AUTHOR'S NOTE:
Credits to Roj Sawada para sa ilang details dito and the Japan Citizenship thingy. Siya po nag-edit sa scene ni Ray and Mr. Kyou at nagdagdag ng ilang information para mabuo ang scene na iyon.
Salamat sa kaibigan kong si Kim Yu (siya si Kim sa story) na walang sawang nagchecheck ng ilang scenes para sabihin kung ano ang kulang or dapat bawasan. Hahaha!
Sorry po sa delay. Marami lang inasikaso these past few weeks.
MARAMING SALAMAT PO!
MAY MGA TYPO'S AND PROBABLY GRAMMAR ERROR ITO. 'DI KO PA NA-EEDIT DAHIL MEDYO BUSY PO AKO. SA BOOK VERSION (SOON IN BUQO), NANDOON PO ANG EDITED VERSION AND BETTER VERSION. (May mga bonus clip and scenes din po akong balak idagdag doon so kung gusto niyo pong mabasa, I suggest you get a copy po once na available na.)
======================================================
BY: White_Pal
FB: https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35
TWITTER: https://twitter.com/gabby_whitepal
BLOG: https://gabbysreroute.wordpress.com
CHAPTER FIFTEEN
ROME:
"I'm sorry... Hindi ito pwede." Paulit-ulit na umeecho sa aking tenga ang mga katagang iyon. Pumasok ito sa utak ko, diretso sa puso ko. Ang sakit, napakasakit. Para akong nabingi. Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko'y tumigil ang paghinga ko. Ilang saglit pa'y mabilis kang tumakbo palayo sa akin, pababa sa burol na sana'y altar ng ating kasal-kasalan.
"Ray!" tawag ko sa iyo. Ngunit bingi ka na at dire-diretsong tumakbo. Hinabol kita. Ramdam ko ang mabilis at marahas na halik ng napakalamig na hangin, para itong karayom na bumabaon sa aking balat; masakit pero wala ito sa sakit na nararamdaman ng katawan ko ngayon. Napakabigat ng dibdib ko.
Nang maabutan kita ay mabilis kong hinawakan ang iyong balikat, malakas mong hinawi ang kamay ko at tumalsik ito. Ang sakit, pero mas masakit ang paulit-ulit na emosyong dumudurog sa puso kong nagmamahal sa iyo. Mas bumilis ang iyong pagtakbo, hinabol kita.
"Ray, mag-usap tayo."
"Wala tayong dapat pag-usapan."
"Ano bang dapat kong gawin? Ray naman!" bumigay na ang boses ko, kasabay nito ay bumalot ang luha sa aking mga mata.
Patuloy ka pa ring naglakad, dinaanan ang mga hilera ng puno na puno ng dilaw na ilaw.
"Ray kausapin mo naman ako!" sigaw ko sa iyo sabay muling hawak sa braso mo.
"Rome tama na!" kasabay ng sigaw mo ay isang malakas at malutong na sampal ang bumagsak sa mukha ko. Napakasakit, hindi ko akalaing magagawa mo ito. Unti-unti kong naramdaman ang pagpatak ng mainit na luha mula sa aking mata. Tumingin ako sa mga mata mo, hindi ko matukoy ang emosyon sa loob nito.
"Anong tama na? Sabihin mo naman sa akin Ray! Ipaliwanag mo naman!" bumilis ang tibok ng napakasakit kong puso.
"Anong ipapaliwanag ko?"
"Bakit tayo ganito?"
"Hindi ko alam, itanong mo sa sarili mo!" sigaw mo. Nag-umpisang mag-crack ang boses mo. Nakita ko ang pagpatak ng luha mula sa iyong mata.
"Alam kong malaki ang kasalanan ko sa iyo, kaya nga bumabawi ako."
"Hindi enough ang pagbawing ginagawa mo!"
BINABASA MO ANG
Dear Stranger (Pinoy BoyxBoy)
Romance*This is a sequel to "LOVE, STRANGER" 1 YEAR LATER... Spring came... Time of rebirth and new beginnings... Sa pagtatapos ng lamig ng winter, mapawi rin kaya ang sakit ng nakaraan? "Hi Stranger..." "Hi Ray... I miss you."