AUTHOR'S NOTE
Next update will be on Wednesday or Thursday.
Next time na lang po ang mga ibang bagay. ^_^
MARAMING SALAMAT PO!
MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
======================================================
BY: White_Pal
FB: https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
TWITTER: https://twitter.com/gabby_whitepal
BLOG: https://gabbysreroute.wordpress.com
CHAPTER SEVEN
RAY:
"Calm down Ray." Malakas kong sigaw sa lalaki sa salamin. Bahagya kong hinawi ang bangs ko, tinaas ko ito. "Ay ewan, nakakatamad mag-ayos. Bakit ba ako nag-aayos eh si stranger lang naman ang pupuntahan ko?" sabi ko. Inirapan ko ang lalaki sa salamin at pagkatapos ay kinuha ang Toshiba laptop ko kasama ang yellow transparent folder. Agad kong tinumbok ang pinto at lumabas. Hindi ko pa man nasasarado ang pinto ay may narinig akong isang boses mula sa aking kaliwa.
"Nandito na pala ang teacher ng boyfriend ko." Sabay pamewang at ngisi. Lumingon ako, nakita ko ang bruha. Malakas kong hinatak ang pinto, kumalampag ito, hindi ko pa rin inaalis ang tingin sa kanya. "Ano? Uumpisahan mo na bang turuan ang boyfriend kong maging baklang kagaya mo?"
Hindi ko napigilang tumawa ng malakas sa narinig. What an ignorant stupid bitch.
"Ang aga-aga mo namang nagkakalat ng katangahan mo. Pwede ba sa susunod paki-dala ang utak at huwag iwan sa Pinas. 'Wag kang ignorante. Ang pagiging bakla ay hindi natututunan. Pinanganak kaming ganito. Parang ikaw pinanganak kang babaeng mahilig sa lalaki. If you know what I mean." Sabay dilat ng mata at ngiti. Tumalim ang kanyang tingin.
"At least ako, may hinaharap at matres, eh ikaw?" malutong ang tono ng kanyang boses.
"Hindi ko kailangan niyan. In fact ayoko maging babae. Hindi ko trip magkaregla at manganak, hindi ko kakayanin eh. Masaya akong katawan ko ay lalaki. Tsaka ngayon pa nga lang na lalaki ako pero hinahabol na ako ng boyfriend mo." Bakas sa tono ng boses ko ang pang-iinis. Nanlaki ang mata niya sa narinig. Linapit ko ang mukha ko sa kanya. "Paano pa kung babae ako? Saan ka na kaya nun?" sabi ko sabay ngisi at naglakad papunta sa katabing pinto ng kwarto ko na siyang kwarto ni Rome. Dinaan ko siya, sinadya kong iwasan ang madikit sa kanya.
"What did you say!?" sigaw ni Gel sabay hablot sa braso ko, ramdam ko ang pagbaon ng matulis niyang mga kuko. Masakit, parang nagasgasan ako. Malakas ko itong tinabig, tumalsik ang kamay at braso niya.
"Don't touch me! You heard what I said." Sabay himas sa braso kong nagasgasan.
"Liar!" sigaw niya.
"Then ask him. Kahapon ng madaling araw nagkita kami sa park. Itanong mo sa kanya kung anong ginawa niya."
"Kahit ano pang sabihin mo, ako ang pipiliin niya. Babae ako, at lalaki si Rome! At wala akong ginusto na hindi ko makukuha."
"Okay... Hindi naman ako nakikipagkumpetensiya sa iyo eh. Sinasabi ko lang ang totoo. Ikaw, nagsasabi ka ba ng totoo? O delusional ka na?"
BINABASA MO ANG
Dear Stranger (Pinoy BoyxBoy)
Romance*This is a sequel to "LOVE, STRANGER" 1 YEAR LATER... Spring came... Time of rebirth and new beginnings... Sa pagtatapos ng lamig ng winter, mapawi rin kaya ang sakit ng nakaraan? "Hi Stranger..." "Hi Ray... I miss you."