Chapter 36

2.1K 60 57
                                    

BY: White_Pal

FB: https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35

TWITTER: https://twitter.com/gabby_whitepal 
BLOG: https://gabbysreroute.wordpress.com


CHAPTER 36

RAY

Naramdaman ko ang paggalaw ng binti ko, naglalakad na pala ako papasok ng airport. Wala pa rin ako sa sarili gawa ng nangyari kahapon. Aalis na naman ako ng pinas na may dala-dalang sama ng loob. Ang kaibahan lang ay haharapin ko ang Japan na hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin gawa ng eskandalong kumalat. Hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam ni Chichi kung sino ang hayup na iyon.

Dumaan kami sa baggage counter, wala pa rin ako sa wisyo. Ang tatay-tatayan ko na nga ang nagbuhat ng bagahe ko. Pagdaan namin sa customs ay inabot ko lang ang passport ko, naiirita na ako, gusto ko ng umalis ng bansa!

We're about to approach our aircraft nang biglang nag-ring ang Cellphone ni Chichi.

"Anak, mauna ka na sa eroplano." Sabi niya. Tumango ako at tumalikod patungong aircraft.

"Have a safe flight." Nakangiting bati sa akin ng cabin crew.

Dumiretso ako sa business class at mabilis na umupo sa aking upuan. Lumingon ako sa bintana, nakita ko ang mukha ni Rome. Napabuntong hininga ako. Ayoko na siya maisip, nakakapagod na.

"Sana pag gising ko ay nasa Japan na ako." Sambit ko na lang na may kirot sa aking puso.


***


RAY

Nagising ako sa lamig na nagmumula sa buga ng aircon ng aircraft. Ramdam kong nasa himpapawid na kami. Dinilat ko ang aking mga mata. Kinilabutan ako sa aking nakita, bakit ako lang nandito? Nasaan ang ibang pasahero? Nasaan si Chichi?

Tumayo ako. Lalo akong kinabahan nang makita ko na walang katao-tao ang laman ng aircraft. Tumungo ako sa pilot's room, ngunit naka-lock ito. Kinalampag ko ito.

"Buksan niyo ito!" sigaw ko.

"Ray..." malambing na sabi ng isang pamilyar na boses. Lumingon ako, nakita ko si stranger, may dala-dalang bulaklak. Parang nanghina ang aking tuhod sa nakita.

"Anong ginagawa mo rito?" bumilis ang tibok ng aking puso.

"Surprise." Sabay bitiw ng matamis na ngiti. Naglakad siya palapit sa akin. "Ray... I'm sorry sa nagawa ko last time. Hindi ko sinasadya iyon."

"Lumayo ka sa akin Rome." Sabi ko, muli ko na namang naalala ang masasakit na sinabi niya, ngunit sa kabilang banda ay naisip kong dala lang iyon ng galit, sino ba namang hindi magagalit sa nagawa ko?

"Sorry na nga eh..." sabay sad face nito. I realize na ang lahat ng nangyayari ngayon ay parte ng kanyang surpresa, at pati si Chichi ay dinamay niya pa rito dahil iniwan kaming mag-isa sa loob ng aircraft, sa gitna ng himapapwid! Amp!

Lumuhod siya sa harap ko.

"Ano bang kailangan kong gawin para magkaroon na tayo ng happy ending Ray?"

Hindi ako nakaimik. Totoo ba itong naririnig ko? O guni-guni ko lang.

"Hindi ko alam. Masyado ng maraming gulong nangyari Rome."

"Bakit kasi hindi natin subukan? Hindi kasi natin alam kung hanggang kailan ang binibigay na chance ng pagkakataon sa atin."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Tumayo ka na dyan Rome." Lumuhod ako at pilit siyang tinatayo, ngunit ayaw niya.

"Sana hayaan mo akong harapin ang bukas na kasama ka."

Nagtama ang aming mga mata. Hinaplos niya ang aking mukha, nanlalambot ako, tinukod niya ang kanyang noo sa akin at pagkatapos ay linapat ang mapula't mainit niyang labi sa aking labi. Gumanti ako ng halik, naging marahas ang paglalaban ng aming mga labi.

"Sasamahan mo ba ako sa hinaharap?" bulong niya. Dumilat ako, muli kong nakita ang nangungusap niyang mga mata.

Isang malakas na putok ang gumimbal sa aking utak. Lumabas ang pulang likido sa bibig ng aking pinakamamahal.

"Rooooooome!" sigaw kong sagad sa lalamunan. Inakap ko si Rome habang unti-unti siyang bumabagsak. Nakita ko ang demonyo sa likod ni Rome, si Gel, nakangisi habang nakatutok sa akin ang baril.

"'Wag kang mag-alala, sasamahan mo rin siya sa hinaharap niya, sa impyerno!"

"Gel... Wag... Please..."Nabalot ng luha ang aking mata.

"Bakit!? Naawa ka ba sa anak ko noong pinatay mo siya?"

"Hindi ko sinasadya..."

"Wala akong pakialam!" pinaputok niya ang baril at tinamaan ako sa balikat. Napasigaw ako.

"Inagaw mo sa akin si Rome! Pinatay mo ang anak namin! Kaya dapat ka nang mamatay!"

"Kung hindi lang din mapapasa-akin si Rome, mabuti pang ipatapon ko kayo kay Satanas!" sigaw niya.

Sunud-sunod na putok ng bala ang aking narinig, ramdam ng aking katawan ang pagbaon ng hindi mabilang bala sa aking katawan. Bumigat ang aking paghinga. Naramdaman ng aking mukha ang carpet ng aircraft. Pilit kong inabot ang nakahandusay na si Rome, tinitigan ko ang nakapikit niyang mukha. Binuhos ko ang huling pwersa ko upang maabot ang kanyang labi, at nagawa ko. Sa huling pagkakataon ay nahalikan ko ang taong mahal ko.

"Die!" sigaw ni Gel at muli akong pinaputukan.

Kinain ako ng kadiliman.

Isang bulong ang aking narinig... "Happy April Fools' Day! Abangan mo ang totoong pasabog ko."

=========================================================

TO MY READERS:

Malayong mangyari ang chapter na ito sa totoong chapter thirty-six. Pasensya na rin kung pangit ang pagkakasulat, kakasulat ko lang nito ngayon. Walang plano, walang edit-edit, walang kung anong arte bago i-post. (Now you see kung gaano kapangit ang mga drafts ko!) Hahahahaha!!! 

Abangan this coming week ang totoong Chapter Thirty-Six.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dear Stranger (Pinoy BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon