AUTHOR'S NOTE
Medyo mahaba ang chapter na ito since this is an exception sa sinet kong haba ng chapters. Isa kasi sa highlight ito kaya medyo mahaba at importante lahat ng mga mangyayari. Next time na lang po ang mga ibang bagay na sasabihin ko pa pati ang baitan portion. Enjoy reading! :-)
MARAMING SALAMAT PO!
MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
======================================================
BY: White_Pal
FB: https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
TWITTER: https://twitter.com/gabby_whitepal
BLOG: https://gabbysreroute.wordpress.com
CHAPTER THREE
RAY:
Anong ginagawa niya dito? Puno ng tanong ang isip ko.
"Jess?"
"A-ako nga." Nauutal niyang sabi. "Kamusta? Long time no see ah." Bakas sa boses niya ang pagkailang. Okay naman kami noong kausap ko siya sa chat the other day.
"Eto naman parang hindi tayo magkausap noong isang araw." Sabi ko sabay tukod ng kamay ko sa dark-brown na pinto ng kwarto ko.
Nagbitiw siya ng isang pilit na ngiti. Ang weird niya ngayon, hindi siya ganito. Matagal ko nang kilala si Jess, classmate ko siya noong highschool at barkada niya si stranger. Hay, naalala ko na naman. Kaya nga ako lumabas ng kwarto dahil ayokong pag-usapan namin ni Bae ang taong iyon eh. Parang nananadya ang pagkakataon. Tsk!
"'Dyan ka nag-stay?" Turo ko sa katabing kwarto. "Eh 'di ba malapit lang dito ang tinitirhan at work mo?" random question ko.
"Ah... Eh... Hindi, may binisita lang akong kaibigan. Sige Ray, una na ako. Chat tayo mamaya. Kailangan ko nang umuwi eh."
"Okay. Ingat ka."
Tumango siya at nagmamadaling umalis. Rinig ko ang halik ng swelas ng sapatos niya sa brown karpet ng hallway. Napakunot ako ng noo. Weird. Hindi siya ganito. Nakakapanibago.
Nasa ganoon akong pag-iisip nang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Linuwa nito si Bae.
"San ka pupunta?"
"I'm thinking, baka naabala na kita. Sorry for asking too many questions about him." Sabi niya sabay ngiwi. Mukhang affected siya.
"It's fine. Don't think about it."
Tumango siya. Tahimik. "So... I'll see you tomorrow then."
"Hatid na kita sa baba."
"Magpahinga ka na lang." Sabi niya na may pagka-slang. American-British-Filipino kasi siya at laki sa US. Hindi na ako nagpumilit pa dahil alam kong hindi naman siya papayag. Yinakap niya ako at pagkatapos ay tumalikod, tinahak niya ang kahabaan ng hallway. Unti-unti, nawala siya sa paningin ko.
Papasok na ako sa kwarto ko nang maramdaman ko ang isang hindi maipaliwanag na bagay na humampas sa utak at puso ko. Napatingin ako sa katabing kwarto kung saan nanggaling si Jess.
"Sino kaya ang binisita niya?" isip ko. Ewan ko, 'di naman ako chismoso at walang pakielam sa mga ganoong bagay, pero may parang kung anong pwersa ang nag-uudyok sa akin na alamin ang taong naka-stay rito.
BINABASA MO ANG
Dear Stranger (Pinoy BoyxBoy)
Romance*This is a sequel to "LOVE, STRANGER" 1 YEAR LATER... Spring came... Time of rebirth and new beginnings... Sa pagtatapos ng lamig ng winter, mapawi rin kaya ang sakit ng nakaraan? "Hi Stranger..." "Hi Ray... I miss you."