-tama ang texture.

"Sana ako na lang yung pakwan para kagat-kagat mo ako." Si Rome sabay lapit sa harap ko at kindat. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig, na-gets ko ang gusto niyang ipahiwatig. Tinampal ko siya.

"Brutal nito!" habang hinihimas ang pisngi niya sabay sad face na halatang umaarte.

"Bastos mo ano?" sabay irap.

"Asawa ko, pwede pakwan?" sabat ni Kazuki sabay mwestra ng daliri na mala-rated SPG. Tangina.

"Sapak gusto mo?" sabay taas ng kamao sa kanya. "At hindi kita asawa!" sigaw ko. Tumawa siya. Iba rin topak nito eh, kanina hindi makausap ng matino ngayon bumabanat ng ganito, dahil kaya bumanat si Rome? Hay, umpisa na naman sila. Tsk!

Dear Stranger (Pinoy BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon