AUTHOR'S NOTE (IMPORTANT PLEASE READ!)
Nasa open and closed parenthesis po ng bawat line ang translation.
Credits to Roj Sawada para picture na nandito. Kahit ayaw ko ay pilit siyang nagpresinta at naghanap ng picture ng mga characters ng "Dear Stranger".
MARAMING SALAMAT PO!
MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
======================================================
BY: White_Pal
FB: https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
TWITTER: https://twitter.com/gabby_whitepal
BLOG: https://gabbysreroute.wordpress.com
CHAPTER TWENTYRAY:
"Salamat." Sabi ko pagkatapos inumin ang gamot kasabay ang tubig. Buti na lang at mas madali na sa akin ang gumalaw kumpara kagabi. "Anong gamot pala ito?" tanong ko sa kanya sabay inom ulit ng tubig. Ang sarap!
"Papa Rome Cetamol." Sabay kindat. Nabuga ko ang tubig na iniinom ko, nabasa ang kama ko. Humalakhak siya. "Wui baka isuka mo iyan, pinaghirapan natin gawin iyan, nanghina pa ako para dyan." Sabay kindat. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Kinuha ko ang puting unan sa tabi ko at hinampas siya. Tumayo siya mula sa pagkakaupo.
"Bastos ka! Anong pinaghirapan? Anong nanghina!?" paos na paos kong sigaw.
"Ay ako lang pala napagod kasi humiga ka lang eh." Sabay ngisi niya.
"Hoy bakit ano bang nangyari!? Wala naman ah!" Hindi siya makapagsalita dahil sa katatawa. "Tapos ka na?" sabi ko sabay taas ng kilay.
"Wala ngang nangyari. Nagbibiro lang eh." Nakangiti niyang sabi.
"Ano ngang gamot ito!?" paos na paos kong sigaw
"Basta gamot sa lagnat. Basahin mo na lang mamaya." Sabi niya sabay kamot ng ulo. Tumayo siya at dumiretsong banyo, narinig ko ang pag-agos ng tubig. Ilang saglit pa'y lumabas siya may dala-dalang tabo, pinatong niya ito sa end-table.
Binaba ko ang baso sa itim na end-table at humiga. Hindi ko magawang tingnan si Rome ng diretso dahil totally naked pa rin ito. Hindi pa rin ako makapaniwalang wala siya ni isang saplot sa katawan, ganoon din ako. Shit naman nakakailang!
Narinig ko ang tunog at patak ng tubig, tumingin ako sa tabo, nakita kong hawak niya ang isang pulang bimpo. Piniga niya ang bimpo at pagkatapos ay marahang pinunas sa mukha ko. Ang lamig, ang sarap. Napapikit ako.
BINABASA MO ANG
Dear Stranger (Pinoy BoyxBoy)
Romance*This is a sequel to "LOVE, STRANGER" 1 YEAR LATER... Spring came... Time of rebirth and new beginnings... Sa pagtatapos ng lamig ng winter, mapawi rin kaya ang sakit ng nakaraan? "Hi Stranger..." "Hi Ray... I miss you."