Chapter Thirty-Five

889 54 36
                                    

AUTHOR'S NOTE

Maraming salamat sa lahat ng naghintay at patuloy na nagbasa ng story ko. Alam ko matagal akong napahinga dahil sobrang busy ngunit nandyan pa rin kayo. Kaya maraming salamat!

Eto na ang sagot sa hinaing at sama ng loob ng mga nagcomment last chapter. Hahaha! Sabi ni Rome ay sorry na raw at na-delay ang sagot niya. Ang bagal ko raw mag-type dapat daw sa akin kayo magalit, at di sa kanya dahil di niyo agad nabasa ang POV niya. Wahahahahahaha!


======================================================

BY: White_Pal

FB: https://www.facebook.com/gabriel.montenegro.35

TWITTER: https://twitter.com/gabby_whitepalBLOG: https://gabbysreroute.wordpress.com



CHAPTER THIRTY-FIVE

ROME

"Anak." Isang boses na pamilyar at katok ang gumising sa akin. Alam kong si Mama ito. "Anak, kain na tayo. Hindi ka kumain kahapon buong araw."

"Hindi ako gutom. Matutulog na ako." Walang gana kong sagot.

"Anak nag-aalala kami ng Papa mo sa iyo."

"Ayos lang ako. Mamaya na ako kakain." Pagsisingungaling ko.

Hindi na ako ginambala pa ng aking ina. Huminga ako ng malalim. Muli kong nakita ang mukha mo. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ko maintidnihan ang sarili ko. Hindi ko na alam. Nalilito ako.

Gusto ko na lang itulog ito, baka sakaling pag gising ko'y tapos na ang masamang panaginip na ito. Baka sakaling magising ako at nasa Parasailing pa rin tayo sa Boracay – naghahalikan, o di kaya'y tinanggap mo ang aking pagmamahal at pinakasalan mo ako sa Kyoto, o di kaya ay kumatok ka sa hotel room ko isang taon ang nakaraan at hindi ka umuwi ng Pinas. Kung nangyari man ang isa sa mga sinabi ko ay baka masaya tayo ngayon. Baka hindi mo nagawa ang nagawa mo sa inosenteng bata.

Narinig kong umalinag-ngaw ang mahina kong hagulgol sa apat na sulok ng madilim at malamig kong kwarto.


***


ROME

"Anak." Muling katok ni Mama sa pinto ng aking kwarto. "May bisita ka."

"Sabihin niyo wala ako."

"Hoy Rome! Lumabas ka nga 'dyan." Kalampag ni Jess sa pinto.

Hindi ako sumagot. Ilang saglit pa'y narinig ko ang tunog ng susi mula sa labas ng aking kwarto. Hindi nga ako nagkamali at narinig kong bumukas ang pinto. Hindi ko siya liningon, nakatingin pa rin ako sa bintana, sa kawalan.

"Maiwan ko na kayo." Si Mama at pagkatapos ay narinig ko ang pagsara ng pinto.

"Anong ginagawa mo rito?" walang gana kong sabi.

"Kailangan na nating tapusin ang presentation kay Mr. Kyou."

"Alam niyo na ang gagawin. Kaya niyo na iyan."

Kinain kami ng katahimikan.

"Hoy." Sabay tapik sa likod ko. "Ano bang problema mo?"

"Wala."

"Galit ka pa rin ba kay Pareng Ray?"

Parang may kumurot sa puso ko. Hindi ako kumibo.

"O galit ka sa sarili mo?"

Dear Stranger (Pinoy BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon