AUTHOR'S NOTE
Pasensya na po sa delay. Sana magustuhan niyo itong chapter na ito at ang mga susunod.
Salamat kay PeterJDC sa hints at tulong for this chapter. Hahaha!
Maiksi lang talaga ang chapter na ito, medyo na-drain ako noong sinulat ko ito, hindi ko kinaya kabaliwan ng isang character dito. Basta mag-update ako ng next chapter within this weekend siguro.
Maraming salamat sa pagbabasa! Kapit lang! ^_^
======================================================
BY: White_Pal
FB: https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
TWITTER: https://twitter.com/gabby_whitepal
BLOG: https://gabbysreroute.wordpress.com
CHAPTER THIRTY
GEL
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa isang babae, nasa loob siya ng oblong na salamin. Ngumiti ako, ginaya niya ako. Naramdaman ng balat ko ang pagkahulog ng itim na bathrobe na kanina'y nakabalot sa akin. Napakaganda ng katawan niya, daig pa ang isang modelo sa kinis at perpektong hugis nito. Nakipagtitigan ako sa diyosa sa loob ng salamin.
"Maganda ka. Oo, maganda ka, ako, ikaw na nakatingin sa akin." Kinain kami ng katahimikan. May nakaabang na luha sa kanyang mga mata, ganoon din sa akin.
"Pero bakit ka malungkot? Bakit hindi mo siya makuha? Bakit hanggang ngayon nanlilimos ka pa rin ng atensiyon sa isang lalaking ang gusto ay..." Dumako ang mga kamay ko sa malaki kong dibdib. Pinisil ko ito. Ang lambot, ang kinis. "Wala ka nito Ray, isa ka lang bakla! Pero bakit nahuhumaling sa iyo si Rome!?" sigaw ko. Umikot ang mga mata ko. Pilit hinanap ng magulo kong utak ang dahilan ng pagkahumaling ni Rome sa salot na iyon.
"Siguro ginayuma mo siya ano!?" bigla kong sabi. "Tama! Tama yun! Ginayuma mo siya! Ginayuma mo si Rome! Hayop kang desperadang bakla ka!" pagsisigaw ko. Wala akong ibang maramdaman sa baklang yun kundi poot.
"Wala kang ganitong pisngi." Marahang kinurot ng babae ang kanyang pisngi. "Hinalikan mo na ba siya Rome? Singlambot ba ng mga labi ko ang mga labi ni Ray?" sabay haplos ng diyosa sa mapulang labi.
Biglang pumatak ang luhang kanina pa nakabalot sa aking mga mata.
"Ang mga luhang ito, pagbabayaran mo ito, Ray. Hayop kang bakla ka... Hayop ka! Hayooooppp!!!" sigaw kong sagad sa lalamunan na parang isang banshee na gustong pumatay ng isang tao, patayin ang putanginang baklang iyon! Narinig ko ang malutong na bagsak na piraso ng mga salamin.
Napaluhod ako. Humapdi ang aking mga palad, ngunit hindi ko ito pinansin. Isang triangulong piraso ng salamin ang tumawag ng aking atensyon, kinuha ko ito. Nakita ko si Rome.
BINABASA MO ANG
Dear Stranger (Pinoy BoyxBoy)
Romance*This is a sequel to "LOVE, STRANGER" 1 YEAR LATER... Spring came... Time of rebirth and new beginnings... Sa pagtatapos ng lamig ng winter, mapawi rin kaya ang sakit ng nakaraan? "Hi Stranger..." "Hi Ray... I miss you."